Mga Dapat Gawin Ng SBP

Ngayong tapos na ang FIBA Asia Cup ay pagusapan na natin kung ano ang mga natuklasan natin sa ating sarili sa larangan ng basketball. Makikita din dito ang kalagayan ng bansa natin at ang thought process ng maraming mga Pilipino. Matagal na din nating alam na ang mga Pilipino ay mga siraulo na walang kadala-dala dahil paulit-ulit na uulit-ulitin ang mga maling pamamaraan para makakuha ng tagumpay sa kahit anong larangan. Kung ano nakikita natin sa pamamalakad sa basketball ay ganon din ang nangyayari sa pang-araw araw na pamumuhay mapa-politica, edukasyon, environmental, government, local government, business atbp. Iisa lang pilosopiya - inuulit-ulit ang mali at walang natututunan sa mga kapalpakan! Sa basketball nakita natin kung paano ilampaso ang mga uugod-ugod at banban players natin. May pagkakataon na nga gumamit ng important, hindi pa ginawaan ng paraan na kumuha ng mas nakakabata. Hindi rin pinaghahandaan ang hinaharap dahil walang nakalinya na mga bata na malalaki na puede na ...