Babala: Kupal Ang America


Hindi ka magkakamali kung ikaw ay gagamitin ng diplomacia at magkaroon ng mahabang pacencia. Mahabang pacencia ay importante dahil ang mga makakausap mo na mga diplomats ng China ay may mukhang masarap suntukin at magaspang magsalita. Kailangan natin ng counterpart na hindi kakagat sa mga pangaasar nila lalo na mahilig sila magbitaw ng mga salitang nakaka-trigger kagaya ng "Teach you a lesson." 

Ngayon, para sa Pilipinas importante na ipagpatuloy ang pakikipagusap at tahimik na nagpapalakas ng sandatahang lakas natin. Kailangan natin mga armas na magiging deterrent para sa mga Chekwa na yan. Kailangan mga missile defense systems na aabot sa China at may kakayahan na targetin ang mga warships nila. At kailangan maraming-maraming weapons na magdadalawang isip ang China na mang-gago sa atin diyan dahil talagang aaray sila kung may ikikilos silang kabulastugan. Mananalo sila sa labanan alam na natin yan pero siguradong aaray sila na parang baboy na basketball player na natapilok matapos magkamali ng talon. 

Huwag na huwag din tayo magtitiwala sa America dahil ang bansang yan ay matagal nang kupal. Maraming amboy sa atin at maraming amboy ngayon sa Senado. Matagal na tayong tuta ng America at ang pagiging tuta natin ay hindi nagresulta ng maganda sa atin. Ang defense budget ng America para sa Pilipinas ay nasa $100m lang samantalang ang budget nila para sa Pakistan ay nasa biliones. Kahit na tayo ay kaalyado nila sa lahat ng gera na pinasukan nila ang trato ng America sa atin ay parang puta lang. 

Kinaladkad ng America ang Pilipinas sa WW2 na hindi natin gera, hinayaan nila maghirap ang mga sundalo natin dito at ginawa pang iconic ang mga salitang 'I shall return" ni MacArthur at iniwan tayo dito na walang armas at suporta hanggang sa maipit ang mga sundalo natin sa Corregidor at mamatay sa Bataan Death March na hanggang ngayon ay hindi pa ginagawaan ng updated na pelicula sa Hollyweird.

Winasak din ng America ang Intramuros at Manila. Ang mga bomba ay hindi galing sa mga Hapon. Made in USA ang mga bomba. Hindi umangal sila Quezon kasi amboys eh. Kung matino kang tao at mahal mo bayan mo, aangal ka at mag protesta ka na huwag niyo bombahin ang Manila. May iba pang paraan pero huwag niyo sirain ang Manila. Amboy talaga walang imik. Fair haired boy yan ng America kaya nga siniraan ni Quezon si Aguinaldo, bukod sa kailangan ni Quezon i-discredit si Aguinaldo para mapahina niya ang pinaka malakas na contender sa pagkapangulo, gusto din ng America na sirain si Aguinaldo dahil delicado ang magkaroon ng living legend na may kakayahan na i-unite ang mga Pilipino at palayasin sila.


Pagkatapos na bombahin ng America ang Pilipinas ay saka tayo binigyan ng independence. July 4 pa nga ang suggested nilang pecha ng kalayaan pero buti naman may nakaalala noon na June 12 ang totoong araw ng kalayaan ng Pilipinas. Binomba muna kasi ididiscard na talaga tayo at matapos ang gera at lupaypay tayo ay binigyan na tayo ng kasarinlan. Wala tayong natanggap na reparation kaya noong dumating si Marcos Sr ay kinailangan mangutang ng malaki para buhayin ang bansa natin na ngayon ang mga Dilawang at Pinkshits ay ginagawaan ng masamang narativo yan. Pero yan ang paguusapan natin sa ibang araw. Mahaba-habang usapan yan.

Sumama tayo sa kanila sa Vietnam War at Korean War pero sa mga pelicula nila walang Pinoy. Walang acknowledgement. Walang respeto at ngayon may libreng F16 fighters ang Pakistan na bansang kalaban nila kuno na training ground ng Taliban at Isis. Sinusuplayan pa nga ng CIA ang mga Abu Sayyaf dahil noong 2004 may gagong CIA agent na naputolan ng braso ng sumabog yung mga home-made na C-4 sa tinutuluyan niyang motel sa Davao. Anong klaseng kaibigan yan?

Kaya unang-una na gawin ng Pilipinas ay i-reject ang America. Huwag payagan ang America na maglagay ng base militar sa Pilipinas at huwag makisawsaw sa problema ng Taiwan. Gamitin ng Pilipinas na pagkakataong ito na maging exporter ng plastics at mga machine parts at computer parts. Sa plastic lamang tayo kasi madaming plastic sa atin marites naman pa. Gawin natin yan gesture of goodwill at ipakita sa China na tayo ay kaibigan nila. Kagaya ng ginagawa ng Vietnam na may claim din sa Spratly's pero nagbenepisyo sa investments na galing sa China.

Maging mautak tayo at kaibiganin mga bansa na malapit sa atin kahit kupalin sila kasi ang America ay kupalin din naman. Mas malaking kupal, maniwala ka.

Comments

  1. Nice One! Isang Malaking Aprub!!! Sapul na Sapul!!! Naku, Sigurado... Marami na namang mga US Fanatics/Fantards ang mga masasaktan dito sa article mo lalo na yung mga taeng tae makarating o makatungtong ng Tate, na wala sa loob nilang pobre na yung gusto nilang puntahang bansa at sangkaterbang na rin ang mga walang matirhan at sa tabing kalsada at mga bakanteng lote na lang natutulog, dahil nalason at nasobrahan na rin ang mga kukote nila sa kakapanood ng mga TV Series at Hollywood Movies.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Amboy karamihan sa mga Pinoy. Maraming ignorante sa kasaysayan natin.

      Delete
    2. Haha ang husay kasi ng US makapag brainwash. Ngayon mahirap pagpagin ang pagiging Little Brown Brothers natin.

      Delete
    3. @Dustpan, Paanong di magiging ignorante ang mga Pinoy.... Huwag ka ng lumayo eh! Kapag nakakakita ng mga Western na naglalakad sa mga Malls at kalsada ang mga tao sa atin halos kulang na lang mabali na yung leeg sa kakatingin at kumukutitap ang mga mata na parang kala mo kulang na lang eh sambahin na nila. Kasi kung maganda ang sitwasyon nila bansa nila as of now eh bakit ang dami na nilang nagpuntahan at nagtakbuhan sa Pinas ngayon diba!? Nasan na yung sinasabing "The American Dream" na madalas na kataga ng mga nasa Gobyerno nila na para sa lahat?! Dyan pa lang hindi na naiisip/maiiisip ng ibang mga Pinoy ang mga ganyang simpleng bagay kaya wala pa ring asenso hanggang ngayopn dahil sa madali pa ring magoyo at magpagoyo. Ika nga eh Walang Logical Thinking.

      Delete
    4. Yan ang epekto ng indoctrination ng America sa atin pagkatapos ng Filam War.

      Delete
  2. Mga fascist nazi kasi ang naghahari at umiiral d'yan sa america kaya mas naging worse and pathetic tulad dito sa pinas. Denazification ang solutions d'yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang solusyon yan kapatid. Pero exhaust muna natin mga humanely methods bago natin puntahan yan. Siguro pag wala nang ICC sige pagusapan natin hehehehe

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?