Ito kasing Side A at yung dating frontman nila na si Joey Generoso ay nagaaway dahil sa catalogue nila. Alam niyo naman an si Joey G ay humiwalay sa Side A at gumi-gig sa mga corporate events. Ganon din ang Side A na iisa ang target market ng dalawang ito at ito ay mga corporate events ano pa. Ngayon itong Side A na-eetsepwera dahil ang nakakakuha ng gigs ay si Joey G. Siya kasi lead vocals at ang nostalgia ay dala-dala niya. Isa pa mas mura kung bayaran lang ang talent fee ni Joey G at hindi yung buong banda. Ayan tuloy ang Side A naiwan sa bangketa hindi makahanap ng raket. Kaya may cease and desist order kay Joey G na huwag kantahin mga kanta ng Side A. Ngayon pareho silang walang trabaho. Ang Side A band kasi ay nagsimulang Show Band. At Show Band talaga sila kahit nagkaroon na ng mga records. Diba ang galing nila mag cover? Show Band eh. Ang kawawang si Joey G naman ay hindi songwriter, siya talaga ay interpreter lamang. Pero dahil may boses siya at siya ang naaalala ng tao ...