Posts

Showing posts with the label Sugarfree

"Bakit siya pa ang iyong pinili eh alam mo namang iyong-iyo na ako?" - A Tribute to Sugarfree

Image
Sugarfree Ang Sugarfree ay OK na banda na may above average lyrics at excellent musicianship. May magagandang kanta sila, kaso hindi magaganda ang ALBUMS nila. Maraming kanta kasi na redundant na, paulit-ulit na tema ng walang kamatayang nabasted ako, bakit-mo-ako-iniwan, at saan-ba-ako-nagkamali-ano-ang-pagkukulang-ko type of songs. Pero maraming catchy hooks at memorable lines sa kanta. Ang Sugarfree ay binubuo ni Ebe Dancel sa lead vocals at guitara, Jal Taguibao sa bass, at Kaka Quisumbing sa drums (replacement ni Mitch Singson na umalis noong 2006). Lima albums nila pero irereview ko lang ang apat na album kasi yung isang album nila ay live album at tinatamad akong mag review ng live album. Isa pa, wala akong kopya ng album na yan. Paguusapan ko lang ang mga kanta nila at kung ano naging epekto nito sa buhay ko. May mga anecdotes din dito na sigurado akong kagigiliwan ninyo kaya basahin niyo na lang. Sa Wakas Ang hirap talagang pakinggan itong album na ito. Kalahati ok