Showing posts with label COVID 19. Show all posts
Showing posts with label COVID 19. Show all posts

Tuesday, July 28, 2020

Nakakahiya Naman Sa Mga Balat-Sibuyas

Tito, Vic and Joey with Ritchie Reyes


Talagang nabasag na ang pula ni Tito Sotto, Bong Go at Bato Dela Rosa kaya naman nakaisip silang gumawa ng walang kwentang resolution na Anti-Terror Law. Ito ay batas para protektahan ang pride ng mga gagong senador at ng walang kwentang administracion ni Duterte sa mga pambabatikos. Ngayon nga na litaw na litaw ang kapalpakan at pagka incompetent ng Duterte admin, kailangan nila ng Anti-Terror Law para macontrol ang pambabatikos at pamumuna. Sabi nga sa akin ng kilala kong abogado na huwag muna ako mambabatikos sa pamahalaan dahil delikado ang provisions ng panukala.

Kay Tito Sotto naman ang naging catalyst nito ay ang pagkabuhay ng Pepsi Paloma Rape Suicide. Noon na wala pang social media, ito ay napapagusapan lang sa mga inuman at pag tinulog na ng mga lasenggo paggising kinabukasan limot na. Hindi na ito nagkakaroon ng pakpak na nagiging national topic. Pero dahil sa social media, nagkaroon na ito ng iba't ibang anyo. Na-link na sa kanta ng Eraserheads at ginagawang topic pag nagiging topic ang mga katangahan ni Tito Sotto. Kailangan macontrol na ito kaya pasok ang Anti-Terror bill.

Maraming version na lumabas sa Pepsi Paloma Scandal.

Ang pinaka popular ay ginahasa daw siya ni Vic Sotto, Joey De Leon at Ritchie Reyes AKA Ritchie d'Horsie. Para manahimik, tinakot daw ng taohan ni Tito Sotto na si Ben Ulo. Sa sobrang sama ng loob ay nagpatiwakal.

May isa naman akong version na nadinig. Kwento ng isang dating director na si Bert De Leon. Ayon kay Bert De Leon, si Pepsi daw ay bayaran. Kinayog daw ni Vic at Joey sa hotel. Tapos yung bayad ay binigay daw kay Ritchie D'Horsie pero ito naman si Ritchie ay tinakbo yung pera. Lumabas ang version na ito pagkatapos na mamatay si Ritchie D'Horsie kaya wala na siya para ma-cross examine. Wala na din siya para tumanggi o tanggapin at aminin ang pagkakamali.

Itong si Tito Sotto na ito may propensity ito for draconian laws eh. Unang pumasok sa politica ito naging vice mayor ng Quezon City. Ang unang ordinancia niya ay ang anti-smoking law. Alam naman natin na walang nangyari at hindi nasunod. Hindi uubra ang mga draconian measures sa mga Pinoy. Magbuklat kayo ng history books at hanapin ang Basi Revolt sa Iloilo kung saan pinagbawal ng mga Kastila ang paginom ng basi. Nag rebolusyon ang mga Ilocano. Dumanak ang dugo. 

Ang mga taong walang abilidad at walang idea ay sa draconian law aasa. Pagbabawalin ang mag yosi, uminom ng alak, jaywalking, umangkas ng pasahero, tumawid sa kalsada etc. Ito ay mga walang kwentang batas na gawain ng mga amature. Unang sabak niya sa politica anti smoking ang advokasiya niya. Tapos naging senador siya pinaginitan niya mga imoral na kanta kaya napa senate hearing ang mga kagaya ng Eraserheads at Grin Department. Wala kasi siyang maisip na progressive na batas eh kaya draconian measures lang ang kaya.

Ganon din si Digong. Drugs, drugs, drugs. Puro drugs. Wala kasing idea. Walang ibang maisip. 

Para sa balat sibuyas na kagaya ni Bong Go na sa unang tingin akala mo makapal talaga ang pagmumukha laging nauuna ang baba tuwing may photo ops, surprisingly napaka nipis pala ng balat nito. Hindi makatanggap ng pamumuna at pangangantyaw! Halatang sipsip lang ang hinayupak na ito. Kung ang concern niya lang ay ang pangulo, huwag na siyang mag senador. Maging PA na lang siya o adviser tutal yan naman ang expertise niya. Ano maitutulong niya pag mag senador siya? Tonto naman siya. Hindi nga siya lumahok sa mga debate kasi hindi niya kayang depensahan ang position niya, wala siyang paninindigan, bobo siya at ungas. Halata naman diba?

Yung Balik Probinsya program niya ay bigtime fuck up ng administracion ni Duterte. Dahil dito ang mga probinsya na walang COVID, ngayon may COVID na. Maganda naman intencion talaga. Kasi ang mga OFW natin na stranded sa Manila, kailangan talaga makabalik sa probinsya may COVID man o wala. Ang problema ay nasa execution. Salain muna nila ang mga magbabalik probinsya at alamin kung sino may covid o wala. Mag quarantine muna ng 14 days bago sumakay ng barco at pagdating sa destination nila mag quarantine ulit para makasiguro na bago pauwiin sa kanilang mga bahay ay walang sakit. Dapat siguruhin din na handa ang probinsya nila para tumanggap ng COVID patients. Dapat up to speed sa testing, may facilidades etc. Ngayon dapat may listahan kung sino sino mga sumali sa Balik Probinsya program for contact tracing purposes. Dapat may coordination talaga with DOH, LGU at yung gagong senador na nakaisip nito. Kaso yung gagong senador na nakaisip nito, balat sibuyas at talagang tonto. SUKDULAN ANG PAGKA TONTO!

Kailan lang ay nag demanda si Bong Go laban sa isang estudiante na nagaaral sa isang colegio sa Manila dahil sa pambabatikos online. Anong klase yan? Magsesenador pero hindi makatanggap ng pambabatikos? Ang pambabatikos ay ginagamit in a positive way para mag improve ang serbisyo at trabaho pero itong tonto na ito ay hindi makatanggap. Balat sibuyas pala!  Gagawa ng katangahan pero bawal na magsalita at punahin ang katangahan? Maganda nga pinupuna ka para mapaisip ka at hindi mo na ulitin. Balat sibuyas!

Bwahaha mga buang kayo katulad ko!

Ito namang si Bato Dela Rosa ang hari ng lahat ng mga bobo sa mundo. Yung bao ng ulo nito pag binasag mo maglalabasan mga anay. Kinakatakutan ang ulo nito parang nuno sa punso noon pero pag binasag mo hollow pala sa loob at minsan may anay. Itong putanginang bobo na ito pag pinukpuk mo ng itak yung ulo talagang tutunog na parang makunat na kahoy. Kaya dapat ilang hampas ka, hindi uubra yung bigwas. Dapat talaga hampas. Kumuha ka ng buelo at asinta ka ng mabuti para puruhan mo. Matigas kasi ang ulo ng gagong ito. Ewan ko ba kung bakit ito naging senador.

Itong ugok na ito yung tuwang-tuwa sa WFH set up nila sa senado. Nahuli yan na patawa-tawa pa kasi ang sarap pala ng WFH. Talagang naka jackpot ang tarantadong ito. Biruin mo, bobo ka na buong buhay mo tapos biglang may umutot lang eh senador ka! Saan ka pa? Tapos dahil sa kabobohan ng mga kaalyado niya ay nag lockdown at WFH silang lahat! Tawa ng tawa yung gagong 6mal. 6mal talaga! Nakuha pang magdiwang dahil fit na fit sa kanya ang WFH dahil tamad siya habang ang mga kawawang taong-bayan ay naghihirap. At karamihan diyan ay mga bumoto sa kaniya. Tapos ngayon dahil inuulan siya ng batikos, naki-ride on sa ginawang panukula na Anti Terror bill para mapanagot ang mga online bashers niya.

Talo sila ni Abnonoy at KriSTD na inulan ng panglalait, batikos at pangiinsulto pero ni minsan hindi nagpunta sa corte suprema para sampahan ng kaso ang mga bastos (kasama na ako) na bumabatikos sa kanila. Kahit anak ni Kris ay dinadamay na - may anak siyang tinawag na monggoloid at may anak na tinatawag na bakle - pero hindi nagsampa ng kaso kahit kailan. Nakakahiya naman kay Bong Go, Tito Sotto at Bato Dela Rosa. Nakakahiya naman sa mga balat sibuyas.

Saturday, April 4, 2020

Mayor Duterte Walang Solusyon Sa Pandemic



At ang COVID-19 ay kumakalat na sa Pilipinas at kagaya ng inaasahan ang Pilipinas ay walang solusyon at totally unprepared and ill equipped. Ang mga bayani ng bayan natin - ang mga frontliners kagaya ng mga doctor at nurses ay walang sapat na kagamitan para bigyan ng proteksyon ang kanilang mga sarili sa virus. Habang ang ating Pangulo ay napatunayan natin sa pagkakataong ito na pang Mayor lang siya.

Pumalpak talaga si Duterte dito. Enero 2020 pa lang ay nakita na ng buong mundo ang nangyayari sa Wuhan, China kahit anong pilit ng CCP na itago ito sa media. Madami nang mga whistleblowers ang tinodas ng mga demoniong gobierno ng China para panatilihin ang magandang imahe ng kanilang bansa. Pero dahil na nga sa lumalang situacion at tambakan ang mga bangkay, napilitang aminin ng mga insects ang totoong kalagayan sa bansa nila.

Ano ginawa ni Digong? Nga-nga!

Dahil ang inalang-alang ni Digong ay ang feelings ng China. Masasaktan daw ang China kaya hindi mag impose ng travel ban. Mas inalang-alang pa ni Digong ang POGO na kailangan daw ng bansa. Hindi mo iniisip ang magiging kalagayan ng mga Pilipino na pinaglilingkuran mo? Ikaw ang Presidente namin! Probinsya ba tayo ng China? Governador ka ba ng Pilipinas na probinsya ng China? Umakto ka na parang presidente putangina ka! 

Basahin dito at dito ang posicion ng Presidente sa POGO sa bansa.

Si Duque naman, yung baklang may funeraria business ay buong yabang pa na nagsabing hindi aabot ang COVID-19 sa Pilipinas. Ayan nung kumalat na itong baklang Duque pa ang isa sa mga naunang nagpa-test. At kagaya ng kanyang amo, wala rin siyang solusyon! Kung bakit kasi inappoint pa ito na DOH secretary pero walang karanasan at utak ipis talaga. Kahit bopols ka basta maagap ka ok ka lang. Kaso banban talaga at utak tinga, putanginang bakla walang solusyon! Mas alisto pa si Duque mamulitika - basahin niyo dito. Hindi binigyan ng atencion ang writings on the wall. Mas pinili pa niya talaga mamulitika at hindi paghandaan ang dumarating na panganib.

Puppet talaga si Digong at ang puppet master ay ang China. Talagang nakasaksak sa mabahong tumbong ng gagong yan ang kamay ng mga Inchik. Tingnan mo lahat ng sinasabi puro papuri sa China. Kahit utang na lopsided sa China siya pumapabor. Mga construction projects ng gobierno ay China ang nakakuha. Sobrang pabor sa China dahil pati mga trabahador ay mga Inchik din at ang sweldo nila sa isang araw ay sobra pa sa natatangap ng local na trabahador na Pinoy sa isang kinsenas. 

Sabi pa nga ni Tulfo, "Putanginang mga Pinoy mga tamad mga putangina niyo!" Shempre si Mon Tulfo ang Special envoy na inatasan ni Duterte. Ewan ko kung ano talaga ang function niya. Sumipsip lang kay Digong , ayan government official ka na. Palakpakan mga DDS - "How true. How true."

 

Ganyan talaga ang mga puppet. Lahat ng appointees ni Duterte shempre tinuruan yan kung paano kumanta at sumaway nang sa ganon ay matuwa ang mga puppet masters nila. Si Tulfo ay hindi puedeng magsalita ng anti-Chinese. Masisibak siya sa puesto diba? Yan ba ang mga taong nagmamahal sa Pilipinas?

May teoria nga na kumakalat noon na kung bakit sobrang love ni Duterte ang China. Ang isa sa mga teoria ay ang Chinese Intelligence o kung ano man ang equivalent ng CIA at KGB nila ay may hawak na dossier. At sa dossier na ito ang nilalaman ay lahat ng mga actividades ni Pulong kaugnay sa drug trafficking. Tattoo na lang ni Pulong hindi pa maipakita diba? Kung wala kang tinatago, ilabas mo. Kung ayaw ilabas, baka totoo nga. Ganon lang kasimple yan.

Kung ang dahilan naman ng pagiging macho-nurin ni Duterte sa mga Chekwa ay para pautangin siya ng China para sa ikatutuparan ng kanyang Build, Build, Build - siya ay isang tonto. Weak leader na walang diskarte. Pang mayor ka lang talaga.

Ito ngayon nabigyan ng emergency powers ang Presidente pero ano gagawin sa pera? P275B yan ipapamudmod lang yan sa mga tao? Sige ipamudmod niya yan sabihin natin umabot ng tatlong buwan yan. Pag ubos na, ano na gagawin natin? May Plan B ka ba Mayor? Naubos na ang bilyon-bilyong pinamudmod at may virus pa rin ano gagawin? Utak Mayor ka nga talaga. Dapat may pondo na mapunta para sa pag research ng vaccine. Yan dapat ang solusyon natin. Makahanap kaagad ng lunas para sa sakit na yan dahil hindi natin kakayanin ang magkulong sa bahay habang ang economia ay lumulubog. Magugutom mga tao at pag magutom ang tao, sila ay magagalit. Experto siya sa World History kaya siguro alam niya ano mangyayari pag magutom ang mga tao - French Revolution, Russian Revolution nabasa mo ba Digs?

Mas lalong mapapadali ang pagdating ng revolucion dahil sa utos ng Presidente sa pulis at militar na barilin ang sino mang manggugulo. Sinabi ito ng Presidente matapos ang protesta na naganap sa isang baranggay sa QC. Nagprotesta ang mga residente nang dahil sa gutom! Hindi makarating ang ayuda na pinangako ng gobierno. Ang natatanging solucion na alam ni Mayor Duterte, este Presidente pala, ay barilin ang mga makukulit. Baka pag kumalat ang COVID-19 at hindi na talaga makontrol ay gayahin na lang niya ang solucion ng North Korea - patayin ang mga may sakit.

Wala rin akong narinig sa SONA niya kung paano niya matutulungan ang mga frontliners natin. Baka maglaan siya para sa production ng PPE na magagamit ng mga doctors at nurses. Puede niya tulungan mga sastre sa Taytay, Rizal na magtahi ng mga PPE tulad ng suits at facemasks. Ano yan aasa na naman siya sa China?

Analyze niyo itong graph:


Para sa mga bopols na DDS iisipin nila na maganda ang kalagayan ng Pilipinas. Bigyan niyo ng atencion ang Total Deaths at Total Recovered. Hindi ba kayo nag-aalala? Mashadong mataas ang Total Death at mababa naman ang bilang ng mga gumagaling. Overwhelmed ang mga ospital sa atin at ang mga kawawang doctor at nurses ay nahahawa na din. May ilang mga frontliners na rin na namatay na.

Tandaan niyo na wala pa tayo sa peak ng COVID-19 outbreak sa bansa natin. May mga DDS na sinupalpal ko kanina sa FB na sinasabing ang bilang ng mga positive sa atin ay mababa kumpara sa malalaking bansa. Tama yan, mababa nga. Pero huwag niyong kalimutan na kaunti pa lang ang natetest sa atin. May mga opisyales pa nga na ilang beses nagpapatest kahit wala namang mga sintomas. Antayin niyo na magpatest na ang majority at pag sinama na mga asymptomatic siguradong bubulusok ang bilang ng mga apektado sa atin. Huwag naman din sana mangyari na nacontrol na ng ibang bansa ang virus sa bansa nila, tayo ay nag aantay naman ng tulong sa kanila. Intay na naman ng tulong mula sa China?

Oh, China tulungan niyo naman ang Sick Man of Asia!



 


Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...