Walang Kinalaman Ang Chemistry
Sino ang basketball megamind sa Pilipinas? Itong chemistry ay hindi sanhi ng pagkabigo ng Pilipinas sa international tournaments. Ilang beses itong inuulit-ulit sa media at laging talking point ng kung sino mang mapipiling coach. Ito ay palusot na naka-laminate na at laging nilalabas na parang Get Out Of Jail card tuwing mabibigo at magpapakita ng super diyahe na display sa mga tournaments. The best explanation is the simplest one. Ayaw na kasi nating mag analisa at mag-isip dahil sa matinding katamaran na ingrained na sa ating cultura at dala na rin ng sobrang kabobohan. Kaya tuwing olats ang laging talking points ay lack of preparation time, lack of team chemistry. Minsan nasasali pa ang officiating sa listahan ng mga grievances at palusot ng mga poncio pilatong coach natin na brilliant tactician at basketball mastermind sa isip lang nila. Akala mo naman kung pabor sa atin ang tawag ng mga referee ay mananalo pa rin tayo. Wala ka magagawa sa superior na offensive rebounding at outsid...