Posts

PNP Dapat Dakipin Na Lahat Ng Miembro Ng Kultong KOJC Para Magsailalim Sa Psycho Evaluation At Rehabilitacion!

Image
  May podcast dito -  https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2533495 Nagkagulo na naman sa kuta ng KOJC nitong 24 ng Agosto 2024 nang magsagawa ang PNP ng operasion para dakipin ang fuganteng pinuno ng kulto ng KOJC sa Davao. Maraming miembro ng nasabing kulto ang humarang at naging sagabal para magampanan ng PNP ang kanilang trabaho. Talagang nilalagay nila ang sarili nila sa panganib para ipagtanggol at protektahan ang isang bulaang propeta na manyakis at wanted dahil sa maraming reklamo ng panggagahasa at human trafficking! Kahit menor de edad ay hindi pinapalampas ng demonio na ito! Ngayon itong campo ni Digong ay nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa bagya na ito. Isang napakalaking kagaguhan na mababasa niyo diyan sa ibaba. Sa sinabing pahayag, ang mga Duterte ay pumoposicion sa panig ni Apollo Quiboloy, ang bulaang propeta na rapist. Kinondena din ng dating pangulong Duterte ang ginagawang operasyon ng PNP sa compound ng KOJC at tinawag itong marahas!  Tama an...

Drug Trader Pala Si Digong-Niyo. Isang Malaking Sham Ang Kaniyang Drug War At Dapat Silang Managot!

Image
  https://indiosbravos.mixlr.com/events/3635747

Oras Na Para Patalsikin Sa Pwesto Ang Lutang Na VP Duterte

Image
  https://indiosbravos.mixlr.com/events/3616239 Lalong lumiliit ang mundo ng mga Duterte. Pagbalik ng VP Sarah Duterte mula sa Alemania kung saan nanood siya ng concert ni Taylor Swift habang ang Pilipinas ay nasalanta ng bagyo at baha, naglabas ng mensahe para sa mga Muslim na labanan ang ating pamahalaan. Claro naman na gusto niya ay magsimula ng intifada ang mga Muslim. Gagamitin niya na naman para sa kaniyang kapakanan. Ang lakas talaga makapang-himok sa mga Muslim na manggulo at magsimula ng intifada. Yan ang nakakatakot sa lahat eh. Paano kung mauto nga niya mga Muslim at muling awayin mga Christiano?  Naglabas din ng lutang-lutang na video message kung saan nagkalat siya na mismong mga supporters niya ay napa-cringe. Namamaluktot mga DDS sa kanilang kinauupuan habang pinapanood siyang pasabugin ang masabaw niyang utak. Nagdududa tuloy ang marami kung totoong abugada nga ito! Anong klase yan hindi pala "ready to fire when called upon" - isang katangian na inaasahan sa m...

May Extradition Treaty Ang Pilipinas At America. Ano Pa Hinihintay Ng Gobyerno At Hindi Pa Gumagawa Ng Hakbang Na Damputin Yung Chismosa Para Siya Ang Kauna-Unahang Chismosa Na Ipapakulong Sa Paggawa-gawa Ng Kwento?

Image
  https://indiosbravos.mixlr.com/events/3604716 Kung kailan akala natin ay titigil na ang DDS sa pag harass sa ating pangulo, ito na naman sila naglabas ng isang Cheap Pinay sa katauhan ni Cathy Binag na kanilang star witness sa pagdodroga ni PBBM. Sinali pa nila ang asawa ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos. Ayon sa ating Cheap Pinay si Liza Araneta daw ay nag alok sa kaniya ng cocaine. At ang grupo nila ay mga cocaine users. Siya ay nakapunta sa bahay ng mga Marcos dahil may relasyon sila dati ng kaibigan matalik ni BBM na si Tonyboy Floirendo na dating congresista sa Davao.  Isang kabit ang kanilang witness.  Diyan pa lang ay talo na sila. Hindi paniniwalaan ang isang kabit. Didikdikin natin yan at malalaman natin na may ibang target yan na nais niyang wasakin - si Tonyboy Floirendo. Gumaganti yung kabit dahil nakipagbalikan si Tonyboy sa tunay niyang asawa at binawi ang ibang mga property sa kanya dahil sa mata ng batas ang kanilang pagsasama ay ilegal at wala talaga...

Hindi Daw Parody Ng The Last Supper Ang Eksenang Nakita Natin Sa Paris Olympics Opening Ceremony Pero Bakit May Nimbus Yung Babaeng Napabayaan Sa Kusina?

Image
  Part 1 -  https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2510866 Part 2 -  https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2510905

Kailangan Na Ng Gobyerno Gawaan Ng Paraan Ang Baha Sa Manila. Resilient Nga Tayo Pero Hindi Natin Kailangan Mamuhay Ng Ganito.

Image
https://indiosbravos.mixlr.com/events/3584424

Kailangan Ba Talaga Ng PBA Ang 4 Point Shot Eh Sa Tres Pa Nga Lang Sablay Na?

Image
 https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2509220  (Dito pala may podcast tayo at may halong konting sorpresa kung papakinggan niyo basta makinig hanggang sa huli) Sa susunod na conference ng PBA ay maglalagay na sila ng 4-point line ayon sa League Commissioner na si Willie Marcial. Nagkasundo ang mga PBA Board of Governors sa implementasyon ng 4-point line na ito dahil naniniwala sila na makakatulong ito para lalong gawin exciting ang liga at magbalik loob ang mga tao sa PBA na nakaranas ng slump at pagkalugi. Itong 4-point line din ay inaasahan nila na maging motibasyon para ang mga manlalaro ay magsanay ng husto sa kanilang long range shooting at magiging dagdag na benefit ito para sa mga manlalaro sa PBA na nagsisilbi sa national team. Hindi pa malinaw kung saan ilalagay ang 4-point line. Dahil ang kasalukuyang 3-point line ay 22 feet mula sa basket. May balak sila na ilagay ang 4-point line sa 27 feet. Isipin niyo kung saan tumitira sila Steph Curry at Damian Lillard - y...