Posts

Showing posts with the label Filipino American War

Bakit Ang Daming Bopols Sa Pinas?

Image
Ang kaka-Ingles natin ang nagpapabobo sa atin. Ingles ang ginagamit na mode of instruction sa mga paaralan. Salita din ito na ginagamit sa mga pahayagan at sa telebisyon. Ito rin ang ginagamit na lenguahe sa Saligang Batas. Pinagmamalaki natin na tayo ay pangalawang bansa na maraming English speakers. Pagmagmalaki tayo akala mo kung sinong mga hari na may malaking corona sa ulo pero nakatayo naman sa mataas na imbakan ng basura. Eh ano ngayon kung tayo rin ang pinakabopols? Ayon sa bagong pagaaral na ginawa ng World Bank, 80% ng mga magaaral sa atin ay hindi bihasa sa kaalam. Sa madaling salita, ang mga kabataan ngayon ay mga utak buris. Mga Ompong Galapong, may ulo pero walang tapon! Masama yan para sa hinaharap ng ating bansa. Itong report na ito ginagamit ito ng mga investors para malaman kung maganda ba mag-negosyo sa bansa natin. Kung makita nila ang report na ito, hindi sila pupunta dito para mag set up kaya asahan niyo na magaalisan ang mga trabaho na nasa atin ngayon dahil baba