Gusto Mo Ba'ng Ma-Arnie Tuadles?

(Psst, may radio din nito - https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2715377 ) Sino nakaka-alala sa linyang "Gusto mo ba'ng ma-Arnie Tuadles"? Ang linya na yan na title din ng ating articulo ay binitawan ni Willie Revillame nang mag-away sila ni Richard Gomez sa Star Olympics mga bandang 2002-2003. Sobrang tagal na at hindi na maalala ng mga tao. Reklamo yan ni Richard Gomez nang tutukan siya ng baril ni Willie Revillame. Wala na akong mahanap na link nito sa mga pahayagan. Pero ito ay totoong nangyari at nais kong ipaalam ito sa inyong mga bobotante para naman hindi ito mabaon sa limot. Nangyari talaga ito. Maraming controversia itong si Willie Revillame at ilang beses nagpakita ng nakakasukang paguugali sa telebisyon. Mga contestant na babae na binabastos niya at tinatanong mga mga malalaswang tanong. Mga jokes na inappropriate na naging dahilan ng kaniyang pagkaka-suspende sa ilang noon time shows na kaniyang hino-host. Mga kawalan ng respeto hindi lang sa kaniyang ...