Posts

Showing posts from November, 2020

Bakit ang Baduy ng mga Pelicula na Gawa sa Pilipinas?

Image
O mga bakya! Ito na ang pelicula niyo! Pila na, pila na. Baduy ang mga pelicula sa atin. Nakakasuya at nakakaasar panoorin. Minsan ang ganda ng cinematografia pero walang kwenta ang storia. Kung maganda naman ang storia, ang mga artista na gumanap ay mga mahihina umarte. May artistang kilala at respetado, overacting naman! May pelicula naman na malaki ang production at kakagatin ng masa pero walang kwenta ang script at puro baduy na one-liners. Wala ka talaga maaasahan sa peliculang Pilipino kaya ito ako gumawa ng listahan ng mga dahilan kung bakit ang baduy-baduy ng peliculang Pilipino. Overacting na Artistang Nanggaling sa Teatro Nababadtrip ka sa veterano at sikat na artista na maraming awards na nakuha sa teatro dahil sa lakas ng boses niya at sobrang OA na pag-arte. Yan ang dahil ang mga artista na yan ay nagmula sa teatro. Sa teatro ang actor ay kailangan lakas ang boses nila at gumalaw ng malaki para marinig at makita ng mga nanonood sa malayo. Hindi kasi makita sa malayo ang fa

Super Trapo sa Politica ng Pilipinas

Image
Diyan sila magaling. Bakit ang bansa natin ang bagal ng progreso? Bakit tayo napagiiwanan ng mga kapitbahay natin sa ASEAN? Bakit nakaka-dismaya nang mamuhay sa atin?  Dahil ang mga politico natin ay mga Mama's boys at Daddy's little girl na walang karanasan sa buhay. Ano pa ba aasahan natin na magkaroon sila ng totoong initiativo kung wala silang karanasan sa buhay at walang idea kung ano ang nangyayari? Wala ka maaasahan sa mga yan kapag may dumating na sakuna dahil bukod sa hindi pinaghandaan ang mga mangyayari at walang paghuhugutan na karunungan at karanasan. Puro mga tonto at tonta na walang binatbat at ang inisip na lang ay payamanin ang sarili nila. Para mabigyan kayo ng idea, halimbawa sa daanan ay laging may nadudulas kasi laging may nagtatapon ng balat ng saging. Ngayon si Marcos naglagay ng taga linis diyan para tuwing may magtatapon ng balat ng saging, madali itong wawalisin. Yan ang initiativo niya. Hindi natigil ang pagtatapon ng balat ng saging pero may naglilin