Posts

Showing posts with the label Rodrigo Duterte

Quiboloy Sumuko Dahil Baka May Matuklasan Ng PNP Ang Matinding Sikreto Ng KOJC Cult!

Image
  Palabas ng mga DDS na sumuko si Quiboloy dahil may matinding endgame ang kampo nila. Ang totoo, nahuli nga si Quiboloy dahil nasukol na pero lumabas na mismo si Quiboloy para hindi na pasukin ng PNP ang bible study hall kung saan nagtatago ang pinuno ng kulto para protektahan ang matinding sikreto nila. Si Digong naman ay ginawang administrator hindi lang ng assets ng KOJC pero pati na rin assets ni Quiboloy. Gagamitin ito ng mga Duterte para pondohan ang kanilang counter-attack laban sa administracion ni BBM. Pondohan kaya nila ang pagbibili sa mga congresista at mga senador nang maging kaalyado nila sa mid-terms? Ito ang isa sa pinaka-importanteng yugto ng administracion ni BBM. At alam naman natin na may presyo ang mga congresista. Live muna tayo mga enlightened ones! Puede niyo pakinggan mga recordings at bukas din ay sundan natin ito ng isang articulo. https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2553423

Nakakahiya Naman Sa Mga Balat-Sibuyas

Image
Tito, Vic and Joey with Ritchie Reyes Talagang nabasag na ang pula ni Tito Sotto, Bong Go at Bato Dela Rosa kaya naman nakaisip silang gumawa ng walang kwentang resolution na Anti-Terror Law. Ito ay batas para protektahan ang pride ng mga gagong senador at ng walang kwentang administracion ni Duterte sa mga pambabatikos. Ngayon nga na litaw na litaw ang kapalpakan at pagka incompetent ng Duterte admin, kailangan nila ng Anti-Terror Law para macontrol ang pambabatikos at pamumuna. Sabi nga sa akin ng kilala kong abogado na huwag muna ako mambabatikos sa pamahalaan dahil delikado ang provisions ng panukala. Kay Tito Sotto naman ang naging catalyst nito ay ang pagkabuhay ng Pepsi Paloma Rape Suicide. Noon na wala pang social media, ito ay napapagusapan lang sa mga inuman at pag tinulog na ng mga lasenggo paggising kinabukasan limot na. Hindi na ito nagkakaroon ng pakpak na nagiging national topic. Pero dahil sa social media, nagkaroon na ito ng iba't ibang anyo. Na-link na sa kanta ng

Bakit Ang Isda Mahirap Turuang Magbisikleta?

Image
Ohkey, ganto magbisikleta ha manood kayo Hindi ba't isa sa mga reklamo natin sa mga nakaraang administracion ay ang nepotismo? Ang nepotismo ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga ahensya ng gobyerno ay mabagal, tanga at walang silbi. Dahil kung sino-sinong poncio pilato na pinaguutangan ng loob ay nilalagay sa posisyon na sila ay makakapangurakot? Bureau of Customs lalo na matagal nang talamak sa nakawan sa ahensya na yan dahil sa mga nilalagay ng incompetent, walang kakayahan, walang karanasan at walang alam na mga kaibigan, kamag-anak, kakilala at pinaguutangan ng loob.  Sa panahon ni Cory, Ramos, Erap, Gloria at Abnoynoy yan ay isang malaking sakit ng ulo. Ngayon sa administracion ni Duterte, wala itong pinagbago. Sino nilagay niya noong una sa Bureau of Customs? Si Faeldon. Ano nagawa ni Faeldon para maging deserving na Bureau of Customs chief? Wala lang. Actibong taga suporta lang ng pangulo. Ano naging resulta? Ayun, nakawan pa rin at nakalusot mga ilegal na drog