Showing posts with label diether ocampo. Show all posts
Showing posts with label diether ocampo. Show all posts

Thursday, March 14, 2013

Original Jologs


Bago ang jejemon ay may mga jologs. Sabi nila ang jologs daw ay nagmula sa isang baduy na disco na pagaari or co-owned ni Edu Manzano. Kung totoo nga na part owner si Edu ng disco na ito, sa sobrang baduy ayaw niyang aminin dahil masisira ang imahe niya. Ang pangalan ng disco na ito ay "Jaloux." Ang mga patrons ng disco na ito ay mga feeling at kupal na social climbers na akala nila "in" sila, pero baduy pa rin pala. Kaya uso noon ang mag asaran kagaya nito - "Wow, John nagpupunta ka pala sa Jaloux. John Jaloux ka pala." "Oh ang Jah-luk naman." Hanggang sa naging "Jah-loog" and eventually naging jologs.

Wala yung tuyo. Nahiya siguro yung nagpicture baka siya
mabansagan na diyolog. 
May isa pang version noong kasikatan ni Jolina. Ang tawag sa mga fans ni Jolina ay jologs. Pero sa tingin ko coincidence na lang. Jol lang ang may sense, kasi Jolina diba? Kaya jol... pero paano yung "ogs?" Meron nang salitang jologs bago pa sumikat si Jolina.

Sabi naman ng iba ang jologs daw ay dahil sa mga hiphop. Ang mga hiphop kasi nagsusuot ng maluluwag na pantalon na laging nahuhulog. Kaya ang mga hiphop ay tinawag na hulog, dahil sa nahuhulog ang pantalon. Later ang hulog, naging julog. Tapos naging jologs.

Pero ang totoong origin ng salitang jologs ay nagmula sa pagkain.

Kasikatan ng tapsilog. Tapa, sinangag at itlog. Pagkain ito ng mga mahihirap. Parang jollyjeep lang ito na karinderya. Pumatok talaga dahil bukod sa catchy na pangalan na madaling tandaan, masarap at mura pa. Kaya mga trabahador tapsilog ang kinakain. Mabilis pa lutuin. Bukod sa tapsilog, meron din DIYOLOG. Dilis, tuyo at itlog. Ito ay kinakain ng mga jeepney drivers, barkers (mga taga tawag ng pasahero sa paradahan ng jeep), tricycle drivers, travajadors at sari-saring masa.

Tapos niyan yung mga tarantadong mga estudyante ng Ateneo na mga matapobre at mapagmataas, binansagan nila ang mga mahihirap na mga jologs. Kumalat sa Ateneo yan. Tinatawag nilang jologs yung mga sikyu at janitor sa eskwela nila. Hanggang sa kumalat sa buong Maynila ang salita na yan. Tapos biglang sumikat si Jolina Magdangal at may isang baklang gossip columnist na nagbansag na jologs ang mga fans ni Jolina. Then kumalat hanggang sa naging loose ang meaning at lahat na lang ng baduy ay tinatawag na jologs. Hindi tuloy bumenta ang combo na diyolog sa mga karinderya kasi nahihiya kumain ang mga pobre nito. Baka sila maliitin.

Dami talagang tarantado sa atin ano? Putanginang yan kagaya na lang ng na-witness ko noon sa concert ng Sandwich. Uso kasi ang batohan ng bote ng mineral water sa mga rock concerts. Noon nga sa Eraserheads concert noong 1998 para sa album nila na Sticker Happy na ginanap sa Cuneta Astrodome ang daming nagliliparang mga bote kapag tinutugtog na yung mga hits nila. Ang gandang tingnan. Kailangan alerto ka kung hindi mapupukulan ka ng bote sa ulo. Maduduling ka sa galit gusto mo suntukin ang bumato sa iyo pero hindi mo naman alam kung sino.

Eh yun nakita ko noon sa concert ng Sandwich may nambato ng bote sa bassist nila na si Myrene Academia eh asawa yun ni Raymund Marasigan. Nakita "daw" niya kung sino bumato kaya kinuha niya yung mic, ni-single out yung nambato kuno at ni-lead yung crowd sa pagsigaw ng jologs para mapahiya at manliit yung kawawang gago na fans nila na bumibili ng album nila at nagpupunta sa concert nila para naman may pambili siya ng mga maluluwag na pantalon at may pambili siya ng makakain ng pamilya niya. Gago rin ano?

Yung gagong Marc Abaya naman na matapobre rin, nakita ko noon sa NU Pocket Concert pinagmumura niya yung mga fans nila. May grupo ng mga mukhang skwater na magugulo sa gitna ng moshpit. Eh napatid sila sa wire kaya naputol yung sound nila, naudlot yung pagkanta niya feel na feel niya pa naman yung pagkanta. Kupal kumanta yun eh akala mo kung sino may papikit-pikit pa ng mata tapos kunwari pinupunit niya damit niya. Kala mo sexy putanginang laki naman ng bilbil putanginang gago ka. Kaya naudlot siya, halos maduling siya sa inis kaya pinagdiskitahan niya yung mga jologs na nakita niya. Minura-mura niya akala niya siya nagpapakain sa mga tarantadong mga patay-gutom na yun. "Putangina niyooooooooo! Mga Jologs kayo!" Tapos biglang natauhan, humingi ng paumanhin. Gago talaga. Pinakaplastic na apology na nakita ko talaga. Mas ok pa nga mag sorry si Satanas kumpara sa putanginang gago na yun.

At yan po ang origins ng salitang jologs.

You're welcome.



Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...