BBM Jr sa WPS



Muling pumihit ang Pilipinas papunta sa mga bisig ng America. Talagang epektibo ang ginagawang paghimas ng America (sa tulong na din ng International Media) kay BBM Jr at ngayon ay nagbago ng direction ang Pilipinas sa policia diyan sa WPS. Ngayon ay ginagalit na natin ang China at mas provocativo ang mga talking points ng Pilipinas na tila may sinusunod na sulsol. Sino ang sulsulero? Walang iba kung hindi ang mga tarantadong Kano. 

Dapat maging maingat ang Pilipinas sa West Philippine Sea. Naiintindihan ko na kailangan natin manindigan at ipaglaban ang karapatan natin sa WPS dahil yan ang pinagkukuhanan natin ng kabuhayan. Pero may mas magandang paraan para maiwasan ang gulo at di pagkakaunawaan. Alam naman natin na kupalin ang China. Natural, communista ang gobierno nila at sa ilalim ng communistang rehimen, isa sa mga tipo ng pinuno na makikita ay mga strongmen. Kaya ang mga messaging ng mga gagong yan sa publico ay pagpapakita ng katapangan. Natural lang na magpapantig ang tenga natin sa mga statements na ilalabas nila sa publico. Ang aasahan natin sa isang leader ay pagpapakita ng composure sa publico. Importante dito ang pagiging skilled communicator. Iwasan ang mga pagpapalitan ng mga maaangahang na salita, kahit itago ito sa biro at mga pahapyaw na mga salita.

Kung matatandaan niyo noong 1960s, Pilipinas ang nauna sa mga nangamkam at nagtayo ng mga infrastraktura sa mga isla sa Spratly's. Ginawa natin yan kahit na alam nating may ibang mga claimants diyan - China, Vietnam, Taiwan, Malaysia, Singapore at Indonesia. Ginawa natin yan kasi malakas pa ang Pilipinas noon at kasama natin ang mga Americano. Ang yayabang natin diyan. Kupalin din tayo. Ganon talaga kapag lumalakas ang bansa mo, yumayabang at nagiging kupalin. Kasama pa natin ang America na isa sa mga nagsusulsol sa atin diyan na mag angkin nang mag angkin. Dalawang kupal tayo ng America eh kaya ang lakas ng loob natin. 

Pinalayas naman ang America noong 1992 at unti-unting lumalakas ang China. At habang lumalakas ang China na nagdedevelop ng sarili nilang mga kagamitan kagaya ng barco at eroplano tayo naman ay mabilis na naghihirap. Ang lakas ng acceleration ng pagbagsak natin parang buris na hindi na mapigilan ng matabang babae na mahilig mag mukbang ayun inabot sa jeep bumulusok at sumabog yung tae niya. Ganon kabilis pagbagsak natin at nawalan tayo ng kakayahan na bantayan ang ating mga teritoryo. Isama mo pa ang pagiging pabaya mula kay Cory, Ramos, Erap at GMA wala talagang ginawa para i-address ang issue. Ang nagawa lang ni Erap ay iparada ang BRP Sierra Madre, talagang pinasadsad yan ni Erap noong 1999 para gawing outpost doon. At inaassign doon mga pasaway na sundalo bilang kaparusahan. Pero ni isa sa mga gagong yan ay walang ginawang paraan para i-modernize ang airforce, navy at army. 

Kay GMA naman, isa pa na walang kwenta yan kasi economia lang ang pinagtutuunan ng pansin niyan pero walang pake sa defense. May isa ngang sundalo may blueprint ng attack helicopter pero hindi pinansin at sa frustration niya hinostage niya yung Manila Control Tower kasi naging desperado na at nahaluan pa ng pagka-bang-aw ayun tinodas ng SWAT. Nasayang ang talento. Sobrang corrupt pa ni GMA nakipag-deal sa China para mag explore sa WPS para doon sa NBN-ZTE Scandal na yan. Nagkapirmahan sila diyan at dahil diyan nabigyan ng lisensya ang China na pumasok sa teritoryo na yan. At habang nagkakagulo tayo sa Senado sa kaliwa't kanang Senate Investigations, eh busy ang China na mag set doon at isang araw wala na yung ibang teritoryo natin. Nganga na lang.

Punta ngayon tayo kay Abnoy Aquino sumaimpierno nawa. Kahit abnoy yun ha, in fairness may magandang ginawa sa pag modernize ng ating sandatahan lakas. May mga FA-50s na tayo kung di ako nagkakamali may isang dosena na na-acquire mula sa South Korea. May mga 32 Black Hawk helicopters at ilang frigates na nabili din. Noong panahon din ni Abnoy dumating yung BRP Gregorio Del Pilar at mamaya ikukwento ko kapalpakan na ginawa natin involving yang bapor na yan.

Ngayon, kahit anong ginawa ni Abnoy na hakbang para magkaroon ng bagong mga kagamitan ang sandatahan natin, may ginawa siyang malaking kapalpakan na tinatawag na Scarborough Shoal standoff. Nangyari ito noong 2012. 

Matapos mag-ikot ang surveillance plane ng Philippine Navy, nakita nila na may mga Chinese fishing vessels sa Scarborough Shoal na teritoryo natin. Pinadala ng Pilipinas ang BRP Gregorio Del Pilar at inakyat ng Navy ang mga fishing vessels na ito at natuklasan na may mga hinakot sila na giant claims, corals at mga pating. Aarestohin na dapat ang mga illegal fishermen na ito nang biglang dumating ang China Marine Surveillance 75 at 84. Nagpadala pa ng isang barco de guerra ang Pilipinas at sumagot naman ang China sa pagpapadala ng maraming barco de guerra. Ngayon, hindi makaalis ang mga barco natin dahil pag nangyari yan ay maaagaw nila sa atin ang Scarborough Shoal. 

Tuloy-tuloy ang negosasyon. Nakisali pa si Obama. Nagkasundo sila na sabay-sabay silang aalis doon para wala nang away. Naniwala si Abnoynoy at umalis na mga barco natin. Hindi umalis ang China. Pumalpak si Abnoy.

Dapat kasi ang pinadala natin para arestohin mga illegal fishermen ng China ay ang coast guard natin na wala tayo. Dapat din may Marine Surveillance ships din tayo or similar na aasikaso sa mga issues at pangangailangan ng mga mangingisda natin pero siyempre, wala rin tayo non. Kahit research vessel wala. Ang pinadala natin ay barco na pang gera at yang move na yan ay maituturing na act of war. Kaya nagpadala China ng Navy nila na mas marami, moderno at mas malakas sa atin. Kung may isang magkamali lang doon, lulubog ang nag iisang bagong barco natin na pinaglumaan na ng America.

Nagpakita ng isang malaking kabobohan si Abnoy doon kaya nawala ang Scarborough Shoal sa atin. 

Dumating naman si Duterte at naayos yung issue natin sa China at Scarborough Shoal. Pinayagan na ulit tayong mangisda sa sariling teritoryo natin ng China na bagong may-ari na kumokontrol sa Scarborough Shoal. Ang alat pala ng luha.

Marami tayong matututunan sa foreign policy ni Duterte. Tama siya na dapat ayusin natin ang relasyon natin sa China dahil bukod sa superpower na sila, sila rin ay malapit sa atin. Kung may utak ka, hindi ka maghahanap ng gulo sa bansang malapit sa iyo. Lalo na may kakayahan sila magpadala ng nukes para mabura na tayo sa mapa.

May mga ka-engotan din si Duterte dahil hindi rin siya marunong magbalanse. Puede ka maging palakaibigan sa China pero dapat magpakita ka rin ng respeto sa sarili at iwasan ang mga salitang "Gawin niyo na kaming probinsya, China" dahil lahat ng mga kiss ass moves niya ay hindi nagresulta sa mga high value investments. Ang nakita ko lang ay Pogo na illegal na activity sa China at bagay na kinaiinisan nila sa atin ang pag-accomodate sa mga Pogo nila. Mataas din ang trade deficit natin, mas madami tayong export kesa sa import at magandang bagay yan para sa local produce pero importante pa rin na may high value investments. Puro pledges lang na wala namang natupad kagaya ng Mindanao Rail.

Diyan dapat matuto si BBM Jr. Iwasan ang gulo at huwag magpapauto sa America na gusto lang nila magkagulo tayo at gawin tayong punching bag. Ano gagawin nila sasaklolo sila sa atin? Hindi mangyayari yan. Tingnan niyo nangyari sa Ukraine. Sasaklolo lang ang America sa Taiwan dahil may mataas value ng Taiwan sa atin. Doon galing mga microchips na ginagamit para sa mga smartphones at laptops. Ano sa atin? Abacca? Wala tayong value diyan. At matuto siya sa nangyari sa tatay niya kung paano siya trinaydor ng America. 

Kaya dapat matuto si BBM nag magkaroon ng mahusay na foreign policy. Friends to all, enemies to none. Hindi dapat ipagtabuyan ang China at Russia. At hayaan magsumamo ang America. Kasi kahit anong gawin niya, mabango siya ngayon pero pagkatapos ng kaniyang termino ay magbabalik sa default settings ang America at foreign media. Siya ulit ang "Son of the late dictator" at muling aalingawngaw ang "Never Again" na slogan ng mga taga UP.


Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?