Posts

Showing posts with the label Kai Sotto

Pilipinas Tumba Sa Chinese Taipei - Sabi Ko Sa Inyo Maling Sistema Ang Triangle

Image
Ituturo daw ito ng mga kupal sa SBP sa mga bata. Ilang beses ko ba uulit-ulitin? Maling sistema yan. Mahirap matutunan kaya hanggang ngayon sila Junmar pa rin nasa line-up at hindi makakuha ng pagkakataon mga kabataan diyan. Aasa lang tayo sa iisang player at magiging predictable ang ating opensa. Pinapadali natin sa kalaban kung paano tayo talunin eh. Tingnan natin ang stats dahil ang mga numero ay hindi nagsisinungaling. Nasa gawing kanan ang stats ng Pilipinas. Ikumpara niyo sa Chinese Taipei na nasa kaliwa. Ang final score ay 91-84. Ang Chinese Taipei ay mainit sa tres pero kung susuriin ng mabuti hindi ang kanilang outside shooting ang pumatay sa atin although nabali ang likod natin sa dagger three ni Lin. Ang talagang pumatay sa atin ay ang turnovers at ang ating mahinang adjustment sa transition. May 12 points off turnovers ang Chinese Taipei at tayo ay may 5 points lang. Ano difference? Pitong puntos. Ano kalamangan ng Chinese Taipei? Pito.  Kung ikaw ay ulol at gusto mo ma...

Sisihan Portion - Da Recap of Pilipinas Contra Sa Angola

Image
Ang ating agimat. At malapit na akong maka trifecta. Bigo ang Pilipinas laban sa Angola sa FIBA World Cup 2023. Sadyang mas malakas ang mga manlalaro ng Angola na ginamit ang kanilang laki at lakas sa ilalim at husay sa pagbuslo ng mga tres para tayo ay talunin. Mautak din ang kanilang coach compara sa coach Banchot natin na walang alam sa basketball na ewan ko ba kung bakit hindi siya tinatablan ng hiya. Pagusapan at pagaralan natin ang kanilang laban para maunawaan natin kung bakit tayo kinulang. Sa pamamagitan ng statistics ng laban, may silver lining ang lahat kahit sa basketball. Kung hindi man tayo manalo sa laban, panalo pa rin tayo dahil natuto tayo mag analyze. Kaya tuwing may mga laban, punta agad sa website para kunin ang game stats. Basahing maigi ang mga figures. Panoorin ulit ang laro para makita niyo ibang mga bagay kagaya ng mga player movements. Iba kasi pag binase mo lang sa unang viewing mo dahil na-dazzle ka sa magagandang galawan. Sa second viewing makikita mo na a...