Posts

Showing posts with the label Pong Pagong

Monologue Ni Jo Koy sa Golden Globes

Image
At natupad ang inaabangan ng lahat ng mga hambog Pinoys na makita ang Pambansang Comediante natin na si Jo Koy na maging host ng Golden Globes. Bilang host siya ay obligadong magbigay ng monologue kung saan kanyang pagtitripan ang mga panauhin na binubuo ng mga who's-who ng industria ng pinilakang tabing. Mga taong kagaya nila Brad Pitt, Ben Affleck, directors, producers at writers. Mahirap na trabaho yan at talagang nakakanerbyos nga naman kahit ikaw ay batikang stand-up comic, ibang crowd na ito na siguradong pahihirapan ka. Susi dito ang pagiging matapang at matatag. Magtiwala sa materiales na meron ka, paghandaang mabuti at pagdating ng takdang oras hindi ka matitinag at kahit sandali hindi ka dapat mag alangan sa mga linya mo ito ay dapat mong ihatid ng walang hesitasyon.  Yun nga lang, pumiyok siya at yun ang kaniyang kinasira dahil yung ilang sandali na nagpakita siya ng kahinaan ang maaalala ng media. Maganda naman ang kabuuan, yun lang may ilang saglit na sinisi pa niya mg