Pilipinas vs New Zealand Asia Cup Basketball Qualifiers 2024


Siempre masaya tayo at nakaisa din sa New Zealand na matagal na nating tormentors sa international basketball. Mas lalong lumakas ang paniniwala natin sa sistema ni Tim Cone na triangle offense. Maganda siempre ang magkaroon ng sistema ang ating team para matigil na yung kalat-kalat na laro natin na nakaka-frustrate panoorin at laging nagbibigay ng nakakadismayang resulta. Sa ilalim ng triangle offense maganda ang spacing ng ating mga players at na-encourage ang mga players natin na gumamit ng diskarte. Ang mahirap lang sa triangle offense kaya hindi ito ginagamit ng mga teams ay mahirap itong matutunan. Kung ang Chicago Bulls ay inabot ng tatlong taon para magamay ito, papaano pa kaya sa national team? 

Sa triangle offense importante ang familiarity. Dapat na regular na nagsasanay ang koponan at matagal na magkakasama. Bobo ka na kung hindi mo pa rin maintindihan kung bakit hindi ito nababagay sa national team at walang national team na gagamitin itong sistema puera lang ang Pilipinas kasi special tayo. 

Tingnan natin ang mga disadvantage ng triangle offense:

Mahirap maintindihan at kailangan ng mataas na basketball IQ. Hindi tuloy napili mga bobo kagaya nila Pogoy. Buti na lang. Si Pogoy yung patalo noon sa laban natin ng Angola sa FIBA World Cup kung saan iniwan niya yung player sa corner para mag-double team. Nabasa ng Angola at binigay libreng-libreng 3-point specialist para sa dagger. Kasalanan ni Pogoy yun kaya tayo natalo doon. Mababa kasi ang basketball IQ niya. Mayabang lang at malakas kay Banchot kaya laging pinipili sa national team kahit marami namang hamak na mas magaling. Hindi niya maiintindihan ang triangle offense at nababagay siya sa bobong style ni Banchot.

Maraming memorization na kakailanganin. Kaya di uubra mga bobo sa ropor at utak biya na players. Ngayon, ito ang offense na ituturo sa youth teams natin. Hindi ito nirerekomenda ng mga coaches. Ang daming pattern at actions na kailangan isa-ulo. Ito ang dahilan kung bakit kahit sa SEA Games dinadala ni Cone mga professional cagers kasi kailangan niya mga players na kabisado na ito. Hindi mabibigyan mga youth players sa sistema na ito. Mapapahiya ang mga youth teams natin sa international competition. 

Kailangan ng well-rounded players para ito tumalab. Yung mga hindi marunong pumasa at mga players na mahirap basahin kagaya ng tatakbo tapos titigil hindi uubra dito. Kailangan mo players na fundamentally sound. 

Dapat exceptional din ang mga players na nagpapatakbo nito. Jordan, Bryant, Pippen, Rodman, Gasol, O'Neal. Sa Alaska naman Lastimosa, Abarrientos, Hawkins. Kaya hindi puede mga Pogoy at Abueva diyan. Doon sila sa iskwater makipagsuntukan na lang sila!

May mga advantages din naman kagaya ng positionless o kaya interchangeable ang positions. Yung current line up ng Pilipinas sa laban nila ng New Zealand ay walang natural point guard. May centro pa rin shempre at malaking tulong ang ating 7'3 na Kai Sotto na hindi na-utilize ng mabuti ni Banchot. Ang centro kadalasan nasa ilalim pero puede rin lumabas. 

Continuous din ang opense sa ilalim ng triangle offense kaya pag ang naglalaro sa loob ay gamay ito eh nagmumukhang may magandang sistema talaga tayo. Lahat din ng players ay involved sa laro dahil sa maraming pasahan at nadedevelop ang basketball IQ ng isang manlalaro.

Ngayon mag recap tayo sa Pilipinas vs New Zealand kung saan nagwagi ang pambansang koponan natin. Dikit ang laban at nanalo tayo ng mga kalamangan na apat na puntos. 

Nagpapanalo sa atin yung rebounding. Nakakuha tayo ng 44 rebounds at ang NZ 31 lang. 16 diyan ay offensive rebounds at nakatulong yan para lamangan natin sila sa second chance points. Natalo nila tayo sa 3pt field goal percentage. May 51.4% sila kumpara sa ating 29.6%. 18 ng 35 3pt attempts nila ay success. Tayo 8 lang naibuslo sa tres out of 37 attempts. Muntik na tayo madali doon buti na lang maganda shooting natin sa free throw line at maraming 2nd chance points. 

Gumagana na ba talaga ang triangle offense? Maaga pa para malaman natin. Makikita natin yan pag dating sa tournament proper kung saan ang mga national teams ay magpapadala ng mga top players nila. Diyan natin masusubukan ang sistema natin.


Ito pala mas mahabang recap sa basketball game na yan -Philippines vs New Zealand

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?