Posts

Showing posts with the label untouchables

Ian Araneta AKA Boy Dapa

Image
Bakit nandyan pa rin si Ian Araneta, AKA Boy Dapa sa starting 11 kahit na wala siyang naitutulong sa team. Ang bagal niyang tumakbo kahit si Paeng Da Giant mauunahan ito sa takbuhan. Anong klaseng striker yan ang bagal-bagal tumakbo? Kaya siguro pinakita ni Misagh Bahadoran kung ano ang kaya niyang gawin sa pitch. All over the pitch siya noong kalaban natin ang Icheon, kahit sa defense tumutulong siya. Meron isang sure goal na nasave niya at sinipa niya palabas. Sobrang sipag niya talaga. Si Araneta ginagawa ba niya yan? At baket ba siya ang ginagawang partner ni Phil Younghusband sa harap eh alam naman natin na wala talaga siyang naitutulong. Kahit siguro si Didier Drogba na ang kasama niya sa position wala pa rin magandang resulta na makukuha. Ang lakas naman talaga ng kapangyarihan ni Ian Araneta ano? Siya ba ang isa sa tinutukoy ni Weiss na "untouchables" sa team? Iniisip ko rin na maaaring kasama si Gener dahil sa edad niya at kasali pa rin siya sa team. Pero masaya