Pilipinas ang Original Bully sa South China Sea




Walang duda na ang China ay bully. Ginagamit ng China ang lakas ng kanilang navy at ang higanteng economia nila. Wala na tayong laban dahil talagang kulelat ang ating mga lumulatang na lata. Pinabayaan talaga ni Cory Aquino at lahat ng mga sumunod na presidente natin. Kahit isigaw pa natin na naging panalo tayo sa Court of Arbitration, wala naman tayong magagawa dahil mahina ang ating NAVY compara sa China.

Bully nga ang China, yan ang totoo. Pero alam niyo ba na ang Pilipinas ang unang bully sa region natin? Kailangan balikan natin ang naging ugali ng Pilipinas pagkatapos ng WW2. Tayo ang original bully sa South China Sea. Ang lahat ng kakupalan na ginagawa ng China ngayon sa South China Sea, ay una na nating ginawa pagkatapos ng WW2. Ang yayabang talaga natin noon dahil katabi natin si Uncle Sam. Pilipinas at America ang original kupal. Oo, bully ang Pilipinas noon at yan ang totoo!

Sino unang nang-angkin ng isla sa Spratlys Islands at nagtayo ng infrastructures diyan? Pilipinas. May mga claimants na noon kagaya ng Vietnam, Taiwan at Indonesia pero kahit na disputed yung islands gumawa pa rin tayo ng infrastructures diyan. Nainis siempre ang ibang bansa lalo na mga claimants pero may nagawa ba sila? Wala, dahil malakas pa ang Pilipinas noon at may backing ng America. Tayo talaga ang original na kupal diyan.

Ang China at ibang claimants sa Spratlys ang tumalima sa international law. Tayo, hindi natin pinapakinggan ang UNCLOS noon kasi malakas ang NAVY at Airforce natin at may backing ng America. Isa pa, gaya nga ng nasabi ko, mayabang pa tayo noon. Tayo ang unang nag militarize ng Spratlys. Tahimik lang ang China noon at ibang claimants.

Ngayon, nakatulog kasi tayo sa kangkungan at ang mga kagamitan natin na pandigma ay luma na at bulok. Napag-iwanan na tayo habang ang mga kapitbahay natin sa ating region ay lumakas na at umunlad. Hindi na natin kayang magsiga-sigaan diyan dahil pinatalsik natin ang mga Americano noong 90s.

Kabobohan ni Abnoynoy


Malaking kabobohan ang ginawa ni Abnoy. Noong 2012 ay nagkaroon ng *stand-off sa Spratly Islands involving mga mangingisda natin. Ayon sa kanila, hinaharrass daw sila ng mga malalaking fishing vessels na Chinese. Itong gagong Abnoynoy, nagpadala ng 2 NAVY ships natin. Pinadala pa mismo yung BRP Jose Rizal. Tangang Abnoy hindi alam ang rules of engagement - para siyang naghahamon ng gera. Ayun ang China nagpadala ng pitong naval ships nila. Dahil doon, hindi tayo nakabalik ng Scarborough Shoal.

Punta ngayon ang Pilipinas sa Court of Arbitration, siempre wala nang cuenta ang bansa natin. Yung gagang nanay niya na si Cory binawasan budget ng military kaya ayan mga kagamitan natin naging bulok. Hindi niya alam na ang gagong anak niya ay mag inherit ng kanyang kapalpakan. Mahina na tayo kaya ito na tayo lumalapit na sa Court of Arbitration at nananawagan sa ibang bansa na tumalima sa International Laws, bagay na hindi natin pinapansin noong malakas pa tayo at mayabang.

Pinalabas ng administracion ni Abnoy na panalo tayo sa Court of Arbitration pero ang totoo ay 12 lang ang inaksyonan sa 24 caso na sinampa natin. Talo pa rin kung ganon! Pinalabas pa rin na panalo tayo dahil hindi sumipot ang China. Eh gago pala sila! Hindi kailangan sumipot ng China dahil may provision sa UNCLOS na hindi puede puersahin ang bansa na dumalo sa isang pagdinig.

Isa pa, ang mga adjudicators ay galing sa mga na may matinding economic ties sa China. Kaya ano pa ba aasahan mo? Sa tingin mo ba ay papanig ba talaga ang Court of Arbitration sa atin?

Digong Jetski - Naniwala ka naman?


Ang daming bobo sa atin na naniwala na mag jetski si Digong papunta sa Spratly Islands. Pinapakita niyo lang ang katontohan niyo pagdating sa political science. Sinabi ni Digong yan para makuha ang boto niyo. Ganon lang kasimple yun. Alam niya ang sentimiento ng karamihan ng Pilipino - atin ang Spratlys kaya bawiin natin yan. Ang katotohanan, hindi basta-basta mababawi yan kung wala kang malakas na barco na pangdigma.

Sa paningin mo siguro ay malambot ang galaw ng administracion na ito pero ito ay resulta na ng mga circumstansya na noon pa nangyayari. Wala na magagawa si Digong kung hindi damage control. Mashado na tayong nakalubog sa kumunoy ng kumukulong tae para makaahon ngayon. Kung tayo ay papalag, tatapatan lang ng China ng economic pressure. Naaalala niyo yung mga saging na export natin na pinabayaan ng China mabulok sa ports nila? Binalik sa Pilipinas at pinakain lahat kay Abnoynoy.

Noong nakipag negotiate si Duterte sa China para i-ease ang tensions at papasukin ang mga mangingisda natin, ito ay naging tagumpay. Wala tayo mapapala sa Court of Arbitration na yan sa totoo lang.

Ano Gagawin Natin Ngayon? Nganga?


Sa playground noong bata pa tayo doon tayo natuto ng life skills na ginagamit natin ngayon kagaya ng negotiation. Kung may bully, makipagsuntukan ka para hindi ka na apihin. Kung mashadong malaki, makipag kaibigan ka sa ibang mga bata para may alliance ka at madami kayo. 

Ganyan din sa international politics. Bakit ang North Korea hindi pa rin masugod ng America? Dahil sa ties nila with China at Russia.

Tayo rin puede natin laruin yan. Japan, South Korea at Russia ay palapitin natin. At palayuin natin ang America sa atin. Yan America na yan ang nambubuyo sa atin noon pa. Sa America tayo ay customer lang. Hindi naman tayo na uplift ng America. Customer lang tayo na bumibili ng foodstuff nila mula noon pa. Tayo ay ginagawang pawn lang sa mga gera nila. Noong WW2 tayo ang mga pawns nila na ginagamit para sumugod sa mga kaaway, pero tayo ang huling binalikan nila at inuna muna ang Europa. Pagkatapos ng WW2, hindi naman nila tayo tinulungan para i-rebuild ang Manila na winasak nila. Sinong gago ang pumayag na bombahin ng mga Americano ang Escolta at Intramuros? Bakit hindi umimik sila OsmeƱa o Roxas na i-spare nila ang Manila? At pagkatapos walang repatriation, magkano lang binigay. 

Wala tayong napala sa America. 

Pero maganda hinaharap natin kung makikipag kaibigan sa Russia, Japan at South Korea. Humingi tayo ng tulong at discount sa mga military weaponry para mapalakas ang militar natin. 

Huwag na tayong bibili ng mga bulok na kagamitan sa America. Binibenta lang nila sa atin mga WW2 era na warships, kakalasin pa nila mga sonar at radar, tapos sa kanila lang tayo makakabili ng bala at sobrang mahal pa. Anong klaseng kaibigan yan? Ok lang kung ibigay nila ng libre pero bakit binebenta nila ang mahal at kakarag-karag na? Tapos yung Pakistan binigyan nila ng barco libre, tayo na long time ally nila kailangan magbayad? Anong klaseng kaibigan yan?

Palakasin din natin ang ating Coast Guard, Maritime Policy, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources dahil sila ang magbabantay ng borders natin. Bilhan ng maraming malalaking barco para hindi mamilitarize ang Spratlys. Dapat puro white ships or civilian enforcement ships lang. Kapag ang EEZ natin ay punong-puno ng mga barco nila, hindi tayo basta-basta mapapasok ng sino man.

Tandaan mo, pag pinangtapat natin blue or grey ship, naval ships yun kaya ang interpretation niyan ay naghahamon ka ng gera.

Tama na yung victim mentality natin na tuwing binabangga ang de-katig na bangkang bulok ng mga mangingisda natin ay awang-awa tayo. Tama na yan! Tingnan niyo Vietnam, alam nilang lagi silang binabangga kaya pinalakas nila ang Coast Guard nila at ang mga mangingisda nila binigyan ng mga modernong banca na yari sa bakal. Hindi nga matatawag na banca yun. FISHING VESSEL po yun! Yung sinasagwan ng lolo mo, yun ang banca. Pweh!

Kung gagawa ng tamang hakbang ang Pilipinas, nasisiguro ko na manunumbalik ang ating yabang. Naglalakihan ang mga betlog pero ang pipisot ng mga titi. Sana naman ay bumalik ang sigla ng dating kupal sa South China Sea. Ang mga hari ng bayag. Ang Pilipinas! The original bully ng South China Sea! Mabuhay!


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?