Sara Duterte - Napaaga Ang Anuncio Ng Pagtakbo Para Sa 2028 Elections
Pakinggan din ang ating podcast - https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/3039235
Dahil sa pressure at pagtanggap na wala nang pag-asang makalaya ang kanilang ama, ito na si Sara Duterte nag anuncio na ng kaniyang intensyon na tumakbo sa pagka-presidente sa 2028.
Sa history ng bansa natin, wala pang candidato na unang nagdeclara ng kanilang intensyon na tumakbo ang nanalo sa pagka-presidente. Dahil ang maagang tumatakbo ay hindi umaabot sa homestretch ang kanilang budget. Mas napapagastos pa sila para sa PR at damage control dahil sila ang unang inaatake ng mga magiging karibal nila. Pag nasira na ang kanilang imahe, nahihirapan na makakuha ng donasyon at iniiwanan ng mga sponsor.
Pero si Sara ay walang choice. Kaaway niya ang administrasyon, kaaway niya ang mga makakaliwa, nakadetain sa The Hague ang tatay niya. Habang wala si father dearest, humina ang kanilang pwersa. Muntik pa nga mawala ang Davo sa control nila, kung hindi lang tumakbong mayor ulit si Digong, baka napunta na yan sa bagong dynasty. Ang makakasalba sa kanila, ay manalong presidente si Sara Duterte. Siya na lang ang best bet nila dahil marami na siyang naipuhunan diyan.
Asahan natin na makakita ng mga political realignments at factional shifts. Maraming balimbing sa senado at congreso. Ang talagang atencion ni Duterte ay sa congreso — pigilan ang pagakyat ng impeachment sa senado.
Kawawang taong-bayan din pag manalo itong siraulo dahil wala namang plano yan para sa bansa. Hindi yan systems thinking, hindi yan institutional architect. Politica lang ang alam ng mga Duterte. At tayong mga Pilipino, dalawang archetypes lang tinitingnan natin tuwing election. Good vs Bad. Masama at mabuti. Moral laban sa imoral.
Ang mga campaign messages ay puro personal stories ng candidato. Ang mga karibal ay pagatake ng personal at political. Batuhan ng putik, labasan ng baho. Dahil walang institutional awareness ang mga tao, illiterate pagdating sa usapang systems or structures at policy ay parang mga bakyang gago na nagaaway-away at nagtatanggol sa kani-kanilang manok. Sa bandang huli, sino man ang manalo ay iisa ang resulta — nganga, tanga, banban, baha, patay, hirap, palpak at burat.
Mahirap talaga maghanap ng mabuting candidato kung ang tinitingnan natin ay moralidad. Unpredictable yan. Hindi natin lubusang nakikilala ang tao. Mabait man ang isa, maaari pa rin ma-manipulate ng mga nakapaligid sa kanila. Nakita niyo na yan nangyari kay Cory, kinontrol ng mga kamaganak niya ang gobierno. Kay BBM na conflict averse ay pinagsasamantalahan pa rin ng mga taong inaasahan niya. Ganiyan din mangyayari kay Leni.
Kailangan natin matutong kumilatis. Hindi sa pagkilatis sa kaugalian ng isang tao. Lagi tayong nagkakamali pagdating sa kaugalian dahil yan ay nagbabago. Kagaya ng siyota mo, kapitbahay mo, kababata mo, pinsan mo at sarili mo. Dahil ang personality traits o mga kaugalian ay unstable at magbabago depende sa mga naging karanasan at mga bagong natutunan. Magbabago din depende sa stress at pag may kinakaharap na crisis. Kaya ang bansa natin nagrereset kada 6 na taon kung ang criteria natin ay honest, mabait, may malasakit. Walang kwenta yan!
Ang mga institution ay stable variables yan. Hindi yan magagalit at hindi nagiging emotional. Hindi yan magmamaktol at magwawala dahil may PMS. Ang institusyon ay gumagawa ng patakaran. Yan ang importante. Hindi mo na kailangan ng strong man. Kailangan natin ay mas malakas na institution. At yan ang dapat na hinahanap natin sa mga kakandidato.
Dapat tinatanong natin sa mga candidato ay:
- "Paano mo babaguhin ang sistema ng educasion?"
- "Paano mo bubuhayin ang industriya?"
- "Paano mo pipigilan ang pagbaha?"
- "Paano mo matutulungan ang mga magsasaka at mangingisda?"
Dahil ang mga institusyon natin ang mahina, asahan na natin na reset na naman tayo sa 2028. Walang magbabago Hindi rin malayong mangyari na ang administrasyon ay maparalyse ngayon at maagang mag election mode. Kikilos ang administrasyon para pigilan ang momemtum ng Sara presidency. Dahil ticking time-bomb yan. Pag 2028 at nakatayo pa rin yan, maghanda ka na BBM dahil mas masahol pa sa EDSA ang mangyayari sa inyo.
Comments
Post a Comment