Posts

Showing posts with the label Jose Rizal

Bakit Ganito Na Kasama Ang Katiwalian Sa Pilipinas?

Image
Pakinggan ang buong detalye dito -  https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2947493 Huwag na kayo maghanap ng lunas o sagot sa katiwalian. Huwag na din kayo umasa na may magagawa ang ating gobierno at susunod na mga administrasyon sa mga sakuna na dadating sa atin taon-taon. Dahil sasabihin ko sa inyo na walang makakalutas niyan kung ang mga Pilipino ay hindi mag rerebolusyon o may mangyaring hard reset. Alam niyo ba kung bakit hindi na mababago yan? Ang kailangan lang natin maintindihan ay ang kasaysayan ng ating bansa. Kung bakit ang bansa natin ay hindi na makakaahon dito sa kumunoy ng kumukulong tae. At kung bakit ang bansa natin ay napangalanang "The Most Disaster Prone Country" at "The Most Corrupt."  Ang Pilipinas ngayon ay isa nang clown show. Kung ang bawat institusyon ay bagsak, kapag ang katiwalian ay normal na parte ng buhay at kung ang ating namumuno ay walang solusyon, tayo ay magmimistulang mga payaso sa isang carnaval. Pero hindi dapat ganiyan. Kun...