Sisihan Portion - Bakit Natalo Ang Pilipinas Contra Sa Dominicana
Kagaya ng inaasahan ay nagwagi ang Dominicana sa enquentro natin para sa unang laban sa Group A ng FIBA World Cup 2023 sa score na 87-81. Nagpakita ng resilience ang Dominican Republic na at one point sa umpisa ng 4th Quarter ay parang makakasilat pa ang Pilipinas. Nagdominate ang Dominican Republic sa rebounds at ang kanilang go-to guy na si Karl Anthony Towns, bagamat nahirapan sa kaniyang opensa dahil pinaghandaan ng Pilipinas ay nakatulong pa rin ng malaki dahil sa kaniyang 15 of 16 free throws. Ang hindi napaghandaan ng mabuti ng Pilipinas ay ang supporting players ni Towns na may magandang distribution ng points. Napigilan ng Dominican Republic ang Pilipinas na ma-control ang laban sa pag limit ng shot attempts at pinilit ang Pilipinas na mag commit ng maraming turn overs. Ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng 53 field goal attempts at natalo din sa rebounding lalo na sa offensive rebounding kung saan ang Dominican Republic ay may 17 at ang Pilipinas ay nakakamit lang ng 3. Ang go