Posts

Showing posts with the label PMNFT

Philippine Mens National Football Team Nilampaso ng Iraq. Buhok nila ay nagparang mop ng janitor!

Image
https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2407554 At nagkatagpo ulit ang ating Philippine Mens National Team at Iraq. Sa ating home game, tayo ay natalo sa score na 5-0. Masakit talaga pero kailangan natin tanggapin ang ganyang resulta. Ganyan sa football. Ganyan din ang buhay. Kung hindi mo paghahandaan ang isang bagay, ikaw ay makakaranas ng pagdurusa.  Ang Philippine Mens National Team at ang supporters nito ay sinampal sa mukha ng mapait na katotohanan. Katotohanan na matagal na natin alam at kung ikaw naman ay bobo, ito ay katotohanan na iyong kinagulat. Noong 2010 matapos maganap ang tinatawag na "Miracle in Hanoi", nabigyan ang PFF (Philippine Football Federation) ng pagkakataon na ayusin ang football. Dumating ang mga fans at sponsors. Pero sa halip na gamitin ito para buhayin ang football at magsimula ng development, walang nangyari kasi ang responsibilidad na ito ay napunta sa mga napaka incompetent na pamumuno. Mga taong wala talagang idea. Nagfocus din masiyado sa...

Pilipinas contra Iraq - Isang boring na engkwentro!

Image
Wala nang mas boboring pa sa isang football match kung saan ang isang koponan ay nagpunta lang sa laban para magkalat ng katarantaduhan. Yan ang nakikita natin pag nakakalaban natin noon ang mga bansa na kagaya ng Cambodia at Laos. Talagang gusto lang nila mang-asar. Siempre tayo na mga World Class at powerhouse ay talagang kinatatakutan ng mga bansang yan diba? Kaya naman pag ang isang powerhouse team sa football na kagaya natin ay naglalaro na parang mga tapakan, eh nakakahiya yan diba? Nitong nakaraang Viernes ika-22 ng Marso taong 2024, isang powerhouse team na kagaya natin, ang Pilipinas na umaabot sa Third-Round ng AFC World Cup Qualifiers kahit na walang development program, walang matinong domestic league, walang training facilities, walang grass roots development at walang pake sa football, ay nagpapakita ng kabanbanan laban sa mga minnows na Iraq! Anong klaseng kagaguhan ito? Anong klaseng kataksilan sa bayan ang ginagawa ng ating football team na maglaro ng wala ang puso ha?...