Showing posts with label Chot Reyes. Show all posts
Showing posts with label Chot Reyes. Show all posts

Sunday, October 8, 2023

Gold Sa Asian Games Basketball Kaya Ba Nating Ulitin?

Pilipinas

Magdiwang ngayon sa tagumpay ng ating Pambansang koponan sa basketball. Ito ay pinaghirapan at ito ay karapat-dapat. Hindi natin ito inaasahan at ang ating koponan at lubos-lubusan ang pinagtagumpay sa Asian Games Basketball. Pero kaya ba nating ulitin?

Isa sa mga napatunayan ng koponan natin na dinadala ni Tim Cone ay hindi kailangan ang matagalang paghahanda na laging inuulit-ulit sa media, sports analyst at mga basketball stakeholders kagaya ng SBP. 

Yan ang matagal ko nang sinasabi! Basta may maayos na leadership, kahit anong tournament salihan natin makakahanap tayo ng paraan na manalo. Basta wala nang mga Chot Reyes at Yeng Guiao, makakaasa tayo ng tagumpay.

Pero importante na maintindihan din natin na ang Asian Games basketball ay non bearing na para sa mga East Asians kagaya ng China, Japan at Korea. Tayo ay nagkaroon ng advantage dahil kahit hindi pa Team A natin naipada, ang mga kalaban naman natin ay mga Team B players ng kani-kanilang bansa. Ang kalahati ng ating teams ay nag representa sa nakaraang Basketball World Cup nitong Setiembre lamang at lahat ay mga professionals. 

Ang Iran ay nasa rebuilding phase at binubuo ng mga kabataan. Kahit natalo natin sila, binuhos natin ang laro na naging malaking tulong para sa development ng kanilang mga players. Aasahan natin na ang mga manlalaro ng Iran na ito ang magpapahirap sa atin sa susunod na mga taon habang ang mga players ng Gilas Pilipinas na nakakuha ng experience sa tournament na ito ay mag reretiro na. Ang mga players na sunod na sasabak ay walang experience kaya lagi tayo nasa rebuilding stage.

Umpisa na ng mga liga sa Japan, South Korea, Taiwan at China kaya hindi pinalahok ang pinakamahusay na manlalaro nila. Ang mga nakatapat natin ay mga university students. Oo, mga bata. Malaking disruption naman ang dinulot nito sa domestic league sa bansa natin kagaya ng PBA na napiliting ilipat sa Noviembre and umpisa ng liga.

Kailangan talaga natin i-reexamine ang Asian Games Basketball. Ang Asian Games Basketball (at SEA Games Basketball at Jones Cup) dapat ay ginagamit natin na tournament para makakuha ng experience ang mga Youth Teams. Dapat mga Under 23 pinapadala natin diyan. Hindi siya importanteng tournament sa basketball dahil hindi naman yan path para sa Olympics at Basketball World Cup. Kaya ang East Asian Countries ay hindi nagkukumahog para dito. Tayo lang. Siguro secreto na pinagtatawanan tayo ng mga basketball federations nila.

Bakit wala tayong mas sustainable na program o sistema kung saan makakapagpadala tayo ng mga youth teams o tawagin nating Team B kung saan ang mga manlalaro na ito ay makakakuha ng mahalagang karanasan sa paglalaro at makatulong sa development nila? Kaya nga sobrang dominante ng mga batch ng players noong 1987-1989 kagaya nila Benjie Paras, Hector Calma, Allan Caidic, Patrimonio, Magsanoc atbp dahil sa paglalaro sa international tournaments dito sa Asia. Ito ang programa na dapat natin balikan at hindi yung programa na sinet-up ni Banchot Reyes noong 2007. 

Oo, ang blueprint ng programa natin ay nagmula kay Mr Learning Experience - Banchot Reyes. Kabahan tayong lahat! Kahit nag resign na sa pagcocoach ng national team ang ungas na yan, patuloy na naghahasik ng lagim ang kaniyang banban system na sinusunod natin dahil walang critical na nagtatanong at nagchachallenge sa bulok na sistema na yan!

Nakikita niyo na ba ang problema? Nakikita niyo na ba kung bakit ang mga kabataan natin sa basketball ay kulelat at hilaw na hilaw pag akyat sa pro leagues? Nakikita niyo na rin ba kung bakit hindi tayo pinapansin ng mga scouts para maglaro sa NBA at Europa? Nakikita niyo na rin ba kung bakit kapag makaharap na natin ang totoong national teams ng Japan, South Korea at mga Middle Eastern countries ay nilalampaso tayo?


Tuesday, October 3, 2023

Leadership Philosophy Ni Chot Reyes Ay Walang Kalatoy-Latoy

Last two minutes na.

Sabi ko na nga ba eh. Kagaya ng maraming mga kababayan natin na nagmamando sa atin itong si Reyes ay kagaya nila na puro kayabangan lang. Ang requirement ba sa atin para maturingang leader ay maging mayabang lang? Dapat nating itaas ang standards para naman umunlad tayo. 

Ayon kay Banchot, hindi daw naaayon sa Pilipino ang Euro style dahil nababagay lang daw ito para sa mga matatangkad at wala nang panahon para yan ay pag-aralan natin. "You can't out-Euro the Euros", sabi ng magaling na coach. Talagang megamind. 

Diyan makikita na kung anong klaseng leader si Banchot. Ito yung tipikal na leader sa Pilipinas. Yung malakas lang ang boses at malakas ang loob na magmando at mag-utos. Yung mayabang na pag kinontra mo eh pepersonalin ka at aambahan ka na parang susuntukin ka.

"Sino ka para kwestyonin ang aking God-given at divine right para magpatakbo dito? Ikaw ay susunod sa aking mga utos dahil ako ang amo niyo!"

Ganyan sa atin, ang leadership ay minamana. Tayo ay mga alipin nila na na-inherit sa tatay nilang Datu at kailangan nating sumunod sa anak, ang bago nating amo. Tingnan niyo sino hinahanda ni Banchot, walang iba kung hindi yung anak niyang bakla. Nakahanda na si Josh Reyes para magmando sa national team balang araw. Kaya inaayos ni Chot Reyes ang position niya sa MVP Group para sa kasiguruhan ng anak niya dahil ang anak niya ay walang alam sa buhay at siguradong hindi kayang mabuhay sa tagilid na lupa dahil mula noon hanggang ngayon na sanga-sanga na ang bulbol ay umaasa pa rin sa mga magulang.

Bukod sa pagiging coach sa basketball, sabi ni Chot Reyes siya rin ay business coach na nagbibigay ng motivational seminars at career advise sa corporations. High level pala na motivational coach ito kaso may problema. Malaking problema. Sablay ang kaniyang philosophy.

Bakit sasabihin ni Chot Reyes na hindi nababagay sa atin ang Euro style kung hindi pa niya ito lubusang naiintindihan? Maaaring tama siya ng bahagya dahil ang mga bigs natin ay walang 3 point shooting maliban na lamang kay Kai Sotto na alam nating may tira sa labas. Hindi man siya maituturing na sharp shooter pero may tira siya sa labas at siya ay tipong hindi pababayaan makatira ng maluwag. Kung sila Junmar Fajardo at Edu, baka nga maging katawa-tawa lalo na pag alam ng mga kalaban natin na sila ay mga walang kumpiyansa na tumira sa labas eh bibigyan sila ng malaking agwat at pipiliting tumira habang hinaharangan ang mga passing lanes. May konting variation siguro sila na puedeng subukan kagaya ng pagtira lang sa malapit para mapilitan na sundan sila ng kanilang mga bantay nang sa gayon ay hindi masira ang flow ng ofensa. 

Again, masiyado yatang defeatist ang motivational speaker na ito at lagpak ang leader na ito pagdating sa communication dahil sa kaniyang defeatist na nature.

Isa sa mga bagay kung bakit madaming nati-trigger sa coach na ito ay ang kaniyang communication or lack thereof. May malaking pagkakaugnayan ang pagiging effective communicator at pagiging effective na leader. Kung poor communicator ka, maiinis at madidisillusion ang mga tao na tumitingala at umaasa sa iyong leadership. Balikan niyo ang mga bukang-bibig ng taong ito sa lead up to the FIBA World Cup at during the tournament na din. Madaming nagalit sa kaniyang "we don't need to this game," o kaya sa "its a learning experience." Importante na i-filter mo ang sasabihin mo. Bago ka humarap sa media pagisipan mabuti, ang sasabihin ko ba ay bagay na dapat malaman ng mga supporters? Ang "we don't need to win this" na statement niya ay hindi naunawaan ng mga tao. Dahil yun ang maling audience. Paano mauunawaan yan ng mga taong nagbayad ng tiket at naglaan ng oras para lang panoorin ang minamahal nilang national team tapos ang sasabihin ng coach ay we don't need to win this?

Lagpak din sa emotional intelligence ang gagong Banchot. Dahil sa mababa ang emotional intelligence ng baby boomer na ito ay laging mali-mali ang sinasabi sa harap ng media kaya maling communication ang nacoconvey sa publiko. Kaya mababa ang trust rating ng hayop na ito kaya ang lakas ng pag-boo sa kaniya ng mga fans tuwing pinapakita ang mukha niya sa monitors at pag tinatawag ng announcer ang kaniyang pangalan. Itong pag-boo sa kaniya ay nakapagbigay ng confusion sa mga manlalaro lalo na kay Jordan Clarkson na obvious na hindi niya nasusundan ang mga kaganapan. Siguro ngayon ay nagbasa-basa yan at matalino naman siya kaya malamang alam na niya na ungas si Chot Reyes.

At dahil sa kakulangan sa emotional intelligence ang naging sanhi sa kaniyang poor decision making sa laro. Bukod sa kulang siya sa karanasan dahil hindi naman siya naglaro ng basketball sa mataas na level, iyakin pa kaya laging kabobohan ang mga decision niya. Kagaya na lang noong i-substitute niya si Kai Sotto noong humahabol sila laban sa South Sudan. Nang mawala si Kai Sotto, nakahinga ng maluwag ang kabilang koponan at nakarecover. Balik ang tambak. Buti na lang bobo coach nila!

Isa pang palpak na decision ni Banchot ay ang pagbabangko niya kay Kai Sotto at Ravena laban sa Dominical Republic. Si Ravena ay matalinong point guard na nakatulong sana ng malaki dahil sa exposure niya sa international style of play pero binangko in favor of boyfriend Pogoy. At si Kai Sotto sana ang naging sagot nila sa issue ng rebounding.

Wala rin humility ang tarantadong ito dahil sa opening pa lang ng article na ito sinabi ko nang mayabang ang hudas na ito. Malaki ego nito kaya nagpumilit na siya ang mag coach sa national team eh. Ganyan lang yan. Ang humility ay isa sa mga importanteng katangian ng isang leader. Ito ay isang bagay na hindi mo makikita sa taong nagsusuot ng napakamahal na suit.

Asa ka pa na may creativity ng gagong ito. Wala siya nito. Walang karanasan sa paglalaro ng basketball kaya saan siya huhugot ng creativity para masolusyonan ang mga problema ng team? Hindi nga magbigay ng oras para pagaralan ang ginagawa ng mga kalaban kagaya ng Euro style! Talagang walang creativity ito! At dahil sa tinatamad siyang aralin ang Euro style, hindi rin niya alam kung paano solusyonan ito! At pabalik-balik tayo sa problema nang natatalo. Kahit matalo ka ng 30 o 7 puntos, pareho pa rin na talo yan!

Problem solving skills lang meron ito. Not!

Lagpak lalo! Ilang ulit na ba nangyari yan na hindi natin madepensehan ang mga European teams? Ilang beses na tayong tinalo ng Angola sa parehong sistema na ginamit nila sa atin at wala tayo solusyon doon? Kung ikaw ay fanboy ni Chot na ipipilit na may problem solving skills ang amo niyo, wala na akong magagawa sa iyo dahil ikaw ay isang gunggong! Walang gamot sa kagunggongan! Dapat sa iyo ibaon ng buhay bwisit!

Ayon sa Wikipedia ang integrity ay - The practice of being honest and showing a consistent and uncompromising adherence to strong moral principles ang values.

Tingnan nga natin. 

Honest. Wala. Madaming tinatago at ayaw magpakatotoo. Ayaw pa rin aminin hanggang ngayon na siya ang nagpatalsik kay Tab kagaya ng ginawa niyang pagpapatalsik kay Toroman.

Ang moral principles at values naman niya ay ang moral principles at values na pinapakita ng mga ruling class sa Pilipinas. Yung may double standard na laging sinisigawan maliliit na tao pero mabait sa mga taong tinuturing nila na mga kapantay nila. Ito yung mga taong makikita mong nangaalipusta sa mga kawawang security guards sa atin at iba naman ang magiging position pag makaharap sa similar na situation kung ang taong nakabangga nila ay Mestizo o Chinoy. 

Walang kwenta ito putanginang ito.

Wala na rin tayo maaasahan sa SBP. Ang samahang ito ay binubuo ng mga taong kagaya ni Chot Reyes. Mga taong walang vision, karanasan at totoong kakayahan. Matulog na lang tayo. 


Saturday, September 16, 2023

Walang Kinalaman Ang Chemistry

Sino ang basketball megamind sa Pilipinas?

Itong chemistry ay hindi sanhi ng pagkabigo ng Pilipinas sa international tournaments. Ilang beses itong inuulit-ulit sa media at laging talking point ng kung sino mang mapipiling coach. Ito ay palusot na naka-laminate na at laging nilalabas na parang Get Out Of Jail card tuwing mabibigo at magpapakita ng super diyahe na display sa mga tournaments. The best explanation is the simplest one. Ayaw na kasi nating mag analisa at mag-isip dahil sa matinding katamaran na ingrained na sa ating cultura at dala na rin ng sobrang kabobohan.

Kaya tuwing olats ang laging talking points ay lack of preparation time, lack of team chemistry. Minsan nasasali pa ang officiating sa listahan ng mga grievances at palusot ng mga poncio pilatong coach natin na brilliant tactician at basketball mastermind sa isip lang nila. Akala mo naman kung pabor sa atin ang tawag ng mga referee ay mananalo pa rin tayo. Wala ka magagawa sa superior na offensive rebounding at outside shooting ng kalaban natin. At kung wala kang magandang defensive strategy eh mas lalong sasarap ang shooting ng kahit sinong makalaban natin.

Ito isipin niyo. Lahat ng bansa ay wala rin panahon at oras na mag-ensayo at magsanay ng matagal na panahon. Ang national team ay hindi kagaya ng basketball club na naglalaro sa isang tournament at magkakasama ng matagal na panahon at may oras para magamay sa mga complicadong offensive strategy kagaya ng triangle offense. Ang Chicago Bulls ay inabot ng tatlong taon para masanay at magamay ang strategy na yan. Sa international tournaments meron ka lang 3 lingo na pagkakataon para magsanay at 4 lingo para maglaro at gamitin ang inyong mga natutunan.

Yan ang realidad ng international basketball at magagawa mo lang ay kung ano mang humanly na magagawa mo. 

Ang Pilipinas kung tutuusin ay may naghahanda ng mas maaga kung ikukumpara sa ibang bansa. Itong nakaraang World Cup Basketball, sumali pa sa pocket tournaments sa China. Ginamit pa ang SEA Games para mag training. Ginamit pare-parehong players dahil may iisang pool na unti-unting binabawasan habang lumalapit ang tournament. May sapat na oras tayo na napaghandaan yan. Noong 1998 ay nagsama pa ng 2 taon.

Mas mainam na matuto ang team ng offensive strategy na makakabasag at sa mga defensive strategies na maaaring gamitin. Dapat may offensive strategy na magagamit laban sa 2-3 zone, 3-2 zone, man to man, full court press. Ang man to man at full court press ay ginagamit sa professional leagues kagaya ng PBA kaya madaling makakapag-adjust ang mga players ng Pilipinas lalo na at puro professional ang gusto nating ipadala.

Noong Jones Cup na sinalihan natin mga 2008 at ang ginamit ng basketball mastermind ay ang Megamind ng basketball sa Pilipinas na si Yeng Guiao. Yung sobrang galing na coach hindi naniniwala sa regular na starting five basta sino hugutin niya sa bench para mag start sa team niya yun na yun talagang Megamind naubos buhok sa sobrang tindi na radiation sa utak niya. Hindi niya kayang basagin ang zone defense ng kalaban kasi puro bwakaw pinadalang player kaya hindi makascore sa transition. Mga player niya kagaya ni Cyrus Baguio na inuuna porma ayaw ipasa ang bola sa una para maka-score sa fastbreak. Sobrang megamind talaga. Yan ang madami tayo mga basketball megaminds.

Sa nakaraang World Cup Basketball ang ating basketball genius na si Chot Reyes puro na naman chemistry ang palusot. Eh kung titingnan mo mabuti ang dahilan ng pagkatalo nila ay dahil sa individual errors. Walang kinalaman sa chemistry. Ang gusto ata ng basketball scientist na si Chot Reyes ay magsuot ng labcoat ang mga players at magtimpla ng mga chemical sa court eh. 

Individual errors, uulitin ko. At ang individual errors ay sanhi ng low basketball IQ ng mga player. Kung tutuusin ay hindi naman kasalanan ng mga basketball megaminds natin yan. Yan ang kasalanan basketball culture sa Pilipinas na dapat i-correct ng basketball governing body kagaya ng SBP. Balikan niyo grassroots at gabayan ng mabuti mga kabataan at coaches. Diyan manggagaling future players at balang araw maging totoong mga megaminds ng basketball ang mga hudas na yan. 



Tuesday, September 12, 2023

Ang Realidad Ng Basketball Natin


Matapos ang pagkabigo ng Team USA contra sa Alemania (Germany), isang local Filipino sports reporter ang nagtanong kay US coach Steve Kerr kung mas mainam ba na mag practice ng mas matagal. Sagot ni Steve Kerr ay unrealistic ang magsama-sama at mag practice ng mas mahabang panahon. 

Yan ang matagal ko nang sinasabi dito. Ang paniniwala natin na ang susi sa isang matagumpay na tournament ay isang napakahabang preparation mapa-Asian Games man or World Cup Qualifiers. Tayo lang sa buong mundo ang gumagawa nito. Ang ibang bansa na-mamanage na mag assemble ng competitive na team ilang lingo bago magumpisa ang tournament gamit mga amateur players at nilalampaso mga players natin na puro professional na naghanda ng dalawang taon. 

Ang resulta, super diyahe na laro, nagkalat ng tae parang mga hindi professional players, nabanat ng husto at nagmukhang uugod-ugod. Ang yayabang pa ng mga coaches na mo mga master tacticians sa basketball, todo ang marketing talagang may slogan pa, logo at sangkatutak na TV spots. Tapos resulta bokya. 

Tapos sisisihin ang kawawang PBA na naturingang the oldest pay for play basketball loop sa Asia. Matapos mag sakripisyo, nag adjust ng schedule, pagbibigay daan, tumuwad pwet para turbuhin ng mga gunggong ay siya pang nasisi at lahat ng hintuturo na may tae sa dulo parang nagkamot ng pwet mga naninisi ay nakaturo lahat sa PBA. Kawawa naman!

Pagbintangan kaagad ang PBA na kesyo hindi nagpahiram ng players ng mas maaga kahit na mahabang panahon na nga binigay para ipagamit ang top players nila o outdated na ang style of play dahil professional rules ang nakasanayan ng mga players natin eh ano pa ba inaasahan niyo mga gung-gong talaga namang pro league ang PBA ano ba magagawa niyo eh kayo naman ang gusto ng mga professional players in the first place, diba?

Yan kasi ang problema eh kung walang maka-identify ng totoong problema. Bukod sa pinaka-obvious na problema na puro mga pisot pinapadala. Alam na nga natin na mas pisikal ang laro sa international game tapos magpapadala ng mga undersized na players. Importante pa rin na ma-identify natin ang problema. At base sa sagot ni Steve Kerr, na-identify na natin ang isa sa mga problema. Ngayon, isa-isahin natin ang iba pang mga problema.

Bago tayo pumunta sa ibang issues, pag-usapan pa natin ang preparation time. Hindi talaga ito realistic. Kita niyo naman yung ibang players natin na naglalaro sa ibang bansa kagaya ng Japan at South Korea ay hindi makakasali sa Asian Games. Kung hindi tayo nag export ng mga players sa mga liga sa ibang bansa ay hindi natin makikita ito. Panahon natin para maintindihan na ang Asian Games ay sadiyang wala sa calendar of events ng FIBA. Hindi ito sanctioned kaya ang mga liga ay hindi obligado na magpadala ng players diyan. Akala niyo ba ang ibang bansa naghahanda ng kasing tagal natin? Nagsasama lang sila pag available na mga players nila mula Europe, NBA, Australia, South America etc. Ang Gilas Pilipinas na hinawakan ni Reyes ay taon nag practice yan. Malaking pool yan tapos nag-eensayo kahit off season. Sinakripisyo na nila mga vacation nila. Wala pa rin. Kaya puede ba maging realistic naman tayo?

Low Basketball IQ

Isa sa mga obvious issues sa players natin ay ang low basketball IQ. Ang mga turnovers at errors na kino-commit ng mga players natin ay hindi resulta ng lack of preparation time. Ito ay resulta ng low basketball IQ. Mahina ang basketball instinct at abilidad na mag adapt sa iba't-ibang situation. Resulta ito marahil ng mahinang basketball foundation sa ating bansa. Masdan niyo mga naglalaro sa mga paliga sa atin, doon niyo malalaman ang sagot. May mga paliga na ang mga taong nanonood ng laro ay nakapalibot na sa loob ng playing court. Hindi ngayon magamit ng mga players ang buong court. May mga ring na tabingi. Akala niyo mahahasa kayo sa ring na tabingi? May mga court na hindi sumusunod sa regulations kagaya ng ibang court na mas malayo ang three point line, may iba naman na mas malapit nag three point line. May mga court na mas mababa etc. Tapos mga teams walang proper coaching. Si tropa lang nag co-coach o kung sinong mayabang na taga bario nila. May mga referee na walang alam sa rules, pito lang ng pito. Nasasanay sa one on one plays ang mga players at hindi napopromote ang team basketball. Yan po kaya mababa IQ. At yan ang grassroots natin. Pag akyat nila sa UAAP ay marami na silang bad habits na dala buhat sa paglalaro sa mga mabababang liga na pinanggalingan nila. At minsan ang mga bad habits na yan ay mahirap nang alisin. Kung ang mga players natin mataas ang basketball IQ ay magiging competitive tayo kahit paghandaan ang Olympics ng dalawang lingo lang.

Poor Scouting

May isang palusot si Banchot Reyes kung bakit natalo tayo sa SEA Games laban sa Indonesia. Tinago daw ng Indonesia yung import nila na si Marques Bolden. Isang search lang sa YouTube at lalabas ang mga clips ni Marques Bolden. Ang daming clips na lalabas lalo na sa college games niya. Mahina mag analyze ang PBA coaches ng scouting. Kahit mag scout mga yan, naka focus lang sila sa individual abilities ng isang player. Pustahan tayo hindi sila maka-basa ng mga tendencies ng isang team. Kaya nga noong laban contra sa Dominicana hindi nila alam kung ano gagawin pag full court press sila. Tatlong inbounding errors na commit natin dahil sa poor reaction sa mga defensive changes. Nagsayang pa ng pera para ipadala si Tim Cone sa Dominican Republic para mag masid doon. Baka ibang team ang pinakita sa kaniya. Siguro sa dami din ng mga laro ng Pilipinas bago dumating sa World Cup ay napadali ang scouting sa atin. Alam niyo na naman, 2023 kaya marami nang paraan para mag scout. Tayo lang yata ang hindi marunong.

Poor Coaching

Sinabi ko na noon ito at hindi ako titigil kakasabi nito. Banban mga coaches natin dahil sa walang karanasan sa basketball. Mga hindi naglaro ng basketball sa mataas na level pero sila magtuturo sa atin ng basketball. Ano pa ba aasahan mo? Si Josh Reyes ang naatasang magbigay ng coaching sa offensive strategy ng team? Ano alam niya? Pagdating sa international game, na alam nating wala siyang karanasan, saan siya huhugot ng karunungan? Huhugot siya ng tae sa tumbong niya?

Hindi rin uubra yung napaka-complicated na basketball tactics kagaya ng ginawa ni Tim Cone noon sa Philippine Centennial team kung saan nag triangle offense sila. Kaya dalawang taon naghanda ang team na yun, napa-away pa sa US dahil nilalampaso ng mga college teams. Tapos tuwang-tuwa na nung makapanalo laban sa isang college team din. 

Triangle offense? Hindi talaga puede yan kaya napipilitan maghanda ng matagal eh. Puede lang yan sa mga club teams na magsasama ng matagal at naglalaro lang iisang liga. Yung Chicago Bulls inabot ng tatlong taon bago nila nagamay yan. At pinatay ang triangle offense ng zone defense. Walang nangyari sa 2 taon na preparation ni Tim Cone. 

At yang small ball na pinipilit ni Chot Reyes. Ilang beses nang sinalpak yan sa mukha niya na hindi yan uubra! Pero pilit ng pilit! Ngayon, gusto na naman sumingit sa eksena, mang-susulsul na naman sa national team. Puede ba siyang lumayas na sa pag coach ng national team habang buhay? Napatunayan na niya na banban coach siya eh kaya puede ba ano pa ba ang kailangan niyang patunayan eh alam na nating lahat na banban siya?

Ang mga kalaban natin gumagamit lang ng simpleng offensive strategy. Fluid ang offense nila gamit mga players na sakto sa international game at may mataas na basketball IQ. Mga bagay na hindi natin ginagamit at sadiyang hindi kayang matutunan at maituro ng mga coach natin. Dagdag niyo pa na may SBP tayo na expert sa politica, yes politica lang ang kaya nila at walang totoong plano para i-uplift ang grassroots at tulungan ang coaches sa grassroots level.

Lack of Exposure 

Bigyan ng tamang exposure ang mga amateur players natin. Sa SEA Games at Asian Games at ano mang non FIBA sanctioned event, ipadala ang mga amateur players. Hindi na natin kailangan mga PBA players ay istorbohin ang mga schedule nila. Mag payoff din yan sa hinaharap. Tingnan niyo si Tab walang takot na gamitin mga amateur players. Mga prima donna PBA coaches na akala mo kung sinong mga master tacticians eh hindi makaporma pag hindi superstars hinawakan.

Ito puntahan niyo marami na akong nasulat tungkol sa coaching at grassroots development program natin - https://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com/2023/08/bakit-wala-na-tayong-pagasa-sa.html

May mga nasabi din ako sa coaching at BCAP na talagang pahirap sa buhay natin noon pa - https://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com/2022/07/wala-asenso-basketball-dahil-sa-bcap.html



Monday, September 4, 2023

Ang Taas Ng Pride Ni Chot Reyes


Ang dahilan kaya nagpumilit siya na magmando ng National Team ay dahil sa taas ng kanyang pride. Ayaw niya aminin na may mas mahusay mag coach sa kaniya at banyaga pa. Di niya matanggap yan siguro dahil na rin sa hindi siya umubra sa basketball noong kabataan niya kaya pinasok niya coaching na lang kasi matalino daw siya. Ayun, kulang sa karanasan kaya walang mahugot pag natatalo na sa isang encuentro at kalaban mas well trained, mas matatangkad at may mas mahusay na coach. Gusto niya lang na siya ang kilalanin na pinakamagaling na coach sa Pilipinas at makarinig ng papuri sa mga counterparts na coach. 

Kung hindi mataas ang pride niya sana naiwasan niya na humantong dito na iniinsulto siya at pinagtatawanan. Siya sana ay nagresign habang may panahon pa! Sana ay ipinaubaya niya sa iba ang trabaho na hindi na niya kayang gampanan! Mahirap man tanggapin, sadiyang hindi siya ang nararapat na mag-mando ng National Team dahil sa wala siyang sapat na karanasan at talino para dalhin ang Pambansang Koponan natin sa Basketball! Ngunit talagang pinilit niya ang gusto niya at talagang siya ay may nais patunayan! Ginusto niya yan tapos ngayon iiyak na siya?

At ugaling Dilawan na anihin ang ano mang tinanim ng iba. Maganda na takbo ng National Team sa pamamalakad ni Toroman, umepal siya. Ganon din nangyari nang hawakan ni Baldwin ang National Team at umepal na naman siya. May pattern eh hindi talaga maikakaila. 

Importante din na siya ay nasa SBP para sa kasiguruhan ng tagumpay ng anak niya na balang araw ay pinapangarap niya na malagpasan siya. Hinaharangan nila mga players na nais mag coach. Ang mga retired basketball players dapat ang nagco-coach dahil yan ang natural progression nila. Pag retiro ng isang dating manlalaro sila ay dapat nagtuturo. Ipinapasa nila ang mga natutunan nila at kung maaari ay magbigay at mag introduce ng bagong innovation sa laro. Eh paano mag progress ang mga kabataan kung ang coach ay walang alam? 

Sana ito ay magsilbing aral sa mga kagaya ni Chot Reyes at ng SBP na siyang tagapamahala sa lahat ng basketball affairs ng Pilipinas. Huwag mashadong ma-pride. Kasalanan yan, nasa biblia kaya yan! Sana ay may natutunan si Chot Reyes dito at magsilbing learning experience na kanyang susundin at hindi na niya ipipilit ang sarili niya sa National Team upang tayo ay muling bwisitin!

Mag-ingat din sa papuri sa Gilas Pilipinas sa kanilang tagumpay laban sa China dahil ang papuri ay nakakalasing sa mga taong kagaya ni Reyes na mataas ang pride at baka maisipang umisa pa. Baka magnasang maka-ulit. Sana talaga ay hindi na siya bumalik at araw-araw ating ulit-ulitin - siya ang pinakabobong coach ng basketball na nakita natin sa buong buhay natin mula ngayon hanggang sa susunod na buhay! Kaya sana ay huwag na siya mag balik at mag enjoy siya sa kaniyang pagretiro.

Pweh!

Friday, September 1, 2023

Sisihan Portion - Galis Pilipinas Nilampaso Ng South Sudan.

Boss, ito na tumbong ko. Madumi yan.

Kalimutan niyo na yang Olympic slot na yan. Dadaan na naman tayo sa mata ng karayom para makasali diyan. Hayaan niyo may pagkakataon tayo para diyan pero first things first - kailangan ng pagbabago sa SBP at alisin mga hinayupak na yan lahat diyan mula coach at mga assistants niya hanggang sa pamunuan kagaya nila Panlilio. Alisin ang Bobong Mafia sa SBP.

Dinala tayo ng South Sudan sa escuela at pinakitaan tayo ng fluid basketball at disciplined defense. NBA veterans ang iba sa line up ng South Sudan kaya alam na natin na mas lamang ang basketball program nila sa atin ng ilang taon. Hindi lang alam yan ng mga mang-mang sa bayan natin karamihan sa kanila mga Ginebra fans. 

Bobong supot talaga mga fans ng Ginebra. Nabubwisit ako makita mga comments nila na pakalat-kalat sa socmed. Malalaman mo na bobong Ginebra fan yan pag nag cocomment na ipalit si Cone na coach, si Brownlee na lang sana piniling naturalised player at ibabad si Thompson na walang ginawa sa court kung hindi magkalat.

Maaga pa lang sa laban ay hindi na makaporma ang Pilipinas. Natapos ang First Half na may lamang na 18 puntos ang mga bisita. Humabol sa 4th Quarter at naibaba sa 4 ang kalamangan matapos ang alley-oop dunk ni Sotto may 7 minuto pang natitira sa laban.

Pero katulad ng inaasahan pagpatak ng 6 na minuto sa 4th Quarter ay laging naglalaho ang Pilipinas dahil sa mga katangahan ni Banchot Reyes. Inalis si Kai Sotto at nag small ball na naman. Pag pinasok na si Pogoy, tapos na ang lahat. Tuwing nasa court si Pogoy puro kasamaan nangyayari sa atin. Ang team natin ay nagiging mga tarantadong super diyahe tuwing nasa loob ng court si Pogoy. Siya ang pinaka-mababa ang basketball IQ sa team natin. Yan ang laging umiiwan sa mga perimeter shooters ng kalaban at laging nagcocommit ng mga unnecessary fouls at errant passes. Sa susunod na international event kahit si Banchot Reyes ay wala na, mag protesta kayo pag makita niyo pangalan ni Pogoy sa line-up.

At ano ba itong sobrang bilib si Banchot sa small ball? Humahabol na tayo kasi naglagay tayo ng mataas na front line tapos pinasok si Pogoy para mag small ball ulit at yun naglalaho ang lahat ng mga pinaghirapan natin. Lagi yan. Review niyo ulit mga laban nila sa 4th Quarter tuwing 6 minutes pag nag shift tayo sa small ball nasisira ang lahat. Yan kasi gameplan ni Banchot. Mag small ball sa final 6 minutes. Hindi talaga puede pero pinipilit pa rin. 

Sobrang bobo talaga. 

Kapag si Banchot Reyes pa rin ang coach huwag na tayong umasa. Boycott niyo na lahat ng mga actividades ng mga Galis Pilipinas. Yan na lang ang magagawa natin para makakita ng totoong progress.

Monday, August 28, 2023

Sisihan Portion - Da Recap of Pilipinas Contra Sa Angola

Ang ating agimat.

At malapit na akong maka trifecta. Bigo ang Pilipinas laban sa Angola sa FIBA World Cup 2023. Sadyang mas malakas ang mga manlalaro ng Angola na ginamit ang kanilang laki at lakas sa ilalim at husay sa pagbuslo ng mga tres para tayo ay talunin. Mautak din ang kanilang coach compara sa coach Banchot natin na walang alam sa basketball na ewan ko ba kung bakit hindi siya tinatablan ng hiya.

Pagusapan at pagaralan natin ang kanilang laban para maunawaan natin kung bakit tayo kinulang. Sa pamamagitan ng statistics ng laban, may silver lining ang lahat kahit sa basketball. Kung hindi man tayo manalo sa laban, panalo pa rin tayo dahil natuto tayo mag analyze. Kaya tuwing may mga laban, punta agad sa website para kunin ang game stats. Basahing maigi ang mga figures. Panoorin ulit ang laro para makita niyo ibang mga bagay kagaya ng mga player movements. Iba kasi pag binase mo lang sa unang viewing mo dahil na-dazzle ka sa magagandang galawan. Sa second viewing makikita mo na ang ibang kapalpakan.

1st Quarter

First quarter pa lang ay dehado na tayo sa offensive rebounds. Kahit na natapos ang first quarter na pabor sa Pilipinas sa score na 19 - 12, ang Angola ay nakakuha kaagad ng 9 offensive rebounds. Dahil dito mas madaming shot attempts ang Angola kung bibilangin niyo ang 2nd chance opportunities. Ang Angola ay may 20 shot attempts, mas madami ng tatlo sa Pilipinas na may 17 shot attempts lamang. Sadyang maalat lang ang Angola sa first quarter. Dito pa lang ay na-remediohan na dapat ni Coach Banchot ang issue natin - kailangan kontrolin ang rebounds at mas maging efficient sa offense. Dapat bawasan ang turnovers at sa bawat play ay makatira tayo. 

Simple ang strategy ng Angola, ipitin at pahirapan si Jordan Clarkson na siyang offensive weapon natin. Kailangan mag step up ang mga kakampi niya kagaya nila Ramos, Fajardo at Edu. Hirap na hirap si Clarkson dahil malaki na nga nagbabantay sa kaniya, may nag aabang pa na dalawang 6'11 na forwards sa ilalim. Yan ang palatandaan na may mahusay na scouting, gameplan at tactical ang coaching staff ng Angola.

2nd Quarter

Sa second quarter, ginanahan na ang Angola at nag settle kaagad sila. Kagaya sa first quarter mas madaming shot attempts ang Angola na may 18 kumpara sa Pilipinas na may 16 lang. Nakakatira din ng maluwag ang Angola sa tres na may 11 attempts kumpara sa ating 7. Sa 11 attempts nila sa tres sila ay buenas na nakakuha ng 5 three pointers samantalang tayo naka dalawa lang. 

Nagpakita ang Angola ng high IQ at napaka efficient na basketball. Ang fastbreak points din bukod sa successful three pointers ang nagbalik sa kanila sa laban. Ang zone defense nila ay epektibo para pigilan ang Pilipinas na may Jordan Clarkson na mahilig umatake at mahina ang perimeter shooting.

Diciplinado din ang Angola sa defensa na walang napuntang Pilipino sa foul line. 100% naman ang Angola sa free throws. At epektibo ang stifling defense nila napressure at napiliting magcommit ng 6 na turnovers ang Pilipinas.

Pero kahit papaano ay bumawi naman tayo sa offensive rebounding. Nakakuha tayo ng 4 kumpara sa Angola na may 3. Yan ay dahil sa presence ng 7'3 na si Kai Sotto. Kaya ang palusot ni Banchot na walang favorable match-ups si Kai Sotto laban sa Dominican Republic ay basurang mabaho. Patunay lamang na ang 7'3 ay good match up kahit anong araw pagdating sa basketball.

3rd Quarter

Hindi natin maungusan ang Angola dahil pa rin sa limitadong field goal attempts. Hindi pa rin natin ma-control ang mga turnovers at nadaigan na naman tayo sa offensive rebounding. May 6 na offensive rebounds ang Angola at tayo ay naka 2 lang. Hindi rin mabasag ang defensa ng Angola dahil sa dikitan at organisadong defensa laban sa mga perimeter shooters natin kaya nakakuha lang ang Pilipinas ng 1 three pointer habang ang Angola ay naka 2.

Kung anong magandang laro ang pinakita ni CJ Perez sa 1st Quarter ay naglaho na dahil sa 2 turnovers na na-commit niya. Nag capitalize ang Angola sa turn overs na nag resulta sa mga fast break points samantalang tayo naman ay bokya dito.

4th Quarter

Pinakita na ng Angola ang kanilang class sa huling yugto ng laban. Alam na nila ang tendency ng Pilipinas na naglalaho at nagigiba sa 4th Quarter lalo na sa huling 6 minutes. Pagaralan niyo stats at history natin. Ito ang sumpa natin sa ilalim ng mga local coaches. Dahil sa tendency na rin ni Banchot na ibabad ang mga starters niya kaya pagdating ng 4th Quarter ay bumababa na ang form at pumapasok na ang fatigue.

Importante talaga na alagaan ang mga player at huwag hayaang mag-peak ng maaga. Alam niyo naman nangyayari pag nag peak ang player, bumababa na ang form nito kaya susi ay mahusay na player rotation.

Lumobo ang kalamangan ng 14 points at nagunahan na papunta sa exit ang mga fans dahil alam nilang wala na. Bino-boo nila pag nakikita ang mukha ni Banchot sa screen dahil alam naman  ng lahat na yan ang sumpa ng Pilipinas National Team mula nang umepal siya at paalisin si Tab Baldwin. Huwag na tayo magkunwari.

Maalat na ang mga kamay ng Pilipinas sa 3 points. Sa 7 na attempts sa rainbow territory at walang naibuslo. Inalat na din ang Angola sa tres pero sila ay nakabutas ng 2 sa 8 attempts including the dagger in the last 2 minutes kung saan naghahabol tayo. Nabuhayan naman tayo nang ipasok si Kai Sotto at sa wakas ay pinasok na rin si Rhenz Abando kung kaya nakahabol tayo para maibaba ng 5 ang kalamangan. Kaso biglang nakashoot sa tres ang Angola sa susunod na possession mga 45 seconds na lang nag natitira sa laro dahil sa kabobohan ni Pogoy na boyfriend ni Banchot nang iwanan niya sa wings ang Angolan para i-double team ang centro ng Angola. Nang makita niya na si Pogoy ay wala na sa puesto niya, alam niya kaagad na walang bantay yung shooter nila sa wings kaya nag crosscourt pass para sa isang matalim na punyal sa puso natin. 

It's A Wrap!

Ang mga Angolans ay may magandang distribution ng puntos. Sa koponan nila lima ang naka-double digits sa scoring. Maganda din ang rotation nila dahil si Goncalves at Bruno Fernando lang ang naglaro ng 31 minutes.

Sa Pilipinas naman may magandang ball movement na at may konting fluidity. Mahina lang ang decision making na kung maiiwasan sana ay baka palarin naman sa susunod. Naka-recognize din ng magandang match up kung saan pinostehan ng mas matangkad na si Pogoy si Dundao na nagresulta sa ilang puntos noong 3rd Quarter. Ito naman ay agad na naremediyohan ng Angola at pinalitan ng mas matangkad at mas malakas na guard. 

Matagal din bago nag zone defense ang Pilipinas dahil inaararo sila ng tatlong malalaki sa ilalim. Nang mag zone defense naman ang Pilipinas ay pinaulanan tayo ng mga tres dahil mabagal tayo mag react sa defensa at maganda ang positioning ng mga shooters nila.

Pinasok si Kai Sotto noong 3rd Quarter at doon nagkaroon tayo ng chansa sa mga rebounds at nag iba dynamics ng ofensa ng Angola. Yan kahiligan ni Banchot sa small ball boggles the mind. May Ferrari ka na pero minamaneho mo na parang Sarao. 

Malaking bagay experience nila Sotto, Abando, Edu at Ramos sa paglalaro sa mga liga sa labas ng Pilipinas na gumagamit ng international rules. Kung sila ang ibabad para suportahan si Clarkson baka nagiba ang kapalaran natin. Ang high IQ basketball ni Abando ay pinamalas niya sa larong ito. Kung pinasok lang ng mas maaga eh di baka maagang nakahabol or baka hindi pa tayo natambakan. Maganda ang lateral movements niya at kumikilos nang wala ang bola. Hindi niya kailangan mag crave sa bola para maging effective.

Dapat si Ravena ay huwag nagbabasa ng social media dahil apektado ang laro at diskarte niya. May isang possession na ayaw niya mag dribble siguro iniisip niya na i-criticize siya at sabihin puro siya dribble. Kailangan mo rin mag dribble kaysa naman sa parang tuod, hindi siya nakaposition ng mabuti para maghanap ng mapapasahan. Nakakasira ng IQ ang makinig sa mga obobs sa social media.

Si Clarkson ang talisman ng Pilipinas. Maganda ang ginagawa niya na pinapasa niya ang bola sa mga kakampi niya pag na-attract niya ang mga defenders. All around ang performance niya at kung wala siya sa team natin ay malamang tambak tayo at matagal nang naguwian ang mga tao. Hindi rin tama obserbasyon ng ibang mga bobo sa social media na siya ay bwakaw. Yun ay stratehiya ni Banchot at hindi gumagalaw mga kakampi niya. Kita niyo sa larong ito pag naka puesto ng mabuti mga kakampi niya pinapasa niya. Makaka-average ba yan ng 7 assists per game kung bwakaw? Kung wala rin si Clarkson sa team baka nauwi na naman sa rambol dahil ang ilalagay ni Banchot pag wala mga de calidad na player katulad niya ay mga batang hamog na kagaya na lang nila Abueva.

May pag-asa pa naman ang Pinas kung tatalunin natin ang Italy at mananalo Dominican Republic sa Day 3 ng group stage. Tingnan niyo rin lagi ang game stats at pagaralan ito para naman  gumana mga utak biya ninyo. Huwag maging utak biya na puro dunks, dribble at porma lang ang tinitingnan. Tingnan niyo rin ang numbers para tumaas ang inyong basketball IQ. Kung hindi matutulad kayo kila Banchot Reyes at Yeng Guiao at yan ang ayaw na ayaw nating mangyari.

Finally, natalo din tayo sa coaching. Mabagal mag adjust - noong inaararo tayo sa ilalim, hindi mag zone. Noong nag zone defense naman, hindi i-modify para mahabol mga shooters. Puede naman 3-2 zone para covered lahat ng area lalo na maraming spot up shooters. Siguro nag Google muna kung anong stratehiya gagamitin niya kasi wala talaga siyang alam. Hindi talaga uubra ang PBA coach na outdated ang mga methods at bulok ang philosophy. Kahit si Tim Cone pa ilagay niyo diyan, pareho lang resulta niyan. Huwag niyo na rin ipilit si Yeng Guiao dahil noong 2019 FIBA World Cup, yan si kalbo ang coach at dead last tayo. Dead last din ang Rain or Shine niya sa isang tournament na sinalihan nila kung saan pinagtatalo sila ng mga University teams. Siya rin ang salarin kung bakit hindi makapasok mga foreign coaches sa atin - sampong taon nang presidente ng BCAP si Guiao.


 


Sunday, August 27, 2023

Sisihan Portion - Bakit Natalo Ang Pilipinas Contra Sa Dominicana


Kagaya ng inaasahan ay nagwagi ang Dominicana sa enquentro natin para sa unang laban sa Group A ng FIBA World Cup 2023 sa score na 87-81. Nagpakita ng resilience ang Dominican Republic na at one point sa umpisa ng 4th Quarter ay parang makakasilat pa ang Pilipinas.

Nagdominate ang Dominican Republic sa rebounds at ang kanilang go-to guy na si Karl Anthony Towns, bagamat nahirapan sa kaniyang opensa dahil pinaghandaan ng Pilipinas ay nakatulong pa rin ng malaki dahil sa kaniyang 15 of 16 free throws. Ang hindi napaghandaan ng mabuti ng Pilipinas ay ang supporting players ni Towns na may magandang distribution ng points. 

Napigilan ng Dominican Republic ang Pilipinas na ma-control ang laban sa pag limit ng shot attempts at pinilit ang Pilipinas na mag commit ng maraming turn overs. Ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng 53 field goal attempts at natalo din sa rebounding lalo na sa offensive rebounding kung saan ang Dominican Republic ay may 17 at ang Pilipinas ay nakakamit lang ng 3.

Ang go-to guy ng Pilipinas na si Jordan Clarkson ang bumuhat sa Pilipinas at nagtala ng 28 puntos at 7 rebounds at 7 assists. Talagang binuhos niya ang puso niya at lahat ng makakaya ngunit kinulang pa rin. 

Focal point ng offense ng Pilipinas si Clarkson. Sa lahat ng possession ang bola ay nasa kamay ni Clarkson para siya maging epektibo samantalang ang mga kasama niya ay nakatingin lang at nakatayo sa malayo para mabigyan ng space si Clarkson para mag operate at mag generate ng puntos. Kung wala si Clarkson ang Pilipinas ay natambakan dahil kung i-menos mo ang puntos at puntos na nakuha sa kaniyang assist ay siguradong sa kangkungan na naman nagswimming ang ating koponan. Tingnan mo si Reyes mukhang pagong mahilig talaga sa kangkong ang gago.

Ang offensive strategy ng Pinas - ibigay ang bola kay Clarkson at tumabi kayo, manood at siya ay hangaan. Ang akala naman ng mga bobong Galis fans, bwakaw si Clarkson. Hindi niya kasalanan yun. Ang sisihin ay si Banchot Reyes. Kung wala si Clarkson, tambak tayo malamang sa malamang. Dahil ang style na ginamit nila ay ang style na ginagamit ni Reyes noon pa at ito ang dribble drive. Ang kinaibahan lang, kung bakit mas successful ang strategy na ito ay dahil si Clarkson ay binayayaan ng superior na one on one skills. Sa kamay ni Clarkson, puede ang dribble drive offense at ISO dahil maganda handles niya at superior ang athletic ability. Pero inefficient na strategy yan. Ginagamit lang ang ISO tuwing dying seconds ng isang quarter para hindi na mag time out. Hindi ito magandang gamitin sa buong laro na gawing bread and butter. At diyan naging predictable ang ating ofensa. Ang ginawa ng Dominican Republic ay pinahirapan si Clarkson na makakuha ng maluwag na tira. At nagwagi sila na hindi ma-involve sa opensa ang ibang mga kasama niya lalo na mga PBA players na hindi marunong kumilos na wala ang bola.

Kawawang Kai Sotto naman, dahil sa coach na banban ay nasisira ang kaniyang pangarap na ma-scout ng NBA scouts. Ito sana ang pagkakataon niya na ma-showcase ang kaniyang kakayahan kaso may coach na banban. Sa isa't kalahating minuto na naglaro siya ay hindi sapat na content para makita siya ng scouts at mapatunayan niya ang kaniyang sarili. Kawawa naman ang bata at hindi napagbigyan. Magandang player rotation sana at naiwasan din foul trouble kay Clarkson.

May mga players na nagpakita ng magandang laro sa first half kagaya ni Kiefer Ravena at Rhenz Abando kaso ang player rotation ay hindi forte ni Reyes at itong weakness na ito ay sakit niya noon pa. Nagtataka lang ako kung sakit ito, bakit hanggang ngayon buhay pa siya? Wala talagang IQ si Reyes at hindi niya ma-recognize ang player na may mataas na IQ kagaya ni Abando na dahil sa magandang pagbasa niya ng situation ay nakakuha ng magandang pasa mula kay Clarkson at sinalpak niya ang bola para tapusin ang 2nd Half. Pagkatapos niyan wala na, hindi na binalik ang mga players niya. Nag stick lang kay Thompson na ilang beses binigay sa kalaban ang bola.

Hindi rin maganda ang reaction ng Pilipinas sa full court press ng Dominican Republic. Tatlong beses naka-intercept ng bola ang Dominican Republic. Sa isang pagkakataon din ay inabutan ng 5 seconds violation si Clarkson dahil hindi marunong pumosition ang mga receiver. Kaya kung si Tim Cone ay ginastosan ng SBP ng pamasahe at pang-hotel sa pagpunta sa Centra America para pag-aralan ang tendencies ng Dominicana, itong lahat ay perang nasayang. Nasayang lang din dahil sa tagal nang coach ni Banchot ay hindi pa rin napaghandaan ng mabuti ang kaniyang mga players kung paano talunin ang full court press defense. Yung perang ginamit ni Cone para mag scout ng kalaban ay binigay na lang sana nila sa mga putachini sa Cubao.

Siguradong pinanood ng Angola ang laban na yan at ngayon alam na nila kung ano ang gagawin ng Pilipinas laban sa kanila - Ibigay kay Clarkson ang bola at siya nang bahala. Kaya kung ako coach ng Angola isa lang ang gagawin ko - pahirapan si Clarkson na bumuslo nang bumuslo kahit pa maka 30 puntos at huwag isali sa laro ang kaniyang mga kasama.

Saturday, August 3, 2013

Philippines vs KSA Recap: Ano Ang Sakit Ng Pilipinas

Yung bola sa trophy mas malaki pa sa ulo ni Arwind Santos.
Nanalo ang Pilipinas laban sa banban na team ng Kingdom of Saudi Arabia. Lagpas ng sampung puntos din ang lamang ng Pilipinas sa final score kaso hindi yan ang tunay na reflection ng buong laro. Mula first quarter hanggang third quarter ang Pilipinas ay nagkakalat. Anong masasabi mo sa team na nagkakalat kahit banban ang kalaban? Ogag, bobo, bugok, banban at inutil.

Ating bilangin ang mga sakit na pinakita ng Philippines sa laro nila laban ang Saudi. Alam ko na kakatapos lang ng pangalawang laban ng Pinas kung saan natalo natin ang Jordan. Pero importante para sa mga scouts ang laro ng Pilipinas kalaban ang Kingdom of Saudi Arabi dahil sa larong ito pinakita ng Pilipinas ang kanyang mga grabeng sakit. Sakit na walang lunas. Sakit na noon pa problema na natin. Sakit na kusang lalabas kung mahusay at may pasensya ang kalaban.

Hindi Maka-shoot ng Free Throws


Ang free throws ay reward na binibigay sa player na nabigyan ng foul. Dalawang tira mula sa linya. Walang bantay, walang nakaharang, walang humahabol, walang sumasapal. Pero ang Pilipinas kung magtapon ng free throws ay parang skwater na biglang yaman kung mag waldas ng pera. Lustay ang pera sa pokpok, alak, alahas at mga luho. Sa bandang huli ubos na ang pera at pagsisisi na lang. Ganyan ang Pilipinas. Kadalasan natatalo ng mga 10 puntos, habang nagsayang ng 21 free throws. Kung naibuslo lang ang mga free throws lamang sana ng 11 puntos. Bakit hindi magpractice ng free throws ang mga putanginang players ng Pilipinas? Panay kasi yo-yo shots, acrobatic lay-ups, And1 dribbling skillzzzzzz at salsal. 

Noon naman na banban pa mga players ng PBA, maaasahan mo naman sa free throws. Maganda din perimeter shooting. Kahit nga si Pongkee Alolor maaasahan mo sa free throws. Ngayon ang poporma nga, athletic at mas matatangkad pero banban naman sa shooting. 

Sakit ng mga manlalarong Pinoy - hindi makashoot ng libre.

Unnecessary Fouls

Kakalabitan pa ang player na nag break-away lay up. Alam na ngang wala nang magagawa at sure lay up na, tatapikin sa balikat para bigyan pa ng extra points sa free throws. Kung nakalusot na, hayaan mo na. Gagawin mo pang three point play, nabigyan ka pa ng foul at nakadagdag ka sa team fouls. Anong klaseng sakit ito at kung paano nakukuha ito ewan ko. Kagabi dalawang unsportsmanlike fouls ang tinawag sa Pilipinas. Mas mabigat ito kasi bibigyan mo ng dalawang free throws ang kalaban kahit hindi act of shooting, tapos may ball possession pa. Tatanga-tanga lang ba mga players natin? Malamang. Sa mga nakaraang FIBA tournaments at Asian Games ang Pilipinas ay laging nag overlimit sa team fouls at mga key players natin laging nalalagay sa foul trouble. 

Sakit ng Pinoy - Unnecessary fouls!

Over-dribbling


May points ba ang dribble? Sana meron kung hindi World Champions na ang Pilipinas. Ang bagal sa pasahan. Ito ang sakit ng Pilipino na nakakabwisit! Kahit sa baranggay level talamak ito! Epidemic ito na hindi ginagamot. May gamot naman dito, kaso banban din mga nagpapalakad ng sports sa Pilipinas kaya walang proper training ang mga nasa grassroots, kaya pag akyat nila sa college at pros ay dala nila ang nakakahawang sakit na yan. Mas effective sana kung ipasa ang bola sa nauunang player sa fastbreaks at transition kaso ang may hawak ng bola ay showboat at bwakaw. May kakampi ako noon ang tagal talaga pumasa. Gumamit ka na ng pick, nagbigay ka pa ng pick, tapos lumabas ka na kaya open ka ng saglit na kung pinasa ang bola ay may oras ka pa na tumira kaso tiningnan ka lang niya tapos inisnab ka at tiningnan niya yung player na may dalawang bantay tapos tinira din niya! Pagkatapos ng laro sa sobrang frustration ko minusamos ko yung putanginang pagmumukha niya sa inidoro na may tae-tae! PUTANGINA KANG BWAKAW KA KUNG UMASTA KA AKALA MO KUNG SINO KANG MAGALING PUTANGINA KA. KANINA PA AKO GUMAGALAW NG WALANG BOLA NAGHIHINTAY LANG NG PASA PUTANGINA KA PINAPAGOD MO LANG AKO AT WALA RIN PALANG MANGYAYARI. PUTRIS NA PUTANGINA KA PUNGGOK KA PA NAMAN WALA KA NAMAN NALALAMAN AT HINDI KA MARUNONG BUMASA NG LARO. TUWING NAGIGING KAKAMPI KITA LAGING NABUBWISIT ANG ARAW KO PUTANGINA. ISANG ARAW BIGLANG PAGDIDILIMAN AKO NG PANINGIN MAPAPATAY KITANG PUTANGINA KA! HUWAG KA NA MAGPAPAKITA SA AKIN PUTANGINA KA! 

Sakit ng Pilipino ang overdribbling. Ang Saudi kahit banban maganda ang rotation nila ng bola. Lagi sila nakakahanap ng open man kaya kahit banban sila madami silang naipasok na tira sa labas. Kung wala sila Marcus Douthit siguradong talo ang Pilipinas. At kung wala si Marcus Douthit at may naturalized player ang Saudi, siguradong inimbakan ng basura ang Pilipinas kagabi na namatay dahil sa sakit na over-dribbling.

Poor player rotation 


Ito ang isa pang bad trip na sakit ng Pilipinas. Ang bugok na player rotation. Ano ba itong ginagawa ni Reyes ang banban niya talaga. Kung kelan maganda na ang laro ng player niya bigla na lang ilalabas. Hindi ko makita ang logic niya. Hindi naman foul trouble, hindi naman umiinit ang ulo ng player, hindi naman injured. Ilalabas niya kahit na kakashoot lang ng pangatlo sunod-sunod na jump shots. Siya mismo ang sumisira sa momentum ng team. Aalisin yung nagbabaga ang kamay, para palitan ng player na lumobo ang betlog sa bench. Tapos yung player na kakapasok lang biglang magcocommit ng error. Ito ba ang paraan ni banban Reyes para kontrolin ang mga ego ng mga superstar players niya? Dapat meron siyang mga babad na players, at may mga role players. Itong mga hudas na role players na ito kahit superstar pa sila sa mabahong PBA dapat matuto silang tanggapin ang role nila sa team. Kung magmamaktol ang player na mababangko, eh di batuhin niya ng upuan kagaya ng ginawa niya kay Jun Limpot at Gerald Esplana noong naging coach siya ng Sta Lucia. 

Isa pang banban na ginagawa ni Reyes ay ang paggamit niya ng two guard combo. Nakakaasar talaga ang banban na Atenista na ito. Ok lang ang two guard combo kung ang point guard mo ay 6'5 at ang isa naman ay 6'4. Sa NBA pwede yan. Ginagawa yan ng Phoenix Suns para sa up tempo style nila. Pwede din yan sa PBA kung saan ang average height 6'3. Pero sa FIBA Tournaments hindi na uubra ito. Height is might, tapos mag small ball ka pa? Gusto na naman siguro ni Reyes maulit yung nangyari noong 2008 na pinopostehan ni Wright yung mga pandak na point guards niya. Nakakatawa talaga nautakan siya ng kabilang coach, alam na banban ang strategy kaya pag nag two guard combo na, popostehan yung guard na pandak na nagjijingle balls yung mga betlog tuwing kinakaldag na. Hay nako, poor player rotation sakit ni Chot Reyes.

Turnovers 


Mga inutil talaga. Ang bagal ng rotation ng bola kaya napipilitan sa minadaling tira. Kadalasan din dahil sa paubos na oras ay napepressure ang mga players natin kaya kung ano anong kalechehan ang nangyayari. Hindi sana mabagal ang rotation kung hindi puro dribble ang mga point guards natin. By the time na matanggap ang bola ay iilang segundo na lang ang natitira sa shot clock kaya bato-tae na lang. Ang sagwa panoorin ang ganyang laro. Yan ay kung swerte na maitira pa ang bola dahil kadalasan ito ay naaagaw, naitatapon, natatawagan ng travelling violation at offensive foul. Banban na team lang ang kalaban pero ginaya din nila sa kabanbanan. Buti na lang may naturalized player ang Pinas para may go to guy sila.

Bwakaw Mentality


Ang cancer ng mga Pinoy. Bad trip kakampi ang mga ganitong klase ng manlalaro. Alisin mo man si Mark Caguioa at James Yap sa team may bagong prinsipe ng kabwakan na papalit. Mga bwakaw na players ang abundant ang Pinas. Kung ano ang kinulang sa height, sobra naman sa bwakaw. Kadalasan pa sa mga bwakaw ay ang mga point guard. Kitang-kita ito kagabi sa laro ni Jayson Castro at LA Tenorio. Kung sino pa yung pinaka pandak sila pa ang mga gahaman sa bola. Ang hilig pa sumalaksak sa ilalim kung saan nagaabang ang mga higante ng kalaban. Wala na bang lunas ang sakit ng kabwakawan sa mga Pinoy? Nasa dugo na ba natin ang kadupangan?


So there! Pinakita lang ng Pinas sa Chinese Taipei kung paano sila mag self destruct. Magamot kaya ng Pilipinas ang sakit niya? Matatalo ba ako sa pustahan at umabot sa final 8 ang Pilipinas? Mag improve pa ba ang shooting ng Pilipinas? Mabawasan ang turnovers at maiwasan ang mga unnecessary fouls? Sana naman for the sake of the country, kahit kantutin pa ng iba ang shota kong nakakalibog, ay manalo ang Pilipinas! Dahil laban ito para sa bayan! Patayin ang mga kaaway! Patayin! Puso! Puso! Pweh!

Wednesday, July 31, 2013

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Napanood ko Gilas Pilipinas Puso clip. Pweh. Pinapakilala nila sarili nila. Kung saan sila lumaki, saan sila galing at kung para kanino sila lumalaban. Panoorin niyo. Designed yung video para magpatindig ng balahibo at magpaalsa ng damdamin. Mga engot talaga mga Pinoy pagdating sa basketball. Mahilig mag-romanticize ng basketball exploits na puro kabiguan lang ang dinudulot. Parang yung "We Believe" na slogan noong 2007. Nike nag tapon pa ng pera para sa mga posters at promo gigs para i-promote ang we believe basketball journey nila. Maganda pa naman yung grupo na nakuha nila para sa tournament na yun tapos hindi man lang umabot ng semis! Tinawag pa nilang group of hope, hopeless pa rin sa bandang huli!

Laban para sa bayan!
Sabi ni Chot Reyes sa isang interview na handa daw magpakamatay ang mga players niya dahil para sa bayan na daw. Ano? Magda-dive sila para sa bola? Magpapasahod sila? Haharangan nila mga rumaragasang higante? Para saan? Para sa bayan? Wala mapapala ang Pilipinas sa basketball! Magpapakamatay sila para saan? Halimbawa itong si Arwind D'Gazelle Santos ay tumalon ng pagkataas-taas para lang makuha ang rebound, para sa bayan, para sumaya si Juan at makuha ng Pilipinas ang possesion at pagbagsak niya magkamali siya at mabali ang tuhod niya na napakapayat, what now? Masaya na ang bayan? Bali na ang paa ng player, pero ok lang dahil para sa bayan? Ganyan na ba kadesperado ang mga Pinoy sa basketball? Matalo na sa lahat huwag lang sa basketball? Putanginang Chot, yung anak mo ba papayag ka na pisonin ng mga higanteng Arabo para lang sa bayan? Pwede na ba medal sa kanya? Purple heart para sa mga basketball players? Gago! Ang China, Japan, Jordan, Iran ay hindi na irerequire na magpakamatay ang player nila para lang sa basketball. May passion sila sa laro pero hindi na to the point na magpapakamatay na ang mga players nila para sa walang kwentang tournament. Alam ko figure of speech lang yun ni Chot, pero may extreme na expectations pa rin ang coaching staff ng Pinas sa mga players nila. Putanginang bobong gago kayo. Advise ko na lang sa inyo mga putris kayong mga try hard kayo, mag enjoy na lang kayo sa laro. Huwag na isipin yung magdadive pa sa bola, magpapakabagok, mananahod, mambabali ng paa at kung ano-ano pang mga kagunggungan na gagawin nila para lang manalo sa basketball.

Sobrang taas ng expectations niyo tingnan niyo muna mga players na nasa team. Puro punggok at mga uugod-ugod na! Point guards na tandang, mababagal at mga maiigsi ang biyas. Small ang size ng brief nila! Si Jimmy Alapag pwede na manghiram ng shorts sa 7 year old na anak ni Shaquille O'Neil! Small forward niyo small talaga. Dapat atleast 6'7 para maging competitive. Ranidel Do Ocampo ba ang small forward niyo? Ano gagawin niyan? Hahawak ng bola, tapos papasa? Baka agawin lang ang bola sa kanya dahil mas malaki pa ang bola kesa sa ulo niya! Shooting guard na 6'2 at matatanda kagaya ni Gary David na 35 years old na. Harangan yan ng 6'6 na shooting guard ng opposing team magiging guard na lang yan, wala na shooting. Douthit 33 years old na, kung hindi kayo nagnaturalize si Junmar Fajardo lang ang sentro banban pa. Walang natural na power forward, si Pingris lang undersized na gurang pa. Magpapakamatay nga ang mga yan. Aatakihin sa puso kung hindi sa pulikat. Mga gunggong!

Saan ang Pilipinas dito? Ang makakasagot ng tama ay may
malaking premyo. Malaking burat.
Nakakabanas din ang mga nagpapatakbo ng (SBP) Samahang Basketball ng Pilipinas. Puro mga businessmen yan na walang karanasan sa basketball. Pera-pera lang ang nasa isip ng mga putris na yan. Gagastos para sa team at mag-eexpect ng instant results. Kung ang mga tao na nagpapatakbo ng SBP ay mga sportsmen or ex-basketball players, alam nila kung ano ang tamang expectations. Kaya si Chot Reyes under pressure yan kay Manay Bakla na maipanalo or makaqualify sa next tournament ang Pilipinas. Malaki ginastos nila para ganapin ang tournament sa bansa, kaya dapat makaqualify kahit na mabibigat ang kalaban at ang mga Pinoy ay mashadong maiigsi ang biyas para lumahok sa basketball. Dapat mga nakaupo sa SBP ay mga taong nakaranas na ng ganitong level of competition sa basketball, nakakaintindi ng pangangailangan ng mga atleta at mga lumalahok sa mga palaro kahit baranggay league. Hindi yung mga negosyante na Ms Barang-Gay lang ang sinasalihan. Walang alam ang mga yan!

At banas na banas na ako sa mga nilalabas na mga ads ng PBA at SBP na inihahalintulad sa isang gera. Yung ibang bansa na lumalahok hindi naman big deal sa kanila ang basketball. Hindi over-hyped. Simple lang. Pero may results na ipapakita. Sa Pinas napakaraming patalastas pa. Sumisigaw sa print ads at TV - 'Punong-puno ng drama at action!', o kaya 'Tuloy-tuloy ang bakbakan! Sino ang magwawagi!' at ' Laban Pilipinas! Laban para sa bayan!' Putanginang yan akala mo kung anong importanteng tournament. Ang resultang ipapakita nila ay talunan. Kung ano-anong palusot, kung ano-anong dahilan. Ang daming mga genius sa internet may kanya-kanyang theory kung bakit natalo at kung ano dapat ang ginawa nila para manalo. At ang walang kamatayang, "That Greek referee fucked us!" Kung saan-saan tumingin para makahanap ng masisisi kahit na ang sagot ay nasa harapan lang nila pero hindi nila pinapansin kahit na ang kasagutan ang kasinglaki ng elepante sa loob ng banyo. Maigsi ang biyas! Tapos ang tindi ng hype bago magsimula ang tournament. Ngayon naman Pilipinas Puso! Putris putangina niyo! Putangina kayong mga hayop ka! Aatakihin lang sa puso ang mga siraulong magaaksaya ng emotion at panahon sa inyo! Mga talunan lang naman kayo! Gerahin niyo na lang ang sarili niyo mga putangina kayo! Free throws pa lang hindi niyo makumpleto, lalaban pa kayo sa gera? Akala niyo kung sinong mga matatangkad yan putanginang mga pandak na bwakaw lang pala! Ang yayabang pa sa mga teaser ads... huuu! Magpapakamatay para sa bayan! Putanginang burat akala mo kung anong importanteng tournament na. Bwisit!

Dito magaling ang Pinas. Sa payabangan.
Itapon na rin ang mga players ng Smart Galis. Mga kagaya ni Arwind Santos kakaldagin lang yan ng mga taong bato galing sa Middle East matatae na yan sa hirap. Pag tumakbo siya para siyang antelope sa Kenya. Pinagtatawanan nga siya ng mga ESPN commentators, pwede na daw siya sa WNBA. Dapat diyan sinali sa Ms Gay Philippines baka manalo pa siya. At yung ulo niya mas maliit pa sa bola na pang-basketball. Dapat dakutin ang ulo ni Arwind Santos ni Lebron James at ibuslo sa basurahan.

Makashoot lang ng alahoy na chamba sa 2nd quarter para ang score maging Philippines 2 - Iran 69 ay nako magyayabang na ang mga putris. Siguradong apir-apir at talon-talon sa tuwa ang mga players habang ang crowd ay nilalangaw. Kagaya na lang ng mag celebrate si Kobe Paras nang pagbigyan siya ni Lebron James para maka-dunk. Sobrang tuwa at nakipag body slam pa sa mga katropa niya. May YouTube clip pa titled "Kobe Paras dunks on Lebron James" at sari-sari ang comments ng mga basketball fucktards na tinuturing si Kobe na Philippines future. Tarantadong gago. Kung sinabayan siya ni Lebron James siguradong nasa ospital na siya ngayon at mahimbing na natutulog habang pinapaligiran ng mga doctor at inoobserbahan siya kung makakagising pa siya sa kanyang pagka-comatose. Hirap sa mga Pinoy makachamba lang sobra nang yabang.

Ipupusta ko na siya. Kahit mahal ko siya. Sino lalaban?
Kaya huwag na umasa na mananalo ang Pilipinas. Hindi sila aabot sa final 8 ng tournament na ito. Unfair sa mga players na mahihina at maiigsi ang biyas na bigyan ng impossible expectations na manalo sa laro ng mga higante. Kung wala si Douthit na bayaran ninyo, hindi na aabot ng 2nd quarter ang mga bugok na yan. Hindi ako natatakot na ipusta lahat ng mga naipundar ko at lahat ng laman ng bank account ko dahil hindi ito malulustay. Malulustay lang ang lahat ng mga ipupusta ng sira ulong makikipag-pustahan sa akin. Kaya sino sa inyong mga putanginang gunggong ang handang lumaban sa akin ng pustahan? Sino sa inyo ang naniniwala na maibabalik ng Pilipinas ang basketball glory? May mga matatapang ba diyan na handang itaya ang inyong mga pera, hindi lang hiya, para sa passion ninyo sa Pilipinas basketball? Nakahanda na ang kangkongan. Makikita ba natin ang Pilipinas na lulutang-lutang diyan na parang mga hito na pinaghahampas ng sagwan ng frustrated na mangingisda?

AT UULITIN KO. SINO ANG LALABAN SA AKIN NG PUSTAHAN? HINDI AABOT SA FINAL 8 ANG PILIPINAS. MAKAPASOK ANG PILIPINAS SA FINAL 8 INYO NA LAHAT NG ARI-ARIAN KO. INYO NA ANG BUHAY KO. INYO NA ANG SHOTA KONG KOREANA. INYO NA ANG LAHAT NG NAIPUNDAR KO. SINO ANG LALABAN NG PUSTAHAN?

Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...