Ito kasing Side A at yung dating frontman nila na si Joey Generoso ay nagaaway dahil sa catalogue nila. Alam niyo naman an si Joey G ay humiwalay sa Side A at gumi-gig sa mga corporate events. Ganon din ang Side A na iisa ang target market ng dalawang ito at ito ay mga corporate events ano pa. Ngayon itong Side A na-eetsepwera dahil ang nakakakuha ng gigs ay si Joey G. Siya kasi lead vocals at ang nostalgia ay dala-dala niya. Isa pa mas mura kung bayaran lang ang talent fee ni Joey G at hindi yung buong banda. Ayan tuloy ang Side A naiwan sa bangketa hindi makahanap ng raket. Kaya may cease and desist order kay Joey G na huwag kantahin mga kanta ng Side A. Ngayon pareho silang walang trabaho.
Ang Side A band kasi ay nagsimulang Show Band. At Show Band talaga sila kahit nagkaroon na ng mga records. Diba ang galing nila mag cover? Show Band eh. Ang kawawang si Joey G naman ay hindi songwriter, siya talaga ay interpreter lamang. Pero dahil may boses siya at siya ang naaalala ng tao pag naririnig mga kilalang kanta nila kaya siya ang gusto makita ng mga tao at wala sila pakialam sa Side A. Para sa madla, si Joey G ang Side A. Kahit ang backing band niya ay Side B.
Liit kasi ng eksena sa Pilipinas. Mas lalong lumiliit dahil sa padrino system. Pakinggan natin dito. Pagkatapos niyo makinig sa kwento ko, sigurado mapapaisip kayo.

Comments
Post a Comment