Posts

Showing posts with the label Sarah Duterte

Kawawang Mga Mahihirap Ginagamit Lang Na Kasangkapan Ng Mga Spoiled Brats Na Nagmana Ng Trono.

Image
Daddy's Girl (Psst. May kasamang podcast yan dito -  https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2498871 ) Nang manalo bilang Vise Presidente si Sarah Duterte hindi niya tinago ang kaniyang ambicion na makuha ang posicion ng Defense Secretary. Ito din ang posicion na gusto ng kanyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte. Maraming napakamot ng ulo at maraming mga kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ninerbyos. Hindi bumigay ang Pangulo at ang binigay na posicion sa kaniya ay Department of Education Secretary.  Si Sarah Duterte ay may rangong coronel o comandante sa army. Hindi pa napasabak sa labanan at walang sapat na karanasan para kunin ang mataas na posicion bilang Defense Secretary. Lumakas din ang ugong na may binabalak na power grab ang mga Duterte kaya Defense Secretary ang gustong position, isang bagay na pinaniniwalaan kong kathang isip lamang at wala nang iba. Bakit hindi na lang niya tinanggihan ang alok na mag bise presidente ni Marcos kung siya ay nangungu