Posts

Showing posts with the label Jordan Clarkson

Sisihan Portion - Da Recap of Pilipinas Contra Sa Angola

Image
Ang ating agimat. At malapit na akong maka trifecta. Bigo ang Pilipinas laban sa Angola sa FIBA World Cup 2023. Sadyang mas malakas ang mga manlalaro ng Angola na ginamit ang kanilang laki at lakas sa ilalim at husay sa pagbuslo ng mga tres para tayo ay talunin. Mautak din ang kanilang coach compara sa coach Banchot natin na walang alam sa basketball na ewan ko ba kung bakit hindi siya tinatablan ng hiya. Pagusapan at pagaralan natin ang kanilang laban para maunawaan natin kung bakit tayo kinulang. Sa pamamagitan ng statistics ng laban, may silver lining ang lahat kahit sa basketball. Kung hindi man tayo manalo sa laban, panalo pa rin tayo dahil natuto tayo mag analyze. Kaya tuwing may mga laban, punta agad sa website para kunin ang game stats. Basahing maigi ang mga figures. Panoorin ulit ang laro para makita niyo ibang mga bagay kagaya ng mga player movements. Iba kasi pag binase mo lang sa unang viewing mo dahil na-dazzle ka sa magagandang galawan. Sa second viewing makikita mo na a

Sisihan Portion - Bakit Natalo Ang Pilipinas Contra Sa Dominicana

Image
Kagaya ng inaasahan ay nagwagi ang Dominicana sa enquentro natin para sa unang laban sa Group A ng FIBA World Cup 2023 sa score na 87-81. Nagpakita ng resilience ang Dominican Republic na at one point sa umpisa ng 4th Quarter ay parang makakasilat pa ang Pilipinas. Nagdominate ang Dominican Republic sa rebounds at ang kanilang go-to guy na si Karl Anthony Towns, bagamat nahirapan sa kaniyang opensa dahil pinaghandaan ng Pilipinas ay nakatulong pa rin ng malaki dahil sa kaniyang 15 of 16 free throws. Ang hindi napaghandaan ng mabuti ng Pilipinas ay ang supporting players ni Towns na may magandang distribution ng points.  Napigilan ng Dominican Republic ang Pilipinas na ma-control ang laban sa pag limit ng shot attempts at pinilit ang Pilipinas na mag commit ng maraming turn overs. Ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng 53 field goal attempts at natalo din sa rebounding lalo na sa offensive rebounding kung saan ang Dominican Republic ay may 17 at ang Pilipinas ay nakakamit lang ng 3. Ang go