Parang nagkatawang tao ang mga taohan na nilikha ni Rizal sa kaniyang mga nobela. Makikita mo ang manifestacion ng mga ito sa kataohan ng mga kasalukuyang mga senador na makikita ngayon. Parang propeta talaga si Rizal! Napakatalino talaga. Kung nabubuhay lang si Rizal, magiging anti-Duterte ito. Ibarra at Trillanes Si Trillanes ay pinakamalapit kay Ibarra. Hindi yung Ibarra sa Noli Me Tangere, pero Ibarra sa El Filibusterismo. Siya yung Ibarra na nagsisimulang mapansin yung kabulukan na nangyayari at kinokonfronta ang sistema. Hindi mapapatahimik at naniniwala pa rin sa reforma. Hindi natatakot sa confrontacion at may principio. Kahit si Leni Robredo kayang i-critico. Nasa katauhan nga ni Trillanes si Crisostomo Ibarra. Yung pag challenge ni Ibarra sa mga frayle ay parang sa ginagawang pakikipaglaban ni Trillanes sa mga Duterte. Hindi nagpapasindak na kahit noong nakaupo si Duterte ay patuloy na ineexpose and mga kawalanghiyaan kahit hindi siya noon pinaniniwalaan. Ngayon, vindica...