Leadership Philosophy Ni Chot Reyes Ay Walang Kalatoy-Latoy
Last two minutes na. Sabi ko na nga ba eh. Kagaya ng maraming mga kababayan natin na nagmamando sa atin itong si Reyes ay kagaya nila na puro kayabangan lang. Ang requirement ba sa atin para maturingang leader ay maging mayabang lang? Dapat nating itaas ang standards para naman umunlad tayo. Ayon kay Banchot, hindi daw naaayon sa Pilipino ang Euro style dahil nababagay lang daw ito para sa mga matatangkad at wala nang panahon para yan ay pag-aralan natin. "You can't out-Euro the Euros", sabi ng magaling na coach. Talagang megamind. Diyan makikita na kung anong klaseng leader si Banchot. Ito yung tipikal na leader sa Pilipinas. Yung malakas lang ang boses at malakas ang loob na magmando at mag-utos. Yung mayabang na pag kinontra mo eh pepersonalin ka at aambahan ka na parang susuntukin ka. "Sino ka para kwestyonin ang aking God-given at divine right para magpatakbo dito? Ikaw ay susunod sa aking mga utos dahil ako ang amo niyo!" Ganyan sa atin, ang leadership a