Showing posts with label Rajko Toroman. Show all posts
Showing posts with label Rajko Toroman. Show all posts

Saturday, July 2, 2022

Ang Talambuhay ni Banchot Reyes


Nagagalit ang mga Pinklawan dahil daw sa dynasty na binubuo ng mga Duterte at Marcos sa larangan ng politica pero tahimik naman sa dynasty na binubuo ni Reyes sa basketball. Tila yata mga Reyes lang ang may alam sa basketball sa bansa kahit na alam naman natin na banban at archaic na ang style ni Banchot. 

Si Banchot Reyes ay nagumpisa bilang assistant coach ni Tim Cone sa Alaska at kapatid ni Jun Reyes. Naging instrumento si Banchot para makuha ng Alaska si Jun Reyes ngunit hindi na umangat sa pagiging back up point guard ang dating star player ng Ateneo.

Matapos ang ilang taon ay naging head coach si Banchot Reyes ng Sta Lucia. Nagpakita ng talas at abilidad sa coaching si Banchot. Hindi rin nagtagal ay lumabas ang mga ilang nakakadudang mga galaw itong si Chot Reyes. Nagiging animated ito sa sidelines at nagiging side show ng makulay na PBA. Agaw eksena ang mga pag mumura sa mga referees at pagtatatalon-talon na parang palakang gago tuwing may tawag ang referees na hindi niya nagustuhan. Sinabayan pa niya ito ng mga makulay na pananamit na talagang nakakasilaw at nakaka-distract kaya ang mga gagong players niya ay nagkakamali sa court. Malaki ang contribution ng mga unnecessary antics ng coach na ito sa mga sunod-sunod na pagkatalo ng Sta Lucia. Hindi nagtagal ay naka-apekto ito sa moral ng mga players. At dumating ang araw na talagang naubos na ang pasensya ni Banchot at binato niya si Jun Limpot ng upuan habang sinesermonan niya ang kaniyang mga players sa dugout matapos ang isang nakakahiyang pagkatalo. 

The next day pumunta si Banchot sa practice at iisa lang ang player na nadatnan niya - si Chris Jackson. Nagkaroon ng mutiny sa Sta Lucia sa pangunguna ni Gerry Esplana. Umaksyon ang kanilang management at agad na pinatalsik ang napaka-husay na coach. Bumalik ang sigla ng Sta Lucia at nagpapanalo na ulit sila ng mga laro.

Akala ko talaga noon na mahusay na coach si Reyes. 2003 si Reyes ay coach ng Coca Cola. Matibay at formidable ang Coca Cola at maganda ang sistema ni Chot Reyes sa koponan na yun. Sobrang disiplinado ng mga players lalo na sila Hatfield at Abuda at talagang napahanga ako sa kakayanan ni Reyes na mag coach ng isang koponan. Isa ang Coke sa mga teams na contenders noong 2003-2005 sa PBA. 

Ang BAP naman ay nagkagulo-gulo dahil sa kapalpakan. Matapos matalo ang RP Team na kinabibilangan ng mga hindi kilalang amateur players sa isang exhibition match laban sa Parañaque Jets na binubuo naman ng mga celebrities at ex-basketball players ay nagalit ang POC na pinamumunuan ni Babalu Cojuanco. Talagang bumulusok ang ilang ni Babalu Cojuanco nang gawing katatawanan ang RP Team na tinalo ng Jets niya talagang super diyahe sila! 

Nais buwagin ng POC ang BAP at bumuo ng panibagong association ngunit ayaw pumayag ni Joey Lina na head naman ng BAP. Ayon sa kaniya ay labag sa saligang batas ang binabalak na gawin ng mga basketball stakeholders na kinabibilangan ng PBA, PB:, UAAP at NCAA. Dahil dito nabigyan ng suspensyon ang BAP ng Pilipinas. Na-ban din ng mga dalawang taon ang Pilipinas kaya hindi makasali sa mga international tournaments. Nang matapos ang gulo ay nabuo ang SBP at si Banchot Reyes ang napiling coach ng Team Pilipinas. 

Mahusay ang presentation ni Banchot. May short term goal, may long term goal, claro ang concise ang plano niya. Siya ang napilling coach ng Team Pilipinas para sa darating na FIBA Asia 2007 na qualifying tournament para sa FIBA World Basketball. 

Dito na nakita ang eccentric, ineffective at walang kwentang antics ni Banchot. Ang nakikita natin na pagmamaktol niya sa sidelines ay pinakita niya sa buong mundo! Yung mga makukulay na polo niya at neck tie na parang borloloy sa jeep na Sarao. Natalo tayo sa importanteng laro laban ang Jordan dahil na-technical siya sa huling limang minuto ng 4th Quarter dahil sa kanyang pagtatalon-talon na parang baklang dinaya ng boypren! Si Queenito Henson pa nga sinisi niya yung Greek referee! That Greek referee!

Sa 2007 FIBA Qualifiers nakita natin ang pag-angat ng mga bansa sa Gitnang Silangan na noon ay nilalampaso natin. Ang istilo ni Chot Reyes at kahit sinong coach na kunin kagaya ni Yeng Guiao ay hindi na umuubra. Kailangan talaga ng basketball program na dapat ay sinimulan natin noon pa. Natuwa naman ang marami at dininggin ng SBP o Samahang Basketball ng Pilipinas ang dasal ng napakaraming basketball fantards sa bansa at naglatag ng kanilang long term program.

Una, kinuha si Rajko Toroman para maging coach ng Team Pilipinas. Kailangan baguhin ang istilo ng laro kaya nararapat na may foreign coach na magtuturo sa atin nito dahil aminado na ang SBP na walang kwenta ang mga local coaches.

Pangalawa, pinagtipon-tipon ang mga magagaling na batang players mula sa amateur ranks na magsasama sa mahabang panahon para mag representa sa Pilipinas sa larangan ng basketball. Hindi muna mag aapply sa PBA draft para may pool ng players na laging available pagkailangan na gamay ang larong pang international.

Pangatlo, mag naturalize ng 7 footer para punan ang position na wala tayo. Maiigsi ang biyas ng mga Pinoy kaya kailangan magbayad ng Americano na 7 footer kasi marami naman sila niyan.

Lahat ng iyan ay nagbubunga na, pipitasin na lang pero biglang umepal na naman si Chot Reyes. Pinatalsik si Toroman para si Chot Reyes ang aani sa lahat ng pinaghirapan ni Toroman. Balik na naman tayo sa dati na bara-bara dribble drive. Mas masaklap pa ay mga hindi marunong mag depensa. Nahilo sila sa sobrang bilis magpasahan ng bola ang kalaban! 

Nakalaban ng Pinas ang Australia sa isang qualifying tournament at dahil sa sobrang frustrated ang mga Pinoy na tinatambakan na ay nauwi sa suntukan. Ang mga kinuhang players ni Chot ay mga paborito niya na kagaya nila Pogoy at Abueva na mga undersized at ineffective na players na walang ibang alam na gawin kung hindi manggulo. Ayun si Pogoy naniko ng 6'10 na player at ginantihan siya ng isang malakas na siko nadurog lahat ng tigyawat niya at plakda siya sa sahig. Nauwi sa isang nakakahiyang rambulan at muntik pa ma-ban ang Pilipinas. Ang catalyst ng gulo ay si Chot Reyes na nahuli sa camera na inuutusan mga players niya na "put their ass on the floor." Ayun literal nga si Pogoy dinikit yung tumbong niya sa sahig sa isang nakakahiya at super diyahe na eksena. 

Pinalitan na naman ng SBP si Reyes at akala natin ay hindi na natin makikita ang nakakabwisit na kapalpakan niya. Pasok si Tab Baldwin na matagal na pinapanalangin ng mga Pilipino para baguhin ang kapalaran ng ating basketball team pero napakalaki talaga ng titi ng guardian angel ni Banchot at balik na naman siya. Pinatalsik si Tab at ang naging resulta ay silver medal sa SEA Games! Sa SEA Games na trono natin. Natalo tayo ni Rajko Toroman at ng Indonesia na hindi mahilig sa basketball! Itong SBP talaga naniniwala na ako na sila ang Samahan ng mga Bobo sa Pilipinas!

At yan po ang talambuhay ni Banchot Reyes. Ang pinakamasaklap diyan ay hindi pa diyan nagtatapos ang kaniyang talambuhay. Ito ay kasalukuyang sinusulat pa. Naka-line up din ang kaniyang anak para sa habang buhay na pang-eepal sa basketball natin. Saklap talaga.

Monday, August 12, 2013

Huwag Na Tayong Maglokohan

Ang basketball ay laro ng mga matatangkad. Height is might. Tanongin niyo kahit sinong coach. Si Tim Cone nga noon sabi niya sa media kung bakit niya kinuha si EJ Feihl para sa 1998 Centennial team - "You can't teach height." Banban si EJ Feihl. Mabagal kumilos, walang IQ, walang boxing out. Pero naniniwala siya na maituturo naman ang mga bagay na yun. Pero hindi mo matuturuan ang isang tao na tumangkad. Kahit itali mo yung titi niya sa poste, tapos hilahin mo, hindi pa rin tatangkad yan. Titigas lang ang titi niya kung may dumaang chicks. Kagaya ng nangyari noong inter-barangay. Nasa foul line yung kalaban namin na kilalang manyakol sa lugar namin. Sa likod ng goal, may sari-sari store. At habang nasa foul line siya may dumaang chicks na naka miniskirt at ohh lala ang ganda. Bumili siya sa tindahan ng kendi, at habang titira na yung manyakol sumigaw ako ng "Uy, tsiks! Tsiks!" Kaya gumaya mga tao sigawan din ng tsiks para madistract yung player na titira ng free throws. Nagmintis siya. Pagbaba niya nakabaluktot na siya kasi yung titi niya biglang tumigas. Titi lang ang kayang pahabain sa Pinoy.

Ito mangyayari sa atin sa FIBA World Cup.
Kung hindi importante ang height, bakit pa tayo nag arkila ng mersenaryo kagaya ni Marcus Douthit? Kung wala si Douthit, hindi tayo makakalabas sa grupo natin ng buhay. Kung nakapaglaro lang si Douthit laban sa Iran hindi sana tayo nagkaproblema kay Haddadi sa ilalim. At may option sana ang play natin para makatira tayo ng maluwag sa labas. Sobrang dali ng panalo ng Iran. Ibigay kay Haddadi ang bola sa ilalim, itataas niya lang yung mahabang braso niya tapos isusubo ang bola sa ring. Pinaglaruan nila tayo. Sa depensa naman alam nila na punong puno ng mga shooter ang Pinas kaya tinao nila ang shooters natin at hinayaang sumalaksak sa ilalim sila Alapag, Tenorio at Castro. Ididistract lang sila ni Haddadi. Nakatikim din ng mga butata ang mga gwardiya natin lalo na si Catro. Height is might kasi. Wag na ipagpilitan.

Ang unang assignment ni Toroman, na dating national team coach, ay maghanap ng American import na pupunan ang position na kulang na kulang ang Pilipinas. No brainer ito. Ito ang center position. Hindi magiging competitive ang Pilipinas kung aasa lang tayo sa 6'7 na gaya ni Thoss. Si Asi Taulava ilang beses nang pinilit na maglaro para sa team tuwing lalahok tayo sa international tournament. Ang mga point guards natin parang kabuti sa dami, pero ang matangkad at magaling na center ay mahirap hanapin. Para kang naghanap ng tisay na tindera sa palengke.

Pukingina kang gago ka kung ipagpipilitan mo na puso ang kailangan, hindi height. Gonggong kang ugok ka, isa kang bobong walang pinagaralan. Mahina ang utak  mo at ikaw ay inutil kaya naghihirap ka ngayon sa buhay putangina ka. Oo, nakaabot sa finals ang Pinas. Oo, natalo ako sa pustahan. Pero tingnan natin ang mga variables kung bakit successful ang campaign ng Pinas. Isisimplify ko ito para sa mga bagong customers natin dito na mga taga squatters area. Gagawin kong point form para madaling intindihin at basahin ng mga tamad at bobong gonggong na mga kababayan natin.


  • Host kasi tayo - Huwag na tayong maglokohan. Dahil tayo ang host, tayo ang pumili ng grupo sa first round. 
  • China, Iran at Korea sa iisang grupo - Kababalaghan? Huwag na tayong maglokohan. Siguradong may anomalyang nangyari sa bunutan. Pinagsama ang tatlong powerhouse na yan para magkaroon sila ng mga talo.
  • Marcus Douthit - Tulad ng nasabi ko sa taas, kung wala si Douthit siguradong nahirapan tayo sa KSA, Qatar at Jordan. Hindi lang nahirapan... malamang natalo pa. At siguradong hindi na tayo umabot sa semis para makaharap ang South Korea. 
  • Home town decisions - Huwag na kayong magkunwari. May mga tawag ang referees na pabor sa atin. Ito ang tinatawag na hometown decisions. Hindi ito daya, pero ang bawat tawag ng referee ay papabor talaga sa atin dahil bahay natin ito eh. Psychological yan.
  • Parang may anomalya talaga - Hindi ba kayo nagtataka na ang Group A kung saan ang Pinas ay puro mga banban? Sa Group B Japan lang din ang pinakamahirap. Parang nakadesign lahat yan para magkaroon ng "easy path" ang Pilipinas papuntang finals. Kung ang China napunta sa Group D eh di sana nasweep nila yun, dumami pa ang panalo nila at mas gumanda sana ang placing nila. Yan ang iniiwasan ng Pinas. Mautak ang nakaisip na pagsama-samahin ang powerhouse teams sa iisang grupo.
  • Mandurugas talaga mga Pinoy - Ang daming anomalya talaga. Parang empty victory tuloy ito. Proud na sana ako kaso the more na mag imbestiga ako, the more na may nakikita akong kaduda-duda. Nandugas nga ba tayo?
  • Walang Lebanon - Isa sa mga tormentors ng Pilipinas sa mga nakaraang edition ng FIBA Asia ay ang Lebanon. Gifted sila ng mga matatangkad na players na malalaki ang katawan. May isang NBA player sila at maraming mga Americans of Lebanese descent na magpapahirap sa Pinas. Swerte at walang Lebanon kung hindi kasama sana natin ngayon si Pong Pagong sa kangkungan.

Ang tournament na nagdaan ay gaganapin dapat sa Lebanon. Originally sila ang napiling host. Kaso na-ban ang Lebanon ng FIBA kaya nilipat sa Pilipinas. Kung ito ay natuloy lang sa Lebanon, malamang hindi na tayo nakaabot ng 3rd round. Or if makaabot man, gutay-gutay na mga katawan natin. Hindi sa binabastos ko mga players natin. Saludo ako sa kanila at napahanga ako sa pinakita nilang lakas. May will sila para manalo. Talagang pinilit nila ang manalo at makamit ang inaasam nating tagumpay.

Maski isa sa mga gagong ito hindi makadunk.
Pero wag na tayong maglokohan pa. Pang matatangkad ang laro na basketball. Nakita niyo ba hirap na hirap tayo kay Haddadi. Eh putanginang bangko yan sa NBA. Paano na kung makalaban na mga Europeans na may mga certified NBA stars? Baka gawin tayong mga bunot doon. Mamaya magalit si Lebron James pag madulas ang hudas na yan, pagdiskitahan mga Pinoy ibubuslo tayo ng gagong yan sa inidoro. Hindi ko naman sinasabi na kalimutan na ang basketball. May mga gustong magbasketball, ok fine. May liga tayo sige laro lang sa PBA. Pero huwag naman sumobra na kalimutan na ang ibang sports. May football, swimming, tennis, track and field at gymnastics din. Binibigay din nila ang puso nila para bigyan ng parangal ang Pilipinas. Alisin ang mentalidad na "matalo sa lahat wag lang sa basketball." Dahil sa tontong basketball na yan hindi makahanap ng pondo ang ibang NSA sa atin. Tingnan niyo contingent natin sa darating na SEA games sobrang konti. Daig pa tayo ng Laos at Cambodia na maraming atleta ipapadala. Tayo hamak naman na mas maunlad sa mga gunggong na yan mas madami pa members ng basketball team natin sa buong contingent. Dahil sa basketball.

At pagdating sa FIBA World Cup aasahan na mananalo doon at marereplicate ang tagumpay? China at Iran ay mga clowns sa FIBA World, Pinas pa kaya? Huwag na tayong maglokohan pa!



Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...