Posts

Showing posts from August, 2022

Buhol Buhol Na SBP, Style Bulok Talaga!

Image
At si Alfrancis Chua ay binigyan ng position ng SBP bilang executive advisor. Ano ang ginagawa ng isang executive advisor? Ayon sa magulong sagot ng PBA Commissioner na si Willie Marcial ay "parang consultant na may ngipin." Pweh! Dagdag pa ni Marcial na isa sa mga tungkulin niya ay "kausapin ang mga players kung ano ang mgagawa at kung ano ang plano." Diyan pa lang set niyo na expectations niyo sa isang super diyahe na resulta. Magulo ito, magulo. Bakit nga pala si Willie Marcial ang tinatanong ng Spin.com at hindi yung mafioso na na-appoint bilang executive advisor? Bakit kahit si Mafia Chua ay hindi rin kaya i-articulate kung ano ang tungkulin niya ngayon sa SBP. Tipikal na tipikal na pagkilos ng mga taong natutulog sa pansitan.  Tingnan niyo na lang ang SBP ay piniling spokesperson si Sonny Barrios at ang daming kapalpakan agad na pinagsasabi sa media. Sinisi niya si Tab Baldwin sa mga debacle ng Galis Pilipinas. At kaliwa't-kanan ang media interviews ng mga