Mga Desisyong Ginawa Sa Impluwensya Ng Fentanyl Ay Hinahambing Sa Chess Move Ng Mga DDS





Lahat ng mga desisyon ni Digong na hindi maintindihan ay hinahambing sa chess move ng mga DDS. Basta vague, hindi maipaliwanag kahit ni Tatay Digong-Niyo ito ay chess move. Ayon sa DDS ay meron sorpresa, there's a method to the madness at lahat ito ay mabibigyan din ng linaw pagdating sa dulo. Lumampas na sila sa dulo at ang kanilang poon ay malapit nang makulong, gumuguho na ang bahay Duterte, ang anak niyang si Sarah Duterte ay napag-tantong tanga, mas tanga pa kay Leni Robredo, protector ng mga fugante kagaya ng rapist at human trafficker na si Quiboloy, nasusuka na ang mga tao sa dynasty dahil sa incompetence na hinahain sa atin ng mga tagapag-mana ng kaharian at ang kaniyang drug war ngayon ay iniimbestigahan at posible pang ma-expose na isa lang palang sham ang drug war din si Digong-Niyo mismo at mga kasamahan niya sa Davao Mafia ay ang mga drug lords na matagal na nating pinaghahanap. 

Diyos ko, bahay ni Duterte ay nasusunog na. Kaya habang ang bahay niya ay nasusunog, kunin na ang arco at violin at kantahan natin ang mga DDS sa pamamagitan ng mga listahan ng mga tarantadong nagawa ni Digong or mga bagay na ginawa sa ilalim ng impluwensya ng fentanyl.

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2554408 - Ito pala podcast natin. Suportahan niyo sana ito. Salamat.

Digong's Gambit

Sa chess laging paguusapan ang mga opening moves. Importante yan para maimpluwensyahan mo ang kalalabasan ng laro at mabigyan ka ng early advantage na maaaring mauwi sa ikakapanalo mo sa laban. Si Digong nang siya ay maupo, ito ang kaniyang opening move - Nakipagusap sa China at inalis ang mga bagay na kinaiinisan ng China sa teritoryo na pinagaagawan natin. Inalis ang mga corvettes at iba pang surface vessels na sa tingin ng China ay offensive. Ang kapalit ay niluwagan ng China ang mga restrictions at muling nakabalik sa mga fishing areas ang mga mangingisda natin.

Kung yan ay isang chess move, puede natin sabihin na yan ay ang Queens Gambit pero hindi naman nakakuha ng advantage si Digong kasi nawalan na tayo ng control sa teritoryo natin. Ang Queens Gambit ay classic na opening move sa chess. Kung ikaw ay naglalaro ng chess at hindi familiar sa term, sigurado pag makita mo ay siguradong naka-enquentro ka na ng player na gumagamit ng move na ito. 

Queens Gambit

Ang problema, ang mga DDS lang ang namimilit na ang lahat ng vague at palpak na decision ni Digong ay isang chess move na sa una ay parang dehado tayo pero may malaking sorpresa sa huli. Ang realidad, nawala teritoryo natin sa South China Sea at ang China ngayon ang nagmamayari ng mga teritoryo na nasa bakuran lang natin. Dahil sa gambit ni Digong na pagbabalewala sa mga gains natin sa tribunal, ngayon tayo ay nagkukumahog na mapaabot ang pawn natin sa dulo para mapalitan ito at maging capital piece para may laban naman tayo.

Hindi marunong mag chess si Digong kung inyong ipipilit na chess move yan. Nag Queens Gambit accepted ang China (puede mo rin sabihing nag Slav Defense) at alam ng China kung ano ang susunod na igagalaw habang si Digong ay hindi lang namigay ng pawns, namigay pa ng Queen. Ang mahusay na manlalaro ng chess ay nakakaintindi kung bakit kailangan may kontrol ka sa centro ng board. At si Digong ay walang control sa centro.

Nasaan na mga pledges ng China? Nasaan na ang Mindanao Rail? Nasaan na mga infrastructure projects na pinagmamalaki ni Digong? Ngayon eh ang sinisisi niya ay ang media kasi daw panay ang batikos at pintas sa China kaya ang China nawalan ng gana sa atin. Kahit pledge trap hindi natin nakuha.

Anong nangyari sa federalismo ni Digong?


Isa sa mga campaign promise ni Digong ay ang federalismo. Sa mga campaign sorties, interviews ang federalismo ay lagi niya inuulit-ulit. Maraming moderates ang naakit dito. Mga moderates na sawang-sawa na sa sistema sa atin at naghahanap ng pagbabago. 



Nang maupo na, hindi na binanggit ang federalismo. Si Robinhood na lang ang paulit-ulit sa federalismo pero kahit siya hindi alam kung paano gagawin ito. Si Mocha nga noon sinubukang ipaliwanag pero hindi naman siya intelektwal o political analyst kaya hindi niya alam ang language na gagamitin para ipaliwanag ito sa masa.

Para sa Pilipinas, matagal na panahon ang hihintayin natin kung gusto talaga natin lumipat sa federalismo. Dapat ngayon pa lang ay tinataguyod na yan. Nasaan ang framers niyan? Wala na. Abandonado na ang federalismo. Si Robinhood na lang ang nagiisang naghahawak ng bandera ng federalismo. Si Mocha naman balik na sa pepe-dede.

At bakit kailangan nila ipaliwanag sa masa yan? Makakain ba nila yan? Napahiya tuloy si Mocha at yung baklang DDS na kasama niya.

Huwag na kayo umasa na biglang babalik si Digong at mga kaalyado niya para sorpresahin tayo ng "Here it is!" Walang chess strategy na maihahambing dito. Kung may magandang Ruy Lopez opening, sa kalagitnaan ng laro ito ay nagbago na ng stratehiya. Natalo na dahil sa maling galaw at inabandona ang laban.

Tagapagtanggol ng fugante

Kung may isang chess strategy na alam si Digong ito ay walang iba kung hindi ang CASTLING move. Ang castling ay stratehiya na ginagamit sa chess sa early stages kung saan pinoprotektahan mo ang KING ng ROOK at nakatago sa PAWNS. Ni-rereinforce din ang pawns ng BISHOP at KNIGHT. 

Ang mga fugante ay kaniyang pinagtatanggol at pinapayuhan na magtago sa awtoridad! Kahit si Digong ilang beses nang pinatawag sa Quad Committee pero hindi nagpapakita. Kaniyang tinapon ang kaniyang rights na pabulaanan ang mga paratang at akusasyon laban sa kaniya.

Mismong mga ka-alyado niya kagaya ni Roque ay ginaya na rin ang strategy niya. Si Roque ngayon ay pinaghahanap at naging fugante na rin. Hindi mahanap kung saang castle nagtago. 

At ang kaniyang anak na si Sarah ay nag castling din tuwing tinatanong kung ano ginawa niya sa kaniyang confidential funds, siya ay hindi sumasagot. Basta magtatago lang sa kaniyang castle at hindi lalabas. 

Si Quiboloy naman ay nasukol na kaya napilitang lumabas. Sana naman ay sinunod ng PNP ang kanilang mandato na kahit nahuli na nila ang fugante at patuloy pa rin nilang imbestigahan at kumuha ng ebidensya lalong-lalo na sa bible study hall. Sigurado naman na ang PNP ay may SOP na sinusunod.

Ito talaga ang natatanging strategy na alam ni Digong. Ganon din si Bato at Bong Go. Lahat sila ay nagsipagtago at hindi umaattend sa Quad Committee. Pero si Bong Go mukhang interesado sa nangyayaring Senate Hearing sa Pogo. Binabantayan ata si Alice Guo na baka kumanta at ikanta ang pangalan niya sa boses na soprano.

Walang Touch Move! Bawal Yan!

Isa pa sa mga trademark ng mga Duterte ngayon ang ugaling pag-bawi sa mga sinasabi nila. Walang paninindigan at walang prinsipyo. Sa larangan ng chess may tinatawag na touch move. Rule yan pag nahawakan mo na ang piece at ginalaw mo at binitawan yan ay permanente na. Walang bawian. Walang touch-move!

Noong campaña, mag jetski daw sa Spratly's. Hindi pala totoo. Oo, nagbibiro na mag jetski alam natin yan. Yung prinsipyo ang pinaguusapan eh. Ipaglalaban ang karapatan natin sa mga teritoryo natin sa WPS. Binawi yan at biglang naging BFF si Xi.

Sa Davao Death Squad naman, matagal na bago pa mag election noong 2016 ay inamin na ni Digong yan. Inamin niya pa nga na sumali siya sa operation at pumatay siya. Inamin niya na marami siyang drug smuggler at pusher na pinapatay sa Davao. Matagal na nga yan iniimbestigahan ng ICC. Pero nang maging Pangulo na siya, biglang bawi. Wala daw ebidensya kahit na madami nang mga testigo na lumantad at pinatunayan lahat ng mga sinasabi niya mismo sa umpisa. Anong problema? Walang touch move.

Napaka inconsistent ng Digong na ito. Ganon din si Sarah Duterte talagang may pinagmanahan. Sa chess, touch-move yan. Walang bawian.

Diyan sila magaling at ang mga DDS ay bulag, pipi, bingi, ogag, bobo at tanga para makita ito. Anong chess move ngayon pinagsasabi niyo? Hudas! Barabas! Hestas!

Checkmate!

Kita niyo naman na walang chess move sa vagueness ni Digong. Walang stratehiya. Walang diskarte. Kadalasan makikita mo na maaga pa lang lumalabas na ang tunay niyang intention at sa sobrang daldal niya pinapahamak niya ang sarili niya at ganon din ng mga ka-alyado niya. Lahat ng yan ay make it up as you go lang. Siguro maikukumpara natin sa mga baguhan sa chess ang style ni Digong. Yung mga baguhan na maagang nilalabas ang Queen. Kung batikan ang kalaban at Queen kaagad nilulusob mo eh gagamitin ka ng Queen trap. 

Si Sarah Duterte nga ngayon nagpunta pa ng Bicol para mag-buo ng unity kasama si Robredo. Alam na. Aalukin ng senate slot si Robredo para mag-mukhang kaakit-akit ang line-up nila. Style bulok. Yan ang tinatawag na "Queen Promotion" sa chess kung saan tinatakbo mo ang pawn para maka-abot sa dulo at ipagpalit mo sa Queen. Hindi na natin kailangan pa itago sa candy-coated bile ang lahat ng yan. Walang diskarte si Digong at mukhang Manchurian Candidate lang wala nang iba. Mga DDS lang naniniwala na chess move ang lahat ng ito. Baka sila diyan hindi marunong mag chess.

Kung kayo ay nag-oobserba ng mabuti ang talagang mahusay dumiskarte ay si BBM. Tahimik lang at hinahayaan gumalaw ang mga galamay niya. Hindi pa niya ginagalaw ang kamay niya pero ang dami nang natutumbang kalaban. Combination ng Knight, Bishop at Pawns pa lang na defensive-offensive strategy.

Para sa mga tumatawag sa kaniya ng kuting ngayon dahil sa kaniyang conflict averse personality, hintayin niyong lumabas ang tunay na ugali niya na mala-tigre. Baka hindi niyo magustuhan. Dahil pag dumating ang pagkakataon ay tiyak na CHECKMATE ang mga Duterte.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?