Bakit Wala Na Tayong Pagasa Sa Basketball
Ang kwento ni Raul Dillo ay isang magandang halimbawa ng kapalpakan ng Pinoy sa basketball. Basahin niyo ito at pagkatapos makikita ninyo na bukod sa maigsi biyas natin, tayo rin ay sa kasamaang palad ay utak dilis. Manghihinayang ka talaga sa wasted opportunity natin sa kagaya ni Raul Dillo. Kahit naging varsity player ng University of the East si Raul Dillo, nang siya ay lumuwas ng Manila para mag try out sa mga unibersidad, huli na ang lahat para sa kaniya dahil hindi siya naturuan ng tamang paglalaro sa basketball habang maaga. Nakuha pa rin siya ng UE pero dahil sa dami ng obob na coach sa atin ay walang makapagturo at motivate sa kaniya para mag improve ang laro at dahil ang kanyang laro sa level na mapapakinabangan ng national team at kahit isang gahamang team sa PBA. Kahit si Tim Cone ay hindi na-enganyo na i-draft siya. In fact, walang nag draft sa kaniya sa PBA. Nakapaglaro lang siya professionally nang i-recruit siya ng San Juan Knights sa MBA, isa pang bulok na liga na...