Posts

Showing posts with the label 2022 Elections

Sampal sa mga Elitista, Kastilaloy at Comunista ang Pagdating ni BBM

Image
Ang LP o kilala na ngayon sa pangalang opposition group ay nagulantang nang biglang mag anuncio ang KBL na ang kanilang magiging pambato sa nalalapit na halalan ay si Bongbong Marcos. Kaya naman parang lumang plaka sila ay sumisigaw ng "Huwag pabalikin sa MalacaƱang ang mga Marcos", "Anak ng Dictador" at "Nasaan na ang pera namin?"  Nagsanib puersa naman ang UP at Ateneo sa paglalabas ng mga propaganda laban kay BBM. Mga propaganda na tulad ng mga articulo at videos ng mga experiences ng mga victima ng Martial Law. Naglabasan din mga kagaya nila Luwalhati Bautista na sumulat ng Dekada 70. Lumabas din mula sa lungga niya itong si Bam Aquino para magshare ng litrato ni Ninoy, na agad niyang binura matapos siya sugurin ng mga nasa 350,000 DDS at Loyalista.  Pero sa lahat ng kanilang efforts ay wala pa rin silang presidential candidate at higit sa lahat ay wala pa rin silang totoong plataporma. Ano ang solucion nila sa mga problema ng Pilipinas? Ano ngayon kun