Migo System - Sistemang Bulok sa Philippine National Football Team
Mula 90s ang Philippine National football team ay binubuo ng mga Ilonggo. Dahil ang coach nila na humahawak sa team siya rin ang namimili at nagrerecruit ng manlalaro. Hindi naman malawakan ang paghanap nila, basta na lang nila pinipili yung available na players sa lugar nila. Kaya kadalasan kung ang mapipiling coach ng national team ay coach din ng isang university sa Visayas, ang mapipiling mga players ay mga varsity players din na hawak niya at kilala niya. Tingnan niyo yung ginawa noon ni Norman Fegidero, dating striker ng Philippines na napiling coach ng national team noong 2007 para sa AFC Challenge Cup na gaganapin sa Iloilo. Nagbigay siya ng babala para sa mga players na naglalaro sa labas ng bansa na kapag hindi sila makakarating 2 months bago magsimula ang tournament para sa kanilang training camp, hindi sila makakasali. Eh siya ang coach ng West Negros College kaya automatic ang mga bugok na ito! Dalawang players lang na naglalaro overseas ang exempted ng magaling na coac