Posts

Showing posts with the label Filipino NBA draft

PBA May Taning Na! At Charles Barkley Inalipusta Ang Pinoy Basketball!

Image
Kawawang PBA may taning na. Ilang mabahong hinga na lang at magtatapos na ang kasaysayan ng mga ulol.  At bakit naman ganyan si Charles Barkley sobra naman kung mang-alipusta! May punto ba siya? Sama-sama tayo mga enlightened ones!  https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2432667 Malapit nang maglaho kagaya ng mga dinosaur ang PBA na matagal nang naghihingalo at humihinga na lang sa tulong ng life support na bigay ng mga siraulong kumpanya na nagpapatakbo ng liga na ito. Nauna na si Uytengsu at ang Alaska na bumitaw, walang takers ang Alaska dahil wala nang ibang may sira ang ulo na gustong sumakay sa palubog na bapor. Isipin niyo yan, Alaska na isa sa mga legendary teams sa PBA at isa sa mga nakamit ang pambihirang Grandslam, ay bumitaw na. Bakit ka sasakay sa palubog na bapor? Bakit ka tatakbo sa loob ng bahay na nasusunog? Palubog ang bapor, maghahanap ka ng salbabida. Nasusunog ang bahay, ikaw ay tatakbo sa labas ay ililigtas ang iyong sarili. Ganon lang kasimple. Ang PBA ang bul