Posts

Showing posts with the label West Philippine Sea

BBM Jr sa WPS

Image
Muling pumihit ang Pilipinas papunta sa mga bisig ng America. Talagang epektibo ang ginagawang paghimas ng America (sa tulong na din ng International Media) kay BBM Jr at ngayon ay nagbago ng direction ang Pilipinas sa policia diyan sa WPS. Ngayon ay ginagalit na natin ang China at mas provocativo ang mga talking points ng Pilipinas na tila may sinusunod na sulsol. Sino ang sulsulero? Walang iba kung hindi ang mga tarantadong Kano.  Dapat maging maingat ang Pilipinas sa West Philippine Sea. Naiintindihan ko na kailangan natin manindigan at ipaglaban ang karapatan natin sa WPS dahil yan ang pinagkukuhanan natin ng kabuhayan. Pero may mas magandang paraan para maiwasan ang gulo at di pagkakaunawaan. Alam naman natin na kupalin ang China. Natural, communista ang gobierno nila at sa ilalim ng communistang rehimen, isa sa mga tipo ng pinuno na makikita ay mga strongmen. Kaya ang mga messaging ng mga gagong yan sa publico ay pagpapakita ng katapangan. Natural lang na magpapantig ang tenga na

Pilipinas ang Original Bully sa South China Sea

Image
Walang duda na ang China ay bully. Ginagamit ng China ang lakas ng kanilang navy at ang higanteng economia nila. Wala na tayong laban dahil talagang kulelat ang ating mga lumulatang na lata. Pinabayaan talaga ni Cory Aquino at lahat ng mga sumunod na presidente natin. Kahit isigaw pa natin na naging panalo tayo sa Court of Arbitration, wala naman tayong magagawa dahil mahina ang ating NAVY compara sa China. Bully nga ang China, yan ang totoo. Pero alam niyo ba na ang Pilipinas ang unang bully sa region natin? Kailangan balikan natin ang naging ugali ng Pilipinas pagkatapos ng WW2. Tayo ang original bully sa South China Sea. Ang lahat ng kakupalan na ginagawa ng China ngayon sa South China Sea, ay una na nating ginawa pagkatapos ng WW2. Ang yayabang talaga natin noon dahil katabi natin si Uncle Sam. Pilipinas at America ang original kupal. Oo, bully ang Pilipinas noon at yan ang totoo! Sino unang nang-angkin ng isla sa Spratlys Islands at nagtayo ng infrastructures diyan? Pilipinas. May