Posts

Showing posts from 2024

PBA May Taning Na! At Charles Barkley Inalipusta Ang Pinoy Basketball!

Image
Kawawang PBA may taning na. Ilang mabahong hinga na lang at magtatapos na ang kasaysayan ng mga ulol.  At bakit naman ganyan si Charles Barkley sobra naman kung mang-alipusta! May punto ba siya? Sama-sama tayo mga enlightened ones!  https://indiosbravos.mixlr.com/events/3366946

Digong Nilaglag Ng China - Mga DDS Hindi Maunawaan Implikasyon Nito

Image
https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2430970 Totoo talaga na itong mga Duterte at DDS bloggers ang nagbaba ng diskurso sa politica. Maghanap ka ng DDS na nakikipag-tagisan sa mga forums at social media makikita mo ang kababawan sa pagunawa sa mga bagay na politica. Litaw na litaw ang utak biya at mahinang reasoning. Sobrang hina talaga nang pagprocesso ng DDS talagang wala kang makikitang signs na may intelligence ba talaga. Hello? Tao po? Walang tao, ang madadatnan mo lang ay isang hurumentado at sira-ulong DDS. At pag matatalo na sa debate ay biglang ibabato sa iyo ang issue ng drugs or mag red tag ng kung sino sino. Akusahan ka na drug addict o communista. Yan ang fall back ng mga bugok. Dapat para ma-corner itong mga DDS, dikdikin niyo sa usaping WPS dahil sa bagay na yan sigurado wala silang nalalaman. Mas concern ng mga DDS ang inflation at trabaho kaysa makisawsaw sa usapin ng South China Sea or WPS conflict. Sa tingin nila umunlad talaga ang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno

Ang Coup Plot ni Antonio Luna

Image
Bakit ka galit? May bigote ka rin ba? Noong mapaslang si Antonio Luna sa Cabanatuan, hindi alam ng modernong historiador ang totoong pakay ni Luna. Ang alam natin ay may natanggap siyang telegrama mula kay Aguinaldo, na tinatanggi ni Aguinaldo na pinatawag niya si Luna, at tatlo lamang sila Luna ng kaniyang mga aide de campe ang kasama niya. Nasaan si Aguinaldo? Nasa Pampangga dinidisarma ang mga taohan ni Heneral Concepcion. Si Heneral Concepcion ay kilalang loyalista ni Antonio Luna. Ang mga magkakapatid na Bernal naman ay humiwalay sa grupo ni Luna para sunduin ang ilang mga taohan na maagang na-disband ng grupo ni Aguinaldo. Si Luna ay nagpapakana ng isang coup d'etat.  Samahan niyo kami ni Sumaquel Hosalla (historiador at researcher na naging consultant sa pelikulang Heneral Luna) na tatalakayin ang kwentong ito - Ang Coup Plot ni Antonio Luna. https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2429314

Mga Duterte Mga Intrigero at Chismoso. Seryoso Ba Talaga Mga Ito?

Image
  https://indiosbravos.mixlr.com/events/3342211

Mga Artistang Pinoy Hindi Makasakay sa Woke Train sa Hollywood

Image
https://indiosbravos.mixlr.com/events/3339454 - Live Tayo Dito Tayo pa naman ang pinakamayabang na bansa sa totoo lang. Tayo yung gusgusin na kamaganak niyo tuwing may family reunion tapos saksakan ng yabang. Ang mga taong mapagmalaki kadalasan ang may pinakamalaking baho na tinatago. Nagmamalaki tayo para pagtakpan ang mga bagay na hindi maganda at nakakahiya. Lagi nating pinagmamalaki na tayo ay masayahin at laging nakangiti. Pero ang totoo, tayo ay mga inggitero at yung ngiti na yan kadalasan ay ngisi pala. Isang senyales din ng kabobohan ang pangiti-ngiti kahit na napapaligiran ng basura. Ang taong nakangiti sa gitna ng kahirapan ay isang tamad na tinanggap na ang kaniyang kalagayan at wala na siyang balak na ayusin ang kaniyang kapalaran. Tingnan mo mga holdaper at rapist, ngumingiti din mga yan. At kung sino man nagsabi na ang Pilipinas ang pinakamasayahing bansa ay nanlilinlang sa atin. Tayo ang bansa sa Asya na pinagtatawanan ng ating mga kapitbahay. Kahit China na ilang beses

Dapat Ang Mga Pilipino Ay Itakwil Na Ang Mga Duterte!

Image
https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2411733 Patuloy pa rin ang bobong politica sa paglagay ng bobong politico. Ganon lang yan eh. Gusto mo maging lango-lango yung buhay mo? Eh di maghalal ka ng bangag na kagaya ni Baste. Lakas pa ng pintas ng mga DDS na bangag ang pangulo ng Pilipinas eh yung kanilang mayor at bangag at ang pamilya niyan ay mga bangag.  Ano man yang girian ng China at America kanila lang yun. Pero tayo ay may karapatan sa WPS na dapat igalang ng China. Hindi dapat ang Pilipinas magpauto sa naratibo ng China. Ang kanilang naratibo ng China ay ang Pilipinas sa WPS ay walang karapatan diyan. Historically sa China yan kaya may 9 dash line sila diyan at tayo kasama ng US ay mayabang diyan na unang nagtayo ng structures diyan na labag sa karapatan ng ibang claimants. Ang US ay aggressor at ang China ay pinaglalaban lamang ang kanilang karapatan. At tayo ay dapat manahimik at huwag makisali dahil pag tayo ay sumali tayo ay mamamatay at magugunaw sa lakas ng puersa at ka

Andi Eigenmann ay Anghel sa Lupa

Image
  https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2409415 Bihira sa Pilipina ang makakita ng isang katulad ni Andi Eigenmann. Akala ko nga noon matapobre ito na mandidiri sa mga Indio. Karamihan kasi ng mga kababaihan sa atin kahit yung mga hindi tisay eh ang aarte. Akala nila tama ang ganong ugali - ang alipustahin tayong mga Indio pero ito si Andi Eigenmann na mestisa at parte ng mga mapagharing uri sa atin ay natuto kung paano magmahal. Ito ang dapat tularan ng mga Pinay. Binabasa ko rin mga comments online dahil tuwing may status update si Andi ay sinusundan ito ng mga kuro-kuro. Napupunta pa ang mga usapan sa asawa niya na si Philmar at may mga di kanais-nais na mga salita mula sa mga ulol na nagagalit at pinili ni Andi ang isang Indio na tulad natin. Ang mga nagsasabi ng mga hindi kanais-nais ay ang mga sumusunod: Fil-Chi - Marami sa mga ito ay mababa ang tingin sa ating mga kayumanggi. Siguro dahil may trauma pa dahil sa suffering na pinagdaanan ng kanilang mga ninuno. Mga sari-saring

Matatalino Ba Ang Mga Egoy?

Image
 https://indiosbravos.mixlr.com/events/3300756

Philippine Mens National Football Team Nilampaso ng Iraq. Buhok nila ay nagparang mop ng janitor!

Image
https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2407554 At nagkatagpo ulit ang ating Philippine Mens National Team at Iraq. Sa ating home game, tayo ay natalo sa score na 5-0. Masakit talaga pero kailangan natin tanggapin ang ganyang resulta. Ganyan sa football. Ganyan din ang buhay. Kung hindi mo paghahandaan ang isang bagay, ikaw ay makakaranas ng pagdurusa.  Ang Philippine Mens National Team at ang supporters nito ay sinampal sa mukha ng mapait na katotohanan. Katotohanan na matagal na natin alam at kung ikaw naman ay bobo, ito ay katotohanan na iyong kinagulat. Noong 2010 matapos maganap ang tinatawag na "Miracle in Hanoi", nabigyan ang PFF (Philippine Football Federation) ng pagkakataon na ayusin ang football. Dumating ang mga fans at sponsors. Pero sa halip na gamitin ito para buhayin ang football at magsimula ng development, walang nangyari kasi ang responsibilidad na ito ay napunta sa mga napaka incompetent na pamumuno. Mga taong wala talagang idea. Nagfocus din masiyado sa

Pilipinas contra Iraq - Isang boring na engkwentro!

Image
Wala nang mas boboring pa sa isang football match kung saan ang isang koponan ay nagpunta lang sa laban para magkalat ng katarantaduhan. Yan ang nakikita natin pag nakakalaban natin noon ang mga bansa na kagaya ng Cambodia at Laos. Talagang gusto lang nila mang-asar. Siempre tayo na mga World Class at powerhouse ay talagang kinatatakutan ng mga bansang yan diba? Kaya naman pag ang isang powerhouse team sa football na kagaya natin ay naglalaro na parang mga tapakan, eh nakakahiya yan diba? Nitong nakaraang Viernes ika-22 ng Marso taong 2024, isang powerhouse team na kagaya natin, ang Pilipinas na umaabot sa Third-Round ng AFC World Cup Qualifiers kahit na walang development program, walang matinong domestic league, walang training facilities, walang grass roots development at walang pake sa football, ay nagpapakita ng kabanbanan laban sa mga minnows na Iraq! Anong klaseng kagaguhan ito? Anong klaseng kataksilan sa bayan ang ginagawa ng ating football team na maglaro ng wala ang puso ha?

DENR noon pa naman ay inutil talaga

Image
  https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2398468 Sundan ko ng articulo.  Yung sa Dep Ed issue may articulo na kung gusto niyo basahin nandoon na.

Kaya ba ng Pinoy manalo nang walang tulong ng mga Americano (o ibang lahi)?

Image
https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2391053

DepEd Secretary at VP Sara May Solution Sa Learning Poverty?

Image
Ang totoong mga adik ay itong mga patay na patay sa mga Duterte. Napaka inconsistent kasi eh. Galit sila sa mga kriminal, pero magbubulag-bulagan sa mga violations ng mga Duterte. At pabor pa na gumamit ng karahasan para malinis ang mga adik.  Galit kay Trillanes at Penot dahil binenta daw ang Spratly's territory natin sa China, pero hindi pumalag nang halos tumuwad si Duterte sa China kahit wala naman tayo napala. Binigyan pa nga ng covid, pero ok lang din walang palag sa China.  Nasusuka daw sa mga political dynasty, pero sumasamba sa mga Duterte at handa pang iluklok yung anak kahit incompetent.  Eh kayong mga DDS pala ang mga adik eh. Sa awa ng Diyos ay nauto ng mga Marcos itong si Sarah na saka na mag presidente at maging running mate na lang ni BBM. Sa surveys ay may maliit ng kalamangan si Sarah Duterte kay BBM. Tiyak na nanalo si Sarah kung hindi siya naging problem bitch ng tatay niya at umandar ang PMS. Parang spoiled brat na babae na maninindigan sa lalaking ayaw ng kani

Simbahan Magbayad Na Ng Buwis At Lahat Ng Kulto Buwagin Na!

Image
Ang may-ari ng mundo at anak ng diyos. Alam niyo ba kung bakit hindi nagbabayad ng buwis ang mga religious groups sa Pilipinas? Dahil sa separation of church and state. Oras na pagbayarin ng buwis ang mga yan ay binibigyan mo na sila ng pahintulot na makialam sa policia ng gobierno at magkaroon ng impluwensya sa kahit anong decision. At yan ang ayaw natin na sila ay magkaroon ng boses sa gobierno dahil wala naman silang qualification pagdating sa pagpapatakbo ng bansa. Ang tanging katungkulan ng simbahan at iba't-ibang relihiyon ay ang pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng sa mahihirap at magturo ng mabubuting kaugalian sa mga mamamayan. Hindi ang politica. Sa bansa natin, itong mga religious groups na ito lalo na ang Simbahang Catolica ay mabunganga pagdating sa politica. Mga homily ng mga hudas na naka-abito ang nilalaman ay politica. Nag eendorso pa ng gustong politico. Naka publico pa ang pag bendicion sa bobong politico na kanilang sinusuportahan. Kaya dapat lang na magbayad n

Si Duterte ba ang pinaka-banban na naging Pangulo ng Pilipinas?

Image
Patayin ko ikaw https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2370282   Hindi maitatanggi na isang napaka divisive na tao si Duterte. Parang Jaworski yan eh - either you love him or hate him. At sigurado pag lumabas sa TV para magsalita, ikaw ay naka-abang sa mga sasabihin.  Crowd pleaser pagdating sa pagtatalumpati. Mahirap pumagitna dahil sa napaka-extreme at volatile na tao siya lalo na at tapos na ang termino niya. Marami nang data at evidencia para ikaw ay magdecision kung gusto mo ba siya o hindi. Marami din ang nagsasabing si Digong ang pinakamahusay na pangulo ng Pilipinas. Kadalasan na nakikita nating comento o meme sa socmed na pumupuri kay Digong na the best ever na Presidente ay nagmumula sa isang bayaran o fake account. Marami na rin ang nagbago ang isip sa kaniya dahil sa pagbuelta niya sa kasalukuyang pangulo na si Ferdinand Marcos Jr. Maraming maaanghang na salita na binitawan lalo na sa rally ng partido ni Duterte sa Davao para iprotesta ang sinusulong na People Initiative

Political Dynasty sa Pilipinas at ang Panggagalaiti ng Warlord sa Davao.

Image
Matagal na established ang mga political dynasties sa atin na linked sa ating kasaysayan. Nang mawala ang mga Kastila ay umangat ang mga political dynasties na agad na kinontrol ang politica. Ito ay mga pamilyang Pilipino na may dugong Espanyol, mga Indio na may links sa mga datu at mga Intsik na walang contribution para mapalaya ang Pilipinas. Itong mga Intsik, special mention ko lang, ay talagang mga first rate bantay-salakay.  Centro sa isang political dynasty ay ang pamilya. Ang Pamilyang Pilipino ay nasa gitna ng lahat sa lipunan, kultura na humulma ng kahalagahan ng utang na loob at pakikisama at ang obligation sa ating mga magulang." May tatlong king makers pa nga - Imelda, GMA at Cynthia Villar. Ito ang mga tao na malakas ang impluwensya at kaya kang tulungan at maging pangulo ng pinakamalaking imbakan ng basura sa buong mundo - Ang Pilipinas! Obserbahan niyong mabuti din kung paano ang pamamalakad ng mga negosyo sa atin na mga family owned dahil maraming similaridad ito s

Maging Japan, Hindi Singapore

Image
Para umunlad ang ating economia, lagi tayong tumitingin sa ibang bansa at gayahin ang kanilang mga policies at practices. Isang bansa na laging ginagaya at minimithi nating tumabasan ay ang Singapore. Kahit ang kanilang sistema ng gobierno ay nais nating kopyahin kung tayo ay magshift sa parliamentary system. Pero ang dapat nating tandaan ay bawat bansa ay may pagkakaiba depende sa pinagdaanan ng kasaysayan ng bansa, kultura at relihiyon. Halimbawa, may Sharia Law ang Singapore at naka-ayon sa Koran ang kanilang batas. Itong ganitong uri ng batas ay hindi matatanggap ng mga mamamayang Pilipino. Kahit mga Muslim ay siguradong mababadtrip dito. May isang bansa na talagang dapat nating gayahin at pamarisan. Disiplinado ang mga tao, well trained sa lahat ng aspeto, malinis ang kapaligiran nila, pasensyoso at ang mga local council nila alam ang ginagawa. Ito ang Japan.  Tayo na isang developing country ay magbebeneficio ng husto kapag matutunan natin ang policies na ginagamit ng Japan. Ting

Monologue Ni Jo Koy sa Golden Globes

Image
At natupad ang inaabangan ng lahat ng mga hambog Pinoys na makita ang Pambansang Comediante natin na si Jo Koy na maging host ng Golden Globes. Bilang host siya ay obligadong magbigay ng monologue kung saan kanyang pagtitripan ang mga panauhin na binubuo ng mga who's-who ng industria ng pinilakang tabing. Mga taong kagaya nila Brad Pitt, Ben Affleck, directors, producers at writers. Mahirap na trabaho yan at talagang nakakanerbyos nga naman kahit ikaw ay batikang stand-up comic, ibang crowd na ito na siguradong pahihirapan ka. Susi dito ang pagiging matapang at matatag. Magtiwala sa materiales na meron ka, paghandaang mabuti at pagdating ng takdang oras hindi ka matitinag at kahit sandali hindi ka dapat mag alangan sa mga linya mo ito ay dapat mong ihatid ng walang hesitasyon.  Yun nga lang, pumiyok siya at yun ang kaniyang kinasira dahil yung ilang sandali na nagpakita siya ng kahinaan ang maaalala ng media. Maganda naman ang kabuuan, yun lang may ilang saglit na sinisi pa niya mg

Live tayo mga urot

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2334033 Kinig kayo dito kung tamad kayo magbasa.

Bakit Ang Daming Bopols Sa Pinas?

Image
Ang kaka-Ingles natin ang nagpapabobo sa atin. Ingles ang ginagamit na mode of instruction sa mga paaralan. Salita din ito na ginagamit sa mga pahayagan at sa telebisyon. Ito rin ang ginagamit na lenguahe sa Saligang Batas. Pinagmamalaki natin na tayo ay pangalawang bansa na maraming English speakers. Pagmagmalaki tayo akala mo kung sinong mga hari na may malaking corona sa ulo pero nakatayo naman sa mataas na imbakan ng basura. Eh ano ngayon kung tayo rin ang pinakabopols? Ayon sa bagong pagaaral na ginawa ng World Bank, 80% ng mga magaaral sa atin ay hindi bihasa sa kaalam. Sa madaling salita, ang mga kabataan ngayon ay mga utak buris. Mga Ompong Galapong, may ulo pero walang tapon! Masama yan para sa hinaharap ng ating bansa. Itong report na ito ginagamit ito ng mga investors para malaman kung maganda ba mag-negosyo sa bansa natin. Kung makita nila ang report na ito, hindi sila pupunta dito para mag set up kaya asahan niyo na magaalisan ang mga trabaho na nasa atin ngayon dahil baba