Alberto Capellas Sinibak!

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2806893 Si Alberto Capellas ay nag resign ayon sa balita pero ang totoo siya ay sinibak dahil itong PFF President na si John Gutierrez, na kilalang DDS, ay nagwala nang makita ang line up para sa darating na laban ng Pambansang Koponan Ng Pilipinas sa football o mas kilala bilang Philippine Mens National Football Team at Tajikistan. Nagalit kasi si Guttierez at kakaunti lang ang pure Pinoy. Gusto ni Guttierez mga purong Pinoy lang ang isasabak natin. Nasayang ang mga pinaghirapan ni Capellas na instrumental sa pag transform ng national team natin. Sa ilalim ni Capellas ay natalo natin ang Thailand sa unang pagkakataon at nakakuha din tayo ng kauna-unahang panalo natin sa semis ng AFF Mitsubishi Cup (dating Suzuki Cup). Ang gusto mangyari ni Gutierrez ay classic example ng inuuna nag caritela sa kabayo. Hindi pa handa ang mga local players natin sa ganito kataas na level ng tournament. Qualifiers po ang pinaguusapan para sa AFC Asia ...