Posts

Showing posts with the label Manila The Gates of Hell

Nakakahiya Naman Sa Mga Balat-Sibuyas

Image
Tito, Vic and Joey with Ritchie Reyes Talagang nabasag na ang pula ni Tito Sotto, Bong Go at Bato Dela Rosa kaya naman nakaisip silang gumawa ng walang kwentang resolution na Anti-Terror Law. Ito ay batas para protektahan ang pride ng mga gagong senador at ng walang kwentang administracion ni Duterte sa mga pambabatikos. Ngayon nga na litaw na litaw ang kapalpakan at pagka incompetent ng Duterte admin, kailangan nila ng Anti-Terror Law para macontrol ang pambabatikos at pamumuna. Sabi nga sa akin ng kilala kong abogado na huwag muna ako mambabatikos sa pamahalaan dahil delikado ang provisions ng panukala. Kay Tito Sotto naman ang naging catalyst nito ay ang pagkabuhay ng Pepsi Paloma Rape Suicide. Noon na wala pang social media, ito ay napapagusapan lang sa mga inuman at pag tinulog na ng mga lasenggo paggising kinabukasan limot na. Hindi na ito nagkakaroon ng pakpak na nagiging national topic. Pero dahil sa social media, nagkaroon na ito ng iba't ibang anyo. Na-link na sa kanta ng

Manila, My Manila... The Gates of Hell

Image
Immune sa tipus. Sikat na naman ang Pilipinas. Nasa bagong libro naman ngayon ni Dan Brown ang kagandahan ng Manila, na tinawag niyang The Gates of Hell. Hindi ko alam kung nakapunta na nga ba siya sa Pilipinas, pero kahit hindi pa siya nakapunta sa bansa natin marami nang images sa television kung ano ang tunay na kalagayan ng Pilipinas. Nakita niya naman ang pinsala ng Ondoy, at mga dumaang malalakas na ulan na nag dulot ng delubyo. Nabalitaan niya siguro ang mga corrupt na politicians, at mga political dynasties na habang buhay nang maghahari sa buhay ng mga Pilipino. Naaawa siguro siya sa mga skwater na nakatira sa barong-barong at kulang ang kinakain, maraming mga anak na hindi nakakapag-aral, at mga nagiging magbobote, rugby boys at pokpok. Parang understatement lang dahil para sa ating mga Pinoy na naninirahan diyan, mashado pang mabait si Dan Brown na tawaging the Gates of Hell ang Manila. Dahil kung nanirahan talaga siya dito, masasabi niyang living hell ang pamumuhay sa M