Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Combo on the run

Eraserheads: A Band of Co-Workers

Kung napanood niyo yung Netflix documentary na Eraserheads: Combo on the Run at ikaw ay isang tao na nag-iisip at hindi utak tulya, makikita mo na isa itong sanitized at mabilisang press release na nagkukunwaring rock documentary. Ang director ay isang band insider at dating manager na si Maria Diane Ventura, na ginawang gatasan ang banda para may madagdag sa kaniyang maikling resume bilang director/filmmaker.  Para sa isang banda na binago ang Pinoy Rock noong decada nobenta at nagbigay daan sa alternative Pinoy Rock na nakikita natin ngayon, maraming kulang sa docu para ipaliwanag ang kahalagahan ng Eraserheads. Walang analysis ng OMP scene bago 1993. Halos burahin ang contexto kung gaano ka-radical ang Eraserheads at kung paano nito nahulma ang buong musical landscape natin. Isa pa, iniwasan ng documentary na silipin man lang ang mga foundational influences ng songwriting lalo na sa malalim ng musical influences ng frontman na si Ely Buendia. Insider man ang director na naging a...