Pakinggan ang buong detalye dito - https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2947493
Huwag na kayo maghanap ng lunas o sagot sa katiwalian. Huwag na din kayo umasa na may magagawa ang ating gobierno at susunod na mga administrasyon sa mga sakuna na dadating sa atin taon-taon. Dahil sasabihin ko sa inyo na walang makakalutas niyan kung ang mga Pilipino ay hindi mag rerebolusyon o may mangyaring hard reset. Alam niyo ba kung bakit hindi na mababago yan? Ang kailangan lang natin maintindihan ay ang kasaysayan ng ating bansa. Kung bakit ang bansa natin ay hindi na makakaahon dito sa kumunoy ng kumukulong tae. At kung bakit ang bansa natin ay napangalanang "The Most Disaster Prone Country" at "The Most Corrupt."
Ang Pilipinas ngayon ay isa nang clown show. Kung ang bawat institusyon ay bagsak, kapag ang katiwalian ay normal na parte ng buhay at kung ang ating namumuno ay walang solusyon, tayo ay magmimistulang mga payaso sa isang carnaval.
Pero hindi dapat ganiyan. Kung nasunod lamang ang blueprint ni Mabini na nakasulat sa kaniyang Dekalogo. Parang ten commandments ni Mabini na nakatutok sa mga sekular at mga virtud sibil ng isang bansa. Hindi lang ito mga moral advice - ito ay blueprint para sa isang republic na nakataguyod sa dignidad, sariling pananagutan at pagmamahal sa bayan. (Mababasa ang dekalogo dito - Apolinario Mabini's True Decalogue: A Moral Code for the Philippine Republic | Sinaunangpanahon)
Para naman hindi kayo mahilo, pumili ako ng mga importanteng kautusan ni Mabini sa kaniyang Dekalogo na related sa good governance at moral public service na nag-emphasize ng integrity, virtud sibil, meritocracia (pagpili ng tagapaglingkod sa gobierno na naaayon sa kaniyang talino at kakayahan) at pagmamahal sa bayan. Ito ang mga sumusunod:
- Act according to conscience and reason - "Thou shalt not act without first thinking, nor speak without first reflecting." Sa Tagalog, "Huwag maging padalos-dalos." Itong kautusan ay mag encourage para sa ating mga pinuno na huwag maging kupal. Huwag maging taklesa at laging pinagiisipan ang isang bagay bago buksan ang mabahong bunganga. May isang dating pinuno tayo na tatay ng mga tabogo ang naiisip kong tao na hindi sasangayonan ng dekalogong ito.
- Use your talents for truth and justice - "Thou shalt not waste thy time; time lost is lost forever." Ibig sabihin, ang ating mga mambabatas at maging efficient, truthful at justice oriented. May isang tatay ng mga tabogo na wala nang sinabi kung hindi mga innuendos at hyperbole. Puro pa-paninira. Gagawaan ng kwento ang mga taong hindi niya makakasundo sa prinsipyong demonyo.
- Love your country after God - "Thou shalt love thy country after God and thy honor and more than thyself." Ibig sabihin ay unahin ang iyong bansa at makakabuti sa mga kababayan mo, bago mo isipin ang iyong sarili. Hindi yung isang tatay ng mga tabogo diyan ang love niya ay China.
- Strive for independence and self-rule - "Ayaw sa pangingialam ng mga banyaga sa affairs ng ating bansa. Hindi kagaya ng tatay ng mga tabogo na inaalay pa ang Pilipinas na maging probinsya nila. Secreto pa na naglagay ng pekeng mayor na Chinese citizen para umpisahan ang invasion.
- Prioritize national happiness over personal ambition - Ito ang sinusunod ng isang namumuno na hindi na kailangan ipaliwanag pa. Hindi katulad ng tatay ng mga tabogo na gustong siguruhin ang sariling ambition niya at maging ang anak niya na sunod na mamuno para sa bayan. Kunwari lang ang kanilang kinikilos ay lahat para sa bayan.
- Respect others' rights as your own - Basehan sa pamumuno ay ang katarungan at tinatanggi ang pag-aabuso sa kapangyarihan hindi katulad ng tatay ng mga tabogo na sobrang bastos at walang pag-galang sa karapatang pangtao puera na lang kung China ka.
- Serve with loyalty and honor - Dahil ang pagsisilbi sa bayan ay isang sagradong tungkulin at hindi kailangan gamitin para payamanin ang sarili. Nako, yung tatay ng mga tabogo ang pinapalabas sa publico ay tapat siya sa tungkulin pero pag sinilip mo lahat ng mga baho hindi pala. Yung Special Assistant niya nagpayaman din sa sarili dahil sa dami ng kontratang nakuha niya sa gobyerno. Madami sa alipores niya ang yumaman mula nang mainvolve sa politica.
- Value merit over privilege - Pinagbabawal ang nepotismo at dynastic politics at nagaadvocia para sa kahusayan sa trabaho at integridad. Hindi kagaya ng tatay ng mga tabogo na binibigay sa mga dating pulis at sundalo ang mga position sa mga ahencia ng gobierno. Mga taong walang alam kaya lalong humina ang mga institucion at sumabog ang katiwalian. Binibigay din mga contrata sa mga taga Davao kaya nga may tinawag na Davao Group na biglang yumaman noong panahon niya.
- Uphold unity and solidarity - Encourages inclusive governance at national cohesion. Hindi kagaya ng tatay ng mga tabogo na ang gusto lang mamuno ay sila-sila. Dynastic ang style ng pamumuno at magaling manggalit.
Ang mga napili kong mga kautusan, at halos buong decalogo na rin naman, ay hindi lamang moral advice - ito ay strategic framework para ibuo ang isang republica na inagaw natin sa EspaƱa. Kung magbubuo tayo ng gobierno, ito dapat ang sundin natin para hindi tayo masira. Pero si Aguinaldo mas naniwala sa mga elitista at mestizo kagaya nila Calderon, Paterno at Buencamino - mga taong ayaw na isali si Mabini sa cabinete ni Aguinaldo. Kung makita niyo listahan ng mga miembro ng Malolos Congress ay parang listahan ng mga mayayaman sa Manila. Sabi ni Ambeth Ocampo, parang society column ng panahon na yun. Ang mga taong yan ay hindi mga ilustrado. Mga mayayaman lang pero malayong-malayo sa tinatawag na ilustrado kagaya nila Rizal. Si Mabini at Antonio Luna, yan mga ilustrado yan - enlightened ones.
Kaya Bakit Maraming Tiwali Sa Pilipinas?
Sistematiko ang katiwalian sa Pilipinas at masasabi din natin na historikal na may nanggaling sa colonial legacies, elite capture and institutional failure. Ito ang mapait na katotohanan: ang katiwalian sa atin ay naging normal na pamamalakad na pero tandaan na hindi ito cultural destiny. Ito ay resulta matapos ang matagal na panahon na tayo ay nasa ilalim isang pamumuno na binuo para mag-extract or kumuha at hindi mag-empower.
Bago dumating ang mga Kastila, ang Pilipinas, na hindi pa bansa noon ay may existing barangay systems. Ang mga barangay ay pinamumunuan ng mga datu, may batas naman pero yan ay depende sa datu. At sa ibang barangay may datu na naman at may sariling batas na sinusunod, depende talaga sa datu kung ano trip niyang batas. Hindi ako magugulat kung may batas na tsupain ang titi ng datu, lalaki ka man o babae, bata o matanda. Sa dami ng gunggong sa atin, hindi ako magugulat. Kaya ang mga barangay system ay built on personalistic governance - basta tapat ka sa datu, ok ka ay hindi ito base sa abstract laws na consistent at ang pinagbabasehan ay shared values at justice oriented. Maging loyal ka lang sa datu puede na, depende kung sino ang datu. Kagaya ng style ng isang tatay ng mga tabogo sa Davao putangina.
Ang barangay system ay nagmula sa Austronesian settlers, kasi diba iisa bangka ng mga yan, tapos dadating sa isla para doon manirahan. Diyan na develop ang barangay system kaya maliliit at kinship-based ang communities. Hanggang ngayon may mga liblib na lugar pa rin sa mga probinsya natin.
Nang dumating mga Kastila, naintroduce ang encomienda system. Ito ang paraan para sa mga mananakop na ma-exploit ang mga natives sa pamamagitan ng pag-kolekta ng buwis at pilitin na magtrabaho para sa mga kanila, kapalit ay protection, basic needs at bigyan ng relihiyon. Nagkaroon ng exploitation dahil maraming encomienderos ay umabuso sa sistema - pinipilit tayo magtrabaho sa minahan, pataniman at construction at bibigyan lang ng maliit na sahod kung meron man. Kasi may cases na walang pasahod talaga. At kayod kabayo pa.
Ang encomienda ay ibibigay sa isang Kastila na settler bilang gantimpala sa kaniyang kagitingan sa labanan for example. Bigyan sila ng encomienda sa isang barangay halimbawa, hawak mo lahat ng tao diyan at lahat sila magbabayad ng buwis sa iyo. Ang ibabayad nila sa iyo halimbawa ay bigas, ginto o kaya ay libreng paninilbihan. Kapalit nito ay bibigyan tayo ng protection at bibigyan ng fraile para magmisa at turuan tayo ng Catolisismo. Sa katagalan, maski ang mga fraile ay naging encomienderos na din.
Slavery ito in practice. Nagpayaman mga encomienderos gamit ang ating mga ani, likas na yaman, dugo at pawis. Ito ang naging umpisa ng land grabbing at control ng mga elites at pinagmulan din ng systemic inequality na ramdam pa rin natin hanggang ngayon.
Itong encomienda system, pinagsama ng barangay system ay nagbigay daan para sa political dynasty sa atin. Diba kayong mga tabogo ang gagawin niyo lang ay maging loyal kay mayor, iboto niyo sila, huwag papalitan, asawa, anak hanggang apo nila ay iluklok niyo kapalit ay puesto sa palengke, prangkisa ng tricycle, puesto sa bangketa, trabaho sa municipio atbp. Diyan nagmula yan sa encomienda system plus yung pre-existing na barangay system. Ang mga datu ay ginawang mga principales, na siyang nangongolekta para sa Crown.
Pagkatapos makamit ng Pilipinas ang independencia, ang mga institution natin ay sinalihan ng feudalismo. Kaya ang bawat election ay mainit, nauuwi sa patayan kung sino ang sunod na magiging encomiendero. Ang mananalo ay siguradong hindi na mapapalitan kasi babarahin na nila ang lahat ng position paglagay ng kanilang asawa, anak at kamag-anak hanggang sa lahat ng position sa LGU ay buong pamilya na nila. Mga putanginang baboy na abusado. Lately, maraming mga bagong dynasty ngayon ay may maiikling apellido kagaya ng - Co, Chua, Lim, Yu etc.
At kahit wala na ang mga fraile hindi naman nawala ang systema ng corruption ng simbahan na deeply embedded sa Philippine society. Ang buong istraktura, impluwensya at hawak nito sa ating kultura ay patuloy na nagdidikta sa pamumuno ng bansa natin at educasion. Hindi nagiba ang sistema ng mga fraile, pumalit lamang ang mga Pilipino na pari. Maraming ginawang pangingialam ng simbahan sa mga affairs ng gobierno. Gatekeepers ng morality kuno - hinaharang nila mga policy na makakatulong para maging mas maganda ang pagpapatakbo ng bansa kagaya ng mga programa para sa pag control ng populasyon. Kaya ito ang dami-daming mga patay gutom na palaboy dahil laging hinaharang ng mga obispo natin ang mga magagandang programa. Mga kantutero pa mga Pilipino kaya ang daming mga babaeng disgrasyada na may anak pero walang asawa.
Huwag din kalimutan na ang simbahan ang original land grabbers. Kung ipamahagi nila mga lupa na ninakaw nila sa mga natives, sana hindi ganiyan kadami mga skwater sa atin. At mas naging maayos sana pamumuhay ng mga iskwater kung hindi sila nagaanak ng madami na hindi na nila kayang tustusan at ang mga anak nila ay dadagdag lang sa mga milyon-milyong palamunin na hindi naman nagbabayad ng buwis!
Hindi rin dapat makalimutan ang ibang mga relihiyon diyan, karamihan ay mala-kulto pa na malakas ang impluwensya sa politica. Nandiyan ang INC, Kingdom of Jesus Christ at Jesus is Lord na mga sponsor, endorser at pinagmulan ng napakaraming politicong tiwali at banban. Ang mga grupo na ito ginagamit din taguan ng pera ng mga magnanakaw sa kaban ng bayan dahil ang perang tinago mo sa bank accounts nila ay hindi masisilip at mabubusisi.
Ngayon ito namang mga Chinese immigrants sa atin na nagdatingan na noong 1700s pa, ay nakaranas ng discrimanasyon at dahil sila ay dayuhan noon, hindi sila nabibigyan ng lupa at hindi nakakasali sa politica. Dahil dito sa paghihirap na dinanas nila, wala naman silang mga ari-arian o tahanan sa China na pinagmulan nila, ay kailangan nila manatili dito at hindi nila matiis ang sistema na sila ay walang kwenta. Yan ang naging motibasyon nila para magpayaman, makakuha ng kapangyarihan at siguruhing mapanatili nila ito dahil kapag ito ay mawawala, mahirap na ulit maibalik. Upang mapanatili ang dynasty, sila ay mag-actong gatekeepers' ng karibal sa politica. Parehong philosopia ginagamit nila sa negosyo, mainly to keep start-up businesses na pagaari ng natives out!
Kahit ano man tahakin nila - lalo na sa politica at negosyo - sisiguruhin nila na walang makakalaban sa kanila at sila lang ang maghahari. Diba 85% ng mga malalaking negosyo sa bansa natin ay controlado ng iilang pamilya lamang. Marami sa kanila Chinoy. 90% ng GDP ng bansa natin noong 2023 ay napunta lamang sa 40 na pamilya. Isipin niyo yan.
Yan ang mga dynamics ng bansa natin, para maintindihan niyo ang behavior ng bawat Pilipino at kung bakit halos magpatayan ang bawat isa para lang mapanatili sa puesto na sila ay may kapangyarihan at kakayahang humakot ng pera at mangamkam ng lupa.
(Sa susunod na kabanata ay hihimayin natin ang Noli Me Tangere at kung bakit ito ay hindi naituturo ng maigi sa kabataan. Puro rote memorization lamang at nawala ang revolutionary fire.)
Comments
Post a Comment