Posts

Showing posts from October, 2021

Sino Ang Matapang Na Lalaban Sa Akin Ng Pustahan Na Mananalo Si Bongbong Marcos Sa Darating Na Halalan?

Image
BBM! Ang pinakamagandang pelicula ay yung mga may cuento ng redemption. Mga inaapi na biglang bumabangon sa huli at nag-wawagi. Diyan nakaka-relate ang maraming tao lalo na tayong mga Pilipino. Parang kwento ni Bongbong Marcos na matagal nang ginagawang punching bag ng mga Dilawan. Itong mga morally prude na mga Dilawan na kung magsalita akala niyo mga banal pero sila pala itong maraming tinatagong kabahuan. Nasa Biblia ang mga ganyang kwento. Kagaya ni Job na binawi ng Diyos ang lahat sa kaniya para subukan ang kaniyang pananampalataya. Nang mapatunayan ni Job ang kaniyang pagmamahal sa Diyos siya ay binigyan ng malaking gantimpala. Hindi kailan man sinisi ni Job ang Diyos at hindi siya nagtanim ng sama ng loob at galit dito. Ganyan din si Bongbong na ngayon ay isang hakbang na lamang at nasa MalacaƱang na ulit siya. Siya na kaya ang inaantay ng Pilipinas? Pagkakataon na niya para magkaroon ng redemption at ayusin ang pagkakamali ng kanyang Ama. Kahit anong pilit ng campo ni Leni ay h