https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/3137554
At malapit na ang 2026 World Cup. Matagal nating hinintay mula nang marinig natin ang huling pito noong 2022 sa Qatar kung saan ang Argentina ang natanghal na kampeon. Ngayon, magkakaroon na naman ng panibagong kampeon. Ang World Cup hosting ay hinati ng tatlong bansa - USA, Mexico at Canada. Buhay na naman tayo pero ang Pilipinas, kagaya ng inaasahan ay wala na namang pake.
May nakaraang friendly nga pala ang Philippines National Football Team kung saan tinalo natin ang Guam sa score ng 5-1. Pinadala natin napakalakas na line-up para talunin mga langam sa football. Ito sana ang pagkakataon na mabigyan natin ng exposure ang mga back up, reserves at developmental squad nang sa ganon ay mabigyan sila ng exposure at maihanda sila para sa future tournaments. Walang mapapala ang mga players na katulad nila Rublico at Leopold dito. Ma-expose pa sila sa risk na hindi naman kailangan. Ngayon pag hindi available sila Rublico o Leopold, wala kang maisasalang na hinanda mo nang mga nakaraang friendlies.
Kung ang isabak natin ay selection ng PFL standouts using their best attackers from Kaya, Stallion, Dynamic Herb etc. Mabibigyan ang local defenders ng international exposure at ang goalkeepers mabigyan ng experience by being part of the rotation. Midfielders na hinulma around PFL chemistry. Ang tournament ay makakatulong din para sa PFL nang makilala ng husto mga players dito. Gaganahan pa mga players dahil may incentive na pag mahusay ang ipapakita nila.
Tanging Guam lamang ang nag benefit sa friendlies na ito dahil nakaharap nila mas malakas na koponan. Sa ganitong experience malalaman nila ang weakness ng team nila. Naka score pa sila ng isang goal. Nakatulong yan sa compiansa nila at yan ang totoong developmental value.
Ang Pilipinas as usual ay walang natutunan, napagastos pa at namiss pagkakataon na bigyan ng chansa na mag improve ang ibang players na naglalaro sa PFL.
Anyway, World Cup 2026 ay parating na. At walang pake ang Pilipinas.

Comments
Post a Comment