Sara Duterte Nagresign na pero tatlong Duterte lalaban sa midterms!
Nagresign na din sa wakas. Hallelujah! Malinis na ang Malacañang at wala na ang masasamang espirito. Kung bakit inabot pa ng dalawang taon ay ewan ko na lang basta ang mahalaga ay wala na siya sa DepEd at ang Pangulo ay magtatalaga ng karapat-dapat na DepEd secretary na may alam at totoong pagmamalasakit sa mga Pilipino.
Dapat lang na mawala ang isang tao na hindi na in-alignment sa ating pangulo. Dapat ay mawala rin sa cabinete kung saan ay pinaguusapan nila mga sensitibong bagay tapos may tao doon na umattend ng Prayer Rally ng mga Duterte kung saan inalipusta ang Pangulo at Unang Ginang at nakitang patawa-tawa sa mga antics ng Tatay Digong-Niyo? Mawawalan ng tiwala ang pangulo at mga ibang miembro ng gabinete sa ganitong uri ng tao. Dapat siyang mawala.
Hindi ba ganyan ang nangyari kay Robredo noong panahon ng Digong-Niyo? Ang gabinete ay mga alter-ego ng pangulo. At mga kagaya ni Robredo ay hindi nararapat doon. Ganyan din si Sarah ngayon. What goes around, comes around.
Ang DepEd ay makakabalik na ngayon sa kanyang layunin na pataasin ang antas ng educasyon ng mga kabataang Pilipino. Sabi ko nga noon pa, kung ang Pangulo ay gustong bigyan ng pagkakataon si Sandro na balang araw ay maging pinuno ng Pilipinas, kailangan niyang iwan ang Pilipinas na nasa tamang ayos. Ang educasyon ay importante. Kapag bumobobo ang mga Pilipino, mahihirapan tayo maka-attract ng foreign investments. Tumbang-tumba na nga tayo sa kakulangan ng infrastraktura, babagsak pa ang katalinuhan ng mga kabataan? Alis diyan Sarah Duterte at ibigay mo ang posicion mo sa mga taong marunong at matalino pa sa iyo!
Ang pag-resign din ni Sarah ay senyales sa isang opensiba na gagawin ng bahay Duterte laban sa bahay Marcos. Ngayon pa lang ay nag anuncio na ang bahay ng mga demonio na tatlong Duterte ang tatakbo sa senado sa midterm elections. Isang bobong galawan yan kung totoo dahil ibig sabihin ang Davao ay mawawalan ng Duterte. Maaaring ilalagay nila isa sa mga puppet nila o kaya si Kitty tutal mga utak kulugo naman ang mga Davaoeño kaya baka manalo din yun. Ano pa ba aasahan mo sa mga bobo sa ropor na mga tao?
Sigurado magbibitaw ng mga maaanghang na salita ang mga Duterte pagdating ng midterms. Tingnan natin sino mga panglaban ng mga Marcos. Sorpresahin kaya tayo at tumakbo sila Trillanes at Mar Roxas sa ilalim ng banner ng mga Marcos? Ang remnants kaya ng LP ay lumitaw sa ilalim ng mga Marcos at sila ang talagang mag benefit sa Uniteam?
Kung pagiisipan mo mabuti, mukhang isa na naman ito sa mga misdirection na ginagawa ng Bahay Duterte. Masanay na tayo. Hindi nila iiwanan ang Davao na walang Duterte na nakaupo. Yan ang base nila. Pag mawala sila diyan, baka hindi na nila maibalik ang control sa bahay nila.
At si Baste ang patatakbuhing pangulo? Alam na ng mga Duterte ito na humina na ang influencia nila. Hindi ito inaamin ng mga kakampink at lalong hindi ito aaminin ng mga DDS. Ang nagdala kay Digong noong 2016 ay ang Solid North. Mahihirapan niyang pumasok sa top 12. Mahirap tibagin yung mga kagaya ni Sotto, Lacson at Pacquiao. Si Imee alangan na dahil sa association niya sa mga Duterte, shempre dahil na turn off ang Solid North sa kaniya at hindi na rin ieendorso ng mga Duterte. Mawawala yan sa top 12. Pero si Baste at yung friend ng mga drug smugglers na si Pulong? Swerte na lang nila makasingit. Hindi sila yung Tulfo na macho. Ang mga Tulfo parang Duterte din yan pero hindi pro-China.
Solid North ang mga nag attend ng mga rallies ni Duterte noong 2016. Solid North ang mga nag organisa ng mga motorcades. Makikita natin yan sa midterms. Kung may manalo man na Duterte sa midterms, hindi kasing dominating na kagaya ng pagkakapanalo ni Tulfo noong 2022. Manghihina ang loob ng mga yan dahil alam nila na hindi sila kayang dalhin ng DDS pabalik sa Malacañang. Makikita natin sa midterms na tama ako at hindi hinala ito.
Comments
Post a Comment