Dapat Ang Mga Pilipino Ay Itakwil Na Ang Mga Duterte!
https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2411733
Patuloy pa rin ang bobong politica sa paglagay ng bobong politico. Ganon lang yan eh. Gusto mo maging lango-lango yung buhay mo? Eh di maghalal ka ng bangag na kagaya ni Baste. Lakas pa ng pintas ng mga DDS na bangag ang pangulo ng Pilipinas eh yung kanilang mayor at bangag at ang pamilya niyan ay mga bangag.
Ano man yang girian ng China at America kanila lang yun. Pero tayo ay may karapatan sa WPS na dapat igalang ng China. Hindi dapat ang Pilipinas magpauto sa naratibo ng China. Ang kanilang naratibo ng China ay ang Pilipinas sa WPS ay walang karapatan diyan. Historically sa China yan kaya may 9 dash line sila diyan at tayo kasama ng US ay mayabang diyan na unang nagtayo ng structures diyan na labag sa karapatan ng ibang claimants. Ang US ay aggressor at ang China ay pinaglalaban lamang ang kanilang karapatan. At tayo ay dapat manahimik at huwag makisali dahil pag tayo ay sumali tayo ay mamamatay at magugunaw sa lakas ng puersa at kapangyarihan ng bansang China.
Yan ang naratibo na inuulit-ulit ng mga Duterte. Ito yung bed-time story na kinukwento sa atin para tayo ay matulog ng maaga at huwag malikot. Akala ng mga Duterte na lahat ng mga Pilipino ay tanga na kagaya ng mga DDS nila na patuloy silang niluluklok sa puesto kahit na walang magandang resulta ang naidudulot ng kanilang pamamalakad.
Ano pala naging resulta ng drug war ng Digong-Niyo? Wala. Hindi naman nawala ang drugs. Dami pa nga nakalusot. Baka sila ang mga drug lord protectors na sinasabi nila. Nasaan na yung mga pledges ng China noon matapos tumuwad ng tumuwad ang tatay niya para kay Boss Zhi? Zhi-Zhi nang zhi-zhi paulit-ulit pero bakit hanggang bumaba sa puesto tatay niya ay wala tayong nakitang kahit isang big ticket infrastructure project diyan? Kahit yung Mindanao Rail bakit wala?
Kasi ang China ay walang respeto sa Pilipinas dahil bully eh. Kung sasabog ang gera diyan sa WPS, ang Pilipinas ay kailangan maghanda. Hindi natin kagustuhan yan, hindi rin natin mapipigilan yan. Hindi ito dahil kampi tayo sa America at kaaway natin ang China pero ito ay para sa ating karapatan sa sarili nating teritoryo. Kahit nga mga Duterte hindi nirerespeto ng China. Tingnan niyo nilaglag nila si Digong. Binulilyaso na si Digong ay may agreement sa kanila na alisin ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa mga batuhan diyan sa WPS para may presence tayo. Ano tawag mo diyan? Nilaglag siya ng China at napatunayan talaga na traydor ang mga Digong-Niyo!
Ngayon pa lang ang mga private citizens ay hinihikayat na mag training sakaling mag escalate na nga at maglalabasan ang mga bayani natin. Ang mga Duterte ano gagawin ng mga yan? Diyan tayo mag-ingat dahil ang bala malamang manggagaling sa likod natin.
Comments
Post a Comment