Friday, June 9, 2017

Resorts World Manila - Kamusta Contingency Plan Niyo?


Dahil sa nangyaring terrorist attack sa Resorts World Manila, lumalabas na naman ang katontohan natin at pagka-reactionista. 2017 na at hanggang ngayon ay hindi tayo handa sa terrorismo. Hindi ba tayo puede matuto sa ginagawa ng ibang bansa kung paano nila protectahan ang mga mamamayan nila?

Kung nakita ninyo yung security video ng Resorts World Manila, ang gunman ay casual lang na pumasok sa gusali, hindi na dumaan sa metal detector. Ang security guard ay isang babae na walang baril. Paano ba naman matatakot ang mga masasamang loob niyan kung ang first line of defense mo ay isang nene? "Excuse me sir, hindi po kayo puede pumasok diyan sir kailangan niyo po dumaan sa metal detector namin, sir? Sir? Ayyy may baril!"

Dapat ang nakaharap doon ay mukhang MERC na may pagka goons ang dating at may hawak na malaking baril. Ang sino mang magtatangka na gagawa ng masama ay talagang magdadalawang isip. Yung mukha talagang hayop na bigyan mo lang ng dahilan eh babarilin ka kaagad!

Ngayon yung mga staff naman na natagpuang patay sa comfort room ay nagpapatunay na walang contingency plan ang Resorts World Manila. Dapat ang staff ay may sapat na training para alam nila kung ano ang dapat gawin kung may emergency. Lahat ng mga companies sa buong mundo ay meron contingency plan. Kung masunog ang gusali nila ang bawat staff ay alam ang emergency evacuation procedures. May naka-assign na warden sa bawat floor at ang mga wardens na ito ay may extensive training kung paano mag administer ng first aid, lead people to safety at identify threats and danger. Ginagawa natin yan sa escuela noon lagi tayong may fire drills. Bakit ang Resorts World tila wala? Kitang-kita naman ang kanilang incompetence dahil mga guard unang nagtakbuhan, mas nauna pa sila sa mga guest nila. Kung may training ang staff nila sigurado na hindi ganon kalaki ang mga napinsala at nasaktan. Hindi sana nataranta ibang guest nila kung may leadership na pinakita ang mga staff nila at hindi yung parang mga tarantado na natataranta at kung saan-saan tumatakbo!

Halos buong magdamag ako nakikinig sa DZMM at maski sila na radio presenters kagaya nila Karen Davila ay mga walang alam din. Buong magdamag ako nakinig at hindi dumaan sa isip nila na itanong kung may contingency plan ba ang Resorts World Manila. Nangangahulugan lang na tayong mga Pilipino ay hindi na maaalis ang "Bahala Na Mentality." Ang dami nang pinsala na dinulot ng bahala na mentality na yan. Hindi pa rin tayo natututo. 2017 na at ganon pa rin ang attitude natin - Bahala na.

Maraming pananagutan ang Resorts World Manila at dapat sila magbayad. Incompetence nila ito, katangahan nila kaya dapat matindi ang parusa sa mga putanginang mga walang pusong mga animal na ito!

Kung gusto niyo pakinggan yung broadcast ko sa Mixlr tungkol sa Resorts World Manila attack click niyo ang link na ito - http://mixlr.com/mang-temy/showreel/resorts-world-manila-kamusta-contingency-plan-niyo-mga-ogag-kayo/



98% of Pinays are cheap

Mayayabang Ba Ang Mga Atenista?

Palubog na ba ang kasikatan ng basketball?

Ang traffic sa Manila ay indication ng gumagandang ekonomiya?

Si Arnold Clavio ba ay mukhang Pilipino?

Corona impeachment trial - dahil ba sa Hacienda Luisita?

Pasado ba si Peanoy sa iyo sa pag handle niya sa Sendong Relief efforts?

Dapat bang sunugin ang mga putanginang mga bakla sa Pinas?

Dapat na bang mamatay ang PBA?