Posts

Showing posts with the label Cabanatuan Luna Death

Ang Pagkakapaslang Kay Antonio Luna Sa Cabanatuan - Wrong place, wrong time.

Image
  https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2987296 Ito na ang ating articulo. Pero pakinggan niyo rin yung radio. Parehong mensahe, iba lang ang atake. June 5, 1899 dumating sa Cabanatuan si Antonio Luna para tagpuin ang presidente, Emilio Aguinaldo, pero ang nadatnan niya ay mga kaaway - Kawit Brigade at si Felipe Buencamino. Nagkita-kita ang mga taong may malaking galit sa isa't-isa. Pagkatapos ng rambulan, si Antonio Luna at ang kaniyang aide na si Paco Roman ay wala nang buhay, habang si Capitan Eduardo Rusca, na kasama din ni Luna, ay tinamaan ng punglo sa binti pero nakaligtas nang magtago sa nalalapit na simbahan. Ito ang kwento na alam natin. Ito rin ang kwento na hanggang ngayon ay hindi pa rin natin maunawaan. Ang kwento na sanhi ng mga alitan at pilit na naghihiwalay sa isa't-isa. Matagal ko nang ninanais na isulat ang articulo na ito para himayin ang mga naganap at maintindihan ang bawat isa sa mga personalidad tulad nila Emilio Aguinaldo, Antonio Luna, Apolinario ...