Kawawang Mga Mahihirap Ginagamit Lang Na Kasangkapan Ng Mga Spoiled Brats Na Nagmana Ng Trono.

Daddy's Girl

(Psst. May kasamang podcast yan dito - https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2498871)

Nang manalo bilang Vise Presidente si Sarah Duterte hindi niya tinago ang kaniyang ambicion na makuha ang posicion ng Defense Secretary. Ito din ang posicion na gusto ng kanyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte. Maraming napakamot ng ulo at maraming mga kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ninerbyos. Hindi bumigay ang Pangulo at ang binigay na posicion sa kaniya ay Department of Education Secretary. 

Si Sarah Duterte ay may rangong coronel o comandante sa army. Hindi pa napasabak sa labanan at walang sapat na karanasan para kunin ang mataas na posicion bilang Defense Secretary. Lumakas din ang ugong na may binabalak na power grab ang mga Duterte kaya Defense Secretary ang gustong position, isang bagay na pinaniniwalaan kong kathang isip lamang at wala nang iba. Bakit hindi na lang niya tinanggihan ang alok na mag bise presidente ni Marcos kung siya ay nangunguna sa lahat ng surveys? Alam nating walang kwentang chismis, wala nang iba kung hindi chismis lang.

Pero bakit ang lakas ng loob niya na maging Defense Secretary? Ang trabaho ng defense secretary ay maging tagapangasiwa ng Department of Defense at siya ang aasahan sa mga decision na nauukol sa pagtatanggol sa bayan. Kasama na din diyan ang pag control sa budget at resource allocation. Bagay na nakita natin sa Department of Education pa lang ay hindi niya kayang gampanan. Mga perang winaldas niya noong mayor pa lang siya ng Davao. Mga issue na kinahaharap din ng mga kapatid niya na congresista na may nakakalulang budget allocation pero walang maipakitang resulta kung paano ginamit ito.

Ano alam niya sa pagpili ng klase ng mga kagamitang pang digmaan? Paano niya kukwentahin ang budget nito? Ipapaubaya niya kay Bong Go? Saan siya bibili ng kagamitan? Sa China para happy ang mga ching-chong-fook at bumili tayo ng mga sandata na hindi tugma sa atin?

Sa kakulangan niya sa karanasan bilang sundalo at walang diskarteng pagsusunog ng pera ay hindi siya nararapat sa kahit anong position sa gobierno. Kaya nilagay naman siya bilang DepEd Secretary at wala rin nagawa. Mas malala pa kalagayan ng bayan ngayon. Ngayon nagresign siya, sana hindi pa huli ang lahat.

Ito ang problema sa Pilipinas, ang mga lalawigan natin ay pinapatakbo ng mga spoiled brats, mama's boys at daddy's girls. May problema pa sa PMS ang isa na biglang pinagsusuntok yung sheriff na ginagawa lang ang trabaho niya. Pag sinumpong ng PMS ay biglang maaning at mag hurumentado? 

Noong 2018 itong siraulong ito ay may pinagsusuntok na sheriff sa Davao. May eksena na nangyari kung saan nagdatingan ang mga demolition crew sa isang parte ng Davao para palayasin mga illegal settlers dahil si Ching Chong Fook ay nakabili ng lupa at gusto nang gamitin ang lupa para magpatayo ng mall. Ang kawawang sheriff ang ginagawa lang ang kaniyang tungkulin ay binigyan na ng go signal ang mga demolition crew para umpisahan ang pagwasak sa mga barong-barong. May malaking gulo at naroon pa ang mga kapulisan ng Davao para panatilihin ang kapayapaan at huwag mag escalate sa mga bayolenteng enkwentro. Winawasak na ang ilang mga bahay ng biglang dumating si Sara, nagtanong kung sino ang boss doon, tinuro si sheriff at kanyang pinagsusuntok yung sheriff. Ang reklamo ng siraulo ay bakit daw siya hindi hinintay. 

Eh bakit kasi pinaabot pa niya sa situacion na yan? Hindi ba't daig pa ng maagap ang masikap? Kung noon pa ay inayos na ang kanilang kalagayan ng sa ganon ay hindi na sila dumating sa posicion na ang mga mahihirap na ito ay magiging kawawa. Lagi na lang silang ginagawang kasangkapan at sangkalan para sa mga political na dahilan. Ang gusto ni Sarah ay darating siya sa huling sandali at kanyang sasagipin ang mga dukha para maging bayani. At habang niyayakap siya ng ginang na umiiyak at nagpapasalamat sa pagaakalang sila ay pinagmalasakitan ay biglang may photographer na naka-abang at sila ay kukunan ng litrato na nakakaantig damdamin talaga na hindi matatanggihan ng Time Magazine na ilagay sa kanilang cover para sa humanity issue nila. At ang photographer ay mabibigyan ng pulitzer prize at si Sarah ay magiging bayaning tunay na hanggang ngayon ang litrato ang umiikot pa rin para ipaalala sa mga tao ang kabutihang loob ni Sarah.

Kaso hindi yun ang nangyari kaya ang kawawang sheriff ay kanyang pinagbubuntal sa harap ng mga cameraman na nagkalat doon. Lumabas ang mala tigre niya na pagkatao na ngayon ay pine-play up ng mga DDS na isang magandang katangian dahil ang kailangan ng isang namumuno ay katapangan. Pweh. Ngunit hindi na nila pwedeng baluktutin yan dahil si Sarah ay humingi na ng paumanhin sa sheriff.

Pero hindi pa humihingi ng paumanhin sa mga dukha at informal settlers na mga tubong Pilipinas at walang lupa sa sarili nilang lupang tinubuan. Buti pa si Ching Chong dami lupa, dami pera, laki negosyo. Kahit na noong panahon ng digmaan ay walang pinanigan mga kupal na ito. Nagiigib ng tubig para sa magkabilang panig. Ngayon sila na ang nag inherit ng bayan natin at pinapalakas ang kanilang position dahil sa mga spoiled brats na nagmana ng trono.

Ito ang nakakabwisit sa mga entitled na spoiled brats na ito na nagmana ng trono. Uupo sila at kukunin mga matataas na position kahit wala silang nalalaman diyan. Sufferers ba ng Dunning-Kruger effect ang mga ito? Sana yung mga taong may kakayahan na maging mayor, vice president, senador etc ay maglakas loob na lumaban nang matigil na ang bangungot na ito.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?