Si Duterte ba ang pinaka-banban na naging Pangulo ng Pilipinas?
Patayin ko ikaw https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2370282 Hindi maitatanggi na isang napaka divisive na tao si Duterte. Parang Jaworski yan eh - either you love him or hate him. At sigurado pag lumabas sa TV para magsalita, ikaw ay naka-abang sa mga sasabihin. Crowd pleaser pagdating sa pagtatalumpati. Mahirap pumagitna dahil sa napaka-extreme at volatile na tao siya lalo na at tapos na ang termino niya. Marami nang data at evidencia para ikaw ay magdecision kung gusto mo ba siya o hindi. Marami din ang nagsasabing si Digong ang pinakamahusay na pangulo ng Pilipinas. Kadalasan na nakikita nating comento o meme sa socmed na pumupuri kay Digong na the best ever na Presidente ay nagmumula sa isang bayaran o fake account. Marami na rin ang nagbago ang isip sa kaniya dahil sa pagbuelta niya sa kasalukuyang pangulo na si Ferdinand Marcos Jr. Maraming maaanghang na salita na binitawan lalo na sa rally ng partido ni Duterte sa Davao para iprotesta ang sinusulong na Peo...