Bakit Mas Maganda Ang DC Kumpara Sa Marvel?

 


Bakit mas maganda ang DC sa Marvel? Kasi ang Marvel pang bobo lang. Para sa mga ilustrado and DC mas mahusay talaga pagdating sa lalim ng storya, bigat ng tema at mga mytholihiya. Hindi siyempre ito papatok sa mga Pinoy na ang alam lang ay kababawan kaya hanggang Marvel lang sila. 

Akala mo si Superman ay simpleng alien lang na napadpad sa planeta natin? At dahil sa kakaibang genetics niya ay nagkaroon siya ng kapangyarihan na dulot sa kaniya ng araw? Siya ay maihahambing sa sun god at may complex na storya. Ang problema lang kasi sa pelikula, puro reboot ang nakikita natin. Walang kamatayan na origin story lang - dumating si Superman mula Krypton noon sanggol pa siya, lumaki sa Kansas at naging reporter sa Daily Planet at naging kaaway na mortal si Lex Luthor. Puro reboot. Hindi na nag move on para bigyan tayo ng bagong storya at mag-introduce ng mga bagong supervillains kagaya ni Braniac.

Ang mythic type ni Superman ay isang sun god or messianic figure. Tagapagligtas. Yan ang core heroes ng DC ay mga modern myths. Ang bawat isa ay nagrerepresenta ng isang archetype at moral struggle na may importante o symbolic na role sa buhay natin. Kagaya na nga ni Superman na maikukumpara sa sun god. Siya ay tagapagligtas nating lahat. Diyos na rin na pinili maging tao. Parang si Moses at Jesus na pinagsama. Galing sa langit, namumuhay kasama ng tao na may tinatagong kapangyarihan. 

Si Batman naman ay mortal na sinaway ang mga diyos. Protector natin na nagtatago sa dilim. Parang ganon. Ang symbolism niya ay si Hades. 

Si Wonder Woman ay isang warrior goddess na may roots sa Greek mythology. Divine siya pero tao pa rin at kahit matapang siya ay mapag-alaga. Kumbaga ang pinakamalakas na kapangyarihan niya ay compassion. 

Kung ikumpara sa Marvel, kasi ang heroes ng Marvel ay mga flawed humans. Mas grounded sila. Mga tao na may mabibigat na responsibilidad, may mga sikreto at kamalian na nagawa na nabasbasan ng kapangyarihan. Kagaya nila Spiderman diba ay mythic role niya ay teenager na sa ayaw at sa gusto niya at nabiyayaan ng kapangyarihan. Kaya ang tema sa pelicula niya ay "with great power comes great responsibility." Isang bagay na hindi nauunawaan ng mga dynasty sa Pilipinas pero ibang usapan yan.

Ang Green Lantern naman ay isang missed opportunity para sa Warner Bros. Ang dami nilang material na pagkukunan para mag produce ng napakaraming pelikula at TV series. Complicado lang nga kung ikaw ang showrunner dahil kailangan nito ng world building at bumuo ng cosmic mythology. Ito ang version ng DC ng Star Wars. Massive potential ang sinasayang ng Warner.

Problema kasi sa Warner ay gusto nilang gayahin ang Disney (Marvel). Ang Marvel kasi mas simple at ang mga pelicula nila ay mga comedies. Kaya daming mga one liners. Kung ayaw niyo sa Justice League at Superman dahil naghahanap kayo ng mala-Avengers at Ironman, yan ay dahil ang tema ng DC mula noon pa man ay mas seryoso at mas mabigat. Gods among men ang tema niyan. Complications ng pamumuhay nila sa mundong ito at may taglay silang kapangyarihan. Kaya nga si Luther ang babala niya sa tao ay sino pipigil kay Superman kung bigla siyang tumalikod at piliing gawin tayong alipin?

Pero hindi na kailangan gayahin ng Warner (DC) ang ginagawa ng Disney sa Marvel. Noon pa naman ay dark at heavy na ang tema nila - tingnan niyo Batman. Lahat ng Batman na nakita natin na talagang naging endearing sa atin ay Batman ni Keaton at Bale. Noong gawin nilang mas lighthearted ang Batman kagaya ng kila Clooney at Kilmer diba hindi siya ganoon kaganda? Kaya kailangan ng Warner akapin ang strength ng materials ng DC. Madilim at mabigat talaga ang DC.

Ngayon na nasusuya na ang mga tao sa Superhero movies, dahil sa pinipilit na politics ng Disney at woke agenda nila, ito na pagkakataon ng Warner na buhayin yan. Oo, suyang-suya na ang mga tao sa Superhero movie pero yun ay dahil sa woke agenda at politica. Mag presenta sila mula sa original source ng DC na walang woke shit, siguradong tatangkilikin sila dahil walang kamatayan ang mythology.


Paguusapan din natin yan dito para mas mahaba-haba at may music pa sa ating Indios Bravos radio. 

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2991453 - The legacy heroes. 
https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2992008 - Lanterns.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tibo - May titi ba kayo?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?